Chapter Two - Shocked

Magsimula sa umpisa

"Daryl Daryl magkakaboyfriend na ako!" panggagaya pa nito sa boses ko.

Hindi man lang pinansin yung sinabi ko. ang bruhong to!

"Ang gwapo nya kamukha ni Alden Richards!" kala mo inipit na bakla yung boses nito.

Tawang tawa pa talaga sya!

"Hoy hindi ganyan boses ko ha! Impaktong to! Hindi ko naman binoyfriend yun!"

"Sasagutin ko na kaya si Roy?" ayaw talaga akong tigilan ni Daryl.

"Epal ka talaga!" sabay hampas sa braso nya.

Hindi naman talaga naging kami dahil nalaman ko after two days may nililigawan pa syang ibang babae!

Lalaki nga naman! Tumalikod ka lang may iba nang nilalandi!

After nun wala nang nanligaw pa sa akin. Feeling ko tuloy ang pangit ko.May mga nagpapalipad hangin pero habang tumatagal naglalaho na lang sila na parang bula. Kaya hindi pa ako nagkakaboyfriend.

As in never. Wala naman akong balat sa pwet.

Habang yung mga friends ko sa school nakikipagdate.. May flowers pagdating ng valentines.. Chocolates..

Ako?

Nganga.

At ayaw ko ng isipin pa!

"Lumayas ka na nga, pumunta ka na sa klase mo! Mamaya mapagkamalan na naman tayong magboyfriend. Mawawalan na naman ako ng pag-asang magkalove life!"

Tumawa lang sya sabay kindat sa akin.

"Daryl Valdeverro!!!!"

Tumakbo na palayo ang lalaking yun bago pa umabot yung hampas ko.

Pinandilatan ko pa din sya kahit malayo na sya.

Rinig ko pa ang tawa nya.

Ang lakas talagang mang-asar nun!

Aisha relax!

This is your first day at school..

Alisin ang negative energy..

Breathe in..

Breathe out..

Positive

Positive

Ilang sandali lang bumalik na ulit yung mood ko kanina bago pa ako dumating sa school..

At ito na ang classroom ko..

Everything will be fine..

Just smile..

Pagpasok ko humanap agad ako ng empty seat yung wala pang katabi. Unfortunately halos puno na pala ang room at ilang seats na lang ang available.

"Hi girl! Dito ka na lang umupo sa tabi ko!"

Sabi ng isang cute na babaeng nakaupo sa pangalawang row sa gawing kanan.

Hindi naman kagandahan pero ang ganda ng ngiti nya so napangiti din ako.

First Friend!

Magandang sign to!

Magtuloy-tuloy sana ang magandang pangyayari sa araw na to!

At habang palapit ako sa kanya hindi sinasadyang napatingin ako sa lalaking nakaupo sa likuran nya..

OMD!!!!!

Nabura ang ngiti sa labi ko.. This is not happening..

How i wish this is not happening..

Please somebody tell me that this is really not happening!!

Just You And MeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!