Love and Lies

778 14 0

We just got the word from Sir Pancho na napush back ang repeat concert ng AshBoo. We didn’t ask pero sabi nga ni Karen, malamang, dahil sa paglink sa dalawa.

“Eh bat di mo tinanong kung totoo yun?” tanong ni Berna kay Karen habang nasa conference call kami.

“Anong totoo? Pushed back na nga!” Pagsusuplada ni Karen.

“Baliw! Itinanong mo sana kung sila na ba? Kung totoo yung news?” Pilit ni Berna.

“Anong gusto mong isipin? Totoo or hindi?”  Sabi ko kay Berna.

“Syempre sana totoo.” Halos sabay na sagot nina Karen at Berna.

“Pero sandali lang…wala namang news kung hiwalay na si Sir B kay wifey, di ba?” Tanong ko.

DEAD AIR.

Matagal.

Nakakalungkot na katahimikan.

Yung wala kang alam na sabihin, kahit konting kalokohan.

Kasi totoo na to. Hindi lang pangarap.

Totoo na nga ba? Sila na ba talaga? Dapat ba kaming magsaya? Talaga?

“Mga miss, tapos na ang lunchbreak ko. Kailangan ko na bumalik sa desk ko. Dami pa kong work.”

“Ok. Tapusin na natin to. Wala din naman akong alam.” Sagot ni Karen.

______________________________

In front of my desk computer, maraming gagawin. Marami ding di dapat gawin.

Kagaya nito, hindi ko dapat siya iniisip.

Hindi ko dapat naririnig yung boses niya.

Hindi ko dapat nararamdaman ang hawak niya.

Wala naman siya dito. Hindi ko naman siya kasama.

Pero bakit kahit hindi dapat, siya lang ang gusto kong maisip….madinig….maramdaman?

_________________________

“Do you want to ask me anything?” Tanong ni Mica sa akin.

Madami akong gustong itanong. Hindi ko alam saan magsisimula. Hindi ko din alam kung magugustuhan ko ang sagot.

“Sa ibang araw na lang. Wala akong maisip e.” Sagot ko sa kanya.

“Ayaw mo ba malaman, why?” Dugtong ni Mica.

“Gusto, pero I don’t want you to lie.” Sagot ko nang hindi tumitingin sa kanya.

Tinamaan ba siya ng sagot ko? Kasi hindi na siya nagsalita ng higit sa isang syllable mula noon.

“Naayos mo na ba yung dapat mong gawin sa Laguna?”

Iling.

“Gusto mo bang kumain or magkape?”

Iling.

Nang dumating kami sa condo ko at nang maipark na ang sasakyan,

“Ok ka lang? Paano ka uuwi?”

Kibit balikat.

“Gusto mong umakyat muna?”

Wala siyang sinagot, sumunod lang siya sa akin sa elevator. Pagdating namin sa pinto ng unit ko, aktong bubusan ko na sana gamit ang susi ko nang biglang hinarang niya ang katawan niya sa harap ng doorknob.

“There's nothing to lie about.” Biglang sabi niya sa akin.

“Ok.” Sagot ko habang naghihintay ng kasunod niyang sasabihin.

A Fangirl in LoveBasahin ang storyang ito ng LIBRE!