Alexis: Ayoko kasi nang number na 11 kaya ganyan ginawa ko, sarreh, bitter ako, hahaha. 12 padin ang gusto ko no matter what, pero teka -- asnwjdnqwejfnqewo >.< pupunta sila dito, pautang naman oh, wahahaha

--

"May slot po ba kayo para manood?" tanong samin nung guard, hala, ito na nga ba sinasabi ko dito eh, mahigpit sila pag may mga liveshow kasi baka dumugin yung guest na lalabas, at isa pa, may schedule ata to para magpa reserve ng slot or kaya naman may kakilala, teka nga -- bakit ko ba alam ang lahat ng to?!

"Ah--eh wala po eh." sabi ni L habang nagkakamot ng ulo, yung guard naman napa iling ng ulo, kinakabahan ako baka hindi ko makita si Ate Athena ..

"Tsk tsk, umuwi na kayo ng girl friend mo iho, hindi kayo makakapasok sa loob." girlfriend? Nasaan? Eh wala nanaman ibang tao dito kundi kaming dalawa ni L, nakapasok na kasi yung iba, at yung iba pa, pinauwi din .. si L naman hinawakan yung braso nung guard, anong gagawin niya?

"T-teka lang kuya! Kilala ko yung magg-guest! Kababata ko yun!" sabi ni L, hindi ko alam na kaya niyang gawin yun para kay Ate Athena, para siyang batang pinipilit yung nanay niyang bilhin yung laruan na gusto niya, hahahaha

"Wushu! Ganyan kayong mga kabataan, magaling gumawa ng kwento!" sabi nung guard at tinaboy yung kamay ni L na may kasamang slight na tulak, hindi naman kasi gaano kalakas, kaya itong si L napaatras at nagpagpag ng damit niya, sabay umiling, t-teka ang hot niya! Waaaahhh, kalma Alex .. whooo!

"Letcheng guard yun, makikita niya! Tinawag pa akong story maker, tss. Ibang klase!" sabi ni L sakin at umiling iling, halata mong naiinis siya dahil sa itsura ng mukha niya, hula ko nga pinipigilan niya yung sarili niya na suntukin yung guard hahaha, nako manong guard, kung alam niyo lang na kababata niya si Ate Athena at pinsan ko yun, patay ka!

"Sinabi ko na sayo hindi tayo papasukin kapag pumila lang tayo eh, tsk tsk" sabi ko kay L, siya naman nag death glare sakin, mehehehehe, sabi ko nga .. tatahimik nalang ako habang bad trip siya, hahaha.

"T-teka diba may number ka ni Athena, tawagan mo nga ng makapasok tayo dito!" sabi ni L sakin na may halong tulak pa, ang sweet niya ah, sobra.

"Bakit, may number ka din naman niya, hiningi mo sakin diba" sabi ko naman pabalik sakanya, akala mo ah, gusto mo load ko mauubos, sayo hindi, hmp!

"Baliw ka ba, hindi niya naman kilala number ko, pag tumawag ako hindi niya sasagutin kasi unregistered, baka sabihin niya fan lang, dali na!" leshe, sabi ko nga diba, kinuha ko yung phone ko sa bulsa ko, at hinanap na yung contact number ni Ate Athena nang ma contact ko na para matapos na tong paghihirap sa labas

*Calling Ate Athena* 

"Ate?" 

"Alex, bakit ka napatawag? May show pa ako, busy ako ngayon."

"Yun na nga ate, nandito kam-- ako sa audience entrance dun sa show na lalabas ka, gusto kasi kitang makita, miss na kita, kaso ayaw ako papasukin ng guard .."

"Bakit hindi mo ko sinabihan ng maaga?"

"Biglaan ate, naisip ko lang kanina dahil nabored ako sa bahay .."

"Ahh .. sige sige, papalabasin ko yung manager ko, may kasama ka ba?" napatingin ako kay L na nakatingin sakin, naka loud speaker naman yung phone kaya naririnig niya din yung sinasabi ni Ate Athena, napatingin ako sakanya at minouthed na "anong sasabihin ko?" 

60 Seconds.Basahin ang storyang ito ng LIBRE!