[13] Of Hormones & Other Stuff

822 17 1

In love na nga ba ang hormones ni Travis sa akin?!

Wala talaga akong sense of creativity kahit pipiranggot sa katawan. Wala talaga. As in, wala. Napakawalang kwenta kasi ng binili kong gift para sa mabubunot kong monito para sa Christmas Party mamaya. Dahil hindi ako nakapagprepare dahil akala ko ay bukas pa ang Christmas party at wala na ako sa wisyo dahil sa munting tagpo namin na iyon ni Travis ay bumili ako ng isang napakageneric na bagay bilang gift. 

Isang pares ng mug.

Bakit nga ba pares? Kasi worth P300 dapat. Eh yung binili kong mug ay P295, couple mug ang peg. Hindi naman nila malalaman na P5 short yung gift ko, tinanggal ko naman ang price tag eh. Cute naman ang design nito, may nakasulat na "Mr." sa isang mug at "Mrs." naman sa isa pang mug. Sana nga lang ay magustuhan ng kung sino mang mapagbigyan ko nito ang gift kong puchu-puchu.

Bago kami nag bigayan ng exchange gifts ay nagkaroon ng kaunting program at may mga games. Naglaro kami ng trip to jerusalem, newspaper dance at iba pa. Para kaming mga bata, pero aaminin kong masaya kami at nagenjoy ang lahat. 

Nung oras na para kumain, na last "event" bago ang exchange gifts ay nagkantahan kami muna at nagsimulang kumain at magkuwentuhan. Maraming pagkain, may nagdala ng lechon, adobo, mechado, bihon, may spaghetti rin at mango float na paborito naming lahat, at mayroon ding cake. 

"Carol!" ngumiti sa akin si Jared at nginitian ko rin siya.

"Jared!" wala akong masabi kaya tinawag ko lang ang pangalan niya. Nagkatinginan lang kami at natawa. 

"Punta ka daw sa gitna. Kanta ka daw." sabi niya sa akin. Nagulat naman ako. Ako? Kakanta?!

"Ha? Sino sabi?"

"Sina Ma'am. Buking ka na Carol, kaya kumanta ka na!" hinampas niya ako ng pabiro sa balikat at naguluhan naman ako.

"Bakit naman ako kakanta?!" tanong ko na medyo napalakas ang boses ko.

"Intermission yun Caroline!" sumingit si Ira, ang isa pa naming kaklase.

"Bakit kailangan mag intermission?" Natawa ako. Niloloko ata ako ng mga tao dito eh. Napatingin ako sa paligid at nagsimula silang manggatong at nagcheer para kumanta ako. "Hindi ako marunong kumanta!" Natawa nalang ako sa mga mukha nila.

"Naku, wag mo nga kaming lokohin Carol, ikaw talaga!"

"Alam naming may hidden talent ka kaya kumanta ka na!" narinig ko ang boses ni Alfred at ngumiti siya sa akin. Nginitian ko rin siya. 

"Pumunta ka na sa gitna, Carol." sabi ng adviser namin. Parang malalaglag na ang panga ko dahil pati si Ma'am ay nakisali. 

"Ma'am naman! Baka masira ang mundo pag kumanta ako!" Biro ko at nagtawanan ang mga kaklase namin.

"Kanta na Carol, o di ko pipirmahan yung clearance mo!" kinindatan ako ni Ma'am at nanlaki naman ang mga mata ko.

"Seryoso ba yan, Ma'am?" gulat na sabi ko.

"Oo naman, mukha ba akong nagjojoke?" Tumaas ang kilay ni Ma'am at ngumisi sa akin ng pabiro.

"Ma'am naman eh!" Nakitawa na rin ako sa mga kaklase ko. Hindi ko alam kung ano ang trip nitong section namin. Nababaliw na ata ang mga tao dito.

Nilibot ko ang paningin ko sa kwarto at tumayo. May isang mukha akong gustong makita, pero hindi ko siya nahanap. Ngumisi ako pero sa loob loob ko ay sana nandito siya.

"Naks, mukhang may hinahanap yung iba diyan oh," pangaasar ni Jared.

Inirapan ko siya at pumunta sa gitna. Nilapitan ako ng isa ko pang kaklase na may hawak-hawak na gitara. Nginitian ko siya at tumango rin siya sa akin.

Crush Kita, Manhid Ka Ba?!Basahin ang storyang ito ng LIBRE!