Gender doesn't matter xx

-

Allison’s POV

Bakit ganun? Tumibok bigla ng mabilis yung puso ko kanina nung ngumiti siya? Nakakabaliw! Siguro doon ko lang siya nakitang ngumiti kaya tumibok ito bigla. Sobrang ganda niya pala kapag nakangiti, hindi ako makapaniwala.

Ding dong ~

Biglang tumunog yung doorbell, by the way kakauwi lang namin ni Nathalie nagsabay kaming umuwi. Worth it ang unang klase kasi naging masaya naman at madami ako nakilalang mga kaibigan.

Pagbukas ko ng pintuan bumungad sa akin ang mukha ni Naomi.

“Hey” sabi niya, pinapasok ko naman siya at pinaupo sa sofa.

“Nice” sabi niya na ilinilibot ang kanyang mga mata sa condo namin.

Bigla namang lumabas si Nathalie para kumuha ng pagkain sa ref, madami kasing pang-meryendang pagkain sa ref. halos dala niya nga lahat eh -,- matakaw siguro siya.

“Oh, hi” sabi ni Naomi.

“Ugh” napalunok naman siya sa kinakain niyang brownies nung makita si Naomi sa sofa na nakangiti sa kanya, umupo na ako nung umalis si Naomi para pumunta kay Nathalie. Nanood na lang ako doon. Pumasok naman sila sa kwarto tapos biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Oh why?! Bakit na naman ito bumibilis? Pinatay ko na yung TV at kumuha din ng brownies sa ref tsaka nagpunta na din sa kwarto.

Nagkwekwentuhan lang sila doon na dalawa, close na sila? Hindi ko alam kung bakit kay Naomi lang ngumingiti si Nathalie. Siguro komportable siyang kasama niya si Naomi. Tsaka akala ko pa naman hindi na ako mababagot kapag nandito si Naomi, yun pala ako din ang hindi kinakausap. -____-

“Do you like someone?” tanong ni Naomi na nakangiti kay Nathalie, hindi ko kasi maiwasan na mapatingin sa kanila kasi malakas yung boses nilang dalawa eh. Naubos ko na yung brownies ko kaya naman nahiga na ako sa kama.

“Nope but earlier my heart beats when I saw that person” sabi niya. Huh? Siya din? Naubos na din niya yung brownies niya kaya naman kumuha siya ng tissue at pinunasan ang bibig niya.

“Who?”

“I don’t know” hindi niya alam? Paanong hindi niya alam? -___-

“Maybe you like that person”

“Naah, I don’t know”

“Girl?” tanong naman ni Naomi na ikanagulat ko. Babae?

The Girls (GirlXGirl)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!