Chance (7)

9 0 0
                                    

Hawak-hawak ng isang bata ang kamay ng kanyang ina habang tumatalon-talon pa siyang kumakanta. Sumakay sila sa isang pulang van at niyakap ang lalaki na nagmamaneho nito. Napansin ng bata ang katahimikang namamagitan sa dalawa kaya hindi na rin siya nagtanong dahil natatakot siyang mapagalitan.

Nag-agawan sa pagmamaneho ang lalaki at babae hanggang sa bumangga sila sa isang malaking truck at halos tumaob ang sasakyan nila dahil sa lakas ng impact.

Kitang-kita ko ang mukha ng bata ngunit malabo ang mukha ng babae at lalaki na kasama niya.

Then it hit me. It was me fourteen years ago. It was me before the accident happened.

As I opened my eyes, I can see blood all over my body. I saw my mom and my dad lying dead beside me.

Nagising ako sa bangungot na laging na lamang bumabagabag sa'kin kahit ako'y gising. Niyakap ko ang aking mga tuhod. Hindi ko na napigilang banggitin ang salitang 'Mama' at 'Papa' habang umiiyak.

Mag-isa na lang ako ngayong gabi. Umiiyak sa madilim na kwarto at walang Mirah na yayakap at magpapagaan ng loob ko. Sarili ko na lang ang maari kong asahan ngayon ngunit paano ako magtitiwala sa sarili ko gayong ang pag-iyak na lamang ang nakikita kong paraan upang makahinga sa isang alaalang bumabalik-balik na tila ba isang matulis na kutsilyong humihiwa sa bawat hibla ng aking pagkatao.

Tumayo ako at kinuha ang librong binabasa ko at sinubukang doon ituon ang pansin ko. Susubukan kong lumayo pansamantala sa mapait na katotohanan at magpapakasaya sa isang huwad na mundo kung saan maari akong maging ibang tao.

Even just for a day, I want to be in a place where I will never forget my own parents' appearance. Because whatever I will do, my nightmares will keep on hunting me with those faceless people dying beside me.

Tulak-tulak ni Rio ang wheelchair ni Shayla habang nakasunod kami ni Cris sa kanilang dalawa. Nakaposisyon kami sa likod ng rancho kung saan makikita ng malapitan ang Bulkang Taal. The nurse was trying to hit on Rio, but he kept ignoring her which is kinda funny since I've known him to be flirty.

"Dito kami nagkakilala ni Akihiro sa mismong pwestong ito," pagsisimula ni Shayla habang nakangiti at pinagmamasdan ang Taal.

Hindi ko na rin napigilan ang mamangha sa tanawin at malamig na simoy ng hangin bagamat tag-init ngayong Mayo.

"Gusto mo bang marinig ang kwento kung paano siya nagsimulang magpapansin sa'kin at paano nagsimula ang pag-iibigan namin?"

"Not again..." Sabat ni Rio na akmang itutulak paalis si Shayla.

Pinigilan ni Shayla ang wheelchair sa gulong nito. "Then don't listen. I want sometime alone with Lee."

"Is she your daughter? 'Cause I know I am your son," may bahid nang pagseselos ang boses niya na napansin ni Shayla kaya tumawa ito. Marahil ay naalala nito ang naikwento niya sa'kin sa tuwing pinagseselosan ako ni Rio.

"You'll aways be my baby, Rio. So come on. Ipasyal mo muna si Cris."

Pinanlakihan ni Rio ng mata si Shayla pero tinapik lang siya ni Shayla at bahagyang itinulak palayo sa amin. Napailing-iling siya at kinuha ang aking kamay.

"Japanese si Akihiro. He was taking a vacation here in the Philippines where we first met. I was five years younger than him and love is an unfamiliar word for both of us. It was like love at first sight, but we both don't believe in it and just started as friends," pagkukwento nito.

"I love travelling to different places, and since Akihiro seemed to be bored here he decided to tag along. We both enjoy each other's company and after almost two years, we started dating."

Chances for a Bitter Writer (First Chance)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon