For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Chapter Two - Shocked

23 6 11

*Aisha's POV*

Yesssssss!!!!

Pasukan na!

Excited na talaga ako pumasok..

New Uniform

New Atmosphere

New Things

New School

New Friends

Hindi sa wala akong ibang friends maliban kay Daryl.

Sa ibang school kasi nila gustong pumasok para daw makasama mga boyfriends nila.

Maghihiwalay din sila. Hmp!

Makikita nila ihahampas ko sa mukha nila yung magiging boyfriend ko!

sabi ko sa sarili ko

Ihahampas talaga? Hindi ba masakit yun? sagot ng utak ko.

Oo ihahampas ko talaga! sabi ko sa utak ko.

Huwag ka nang umasa hindi ka na magkakaboyfriend! Haha!

Pati ba naman sarili ko inaasar ako?

May tama na ata ko. XD

Anyways..

Papunta na ako sa school kasama si Daryl sakay ulit ng auto nya..

Tama naalala ko.

Alam kong nagtatanong din kayo kung anu'ng nangyari sa bestfriend kong ito?

The moment na nakabalik ako sa "pinag-iwanan" nya sa akin doon sa may school registrar.. Worried ang itsura nya ng makita ko syang nakatayo sa tabi ng counter. Pagkakita nya sa akin nagsorry sya kaagad.

May unexpected daw na nangyari kaya medyo natagalan sya. Hindi naman nya sinabi kung ano, basta long story daw tsaka hindi naman ganun kaimportante.

Tinanong nya din ako kung saan ako napunta at ang sabi ko na lang naglakad lakad lang ako sa tabi-tabi.Alam mo na, sight-seeing.. Naniwala naman sya.

Kung natagalan pa daw ako bago nakabalik ipapahanap na raw nya sana ako sa buong campus.

At yung cellphone nya?

May makulit daw na tawag ng tawag kaya pinatay nya. Hindi ko na lang inusisa kung sino baka isa sa mga nagkakagusto sa kanya. Baka mamaya mahalata nyang may tinatago ako o madulas pa ako na may nangyari sa akin.

Bakit ko pa ikukwento?

As if magkikita pa kami at ayaw ko nang maalala pa yung mga nangyari kaya..

Erase!

Erase!

Erase!

Past is past.

Importante yung present at yung future..

Pagkarating sa school nagprisinta syang ihatid ako sa building kung nasaan ang classroom ko.

"Aisha, baka mamaya magpaligaw ka na agad pag may nakita kang gwapo sa mga classmates mo ah.." Nakangusong sabi nito.

"Ligaw agad? Unang kita palang hindi ba pwedeng crush muna? Umandar na naman yang pagkafast forward mo. Ngayon pa lang mag-uumpisa yung klase. At wala akong balak na magpaligaw."

"Weh? Parang kelan lang, first day of classes din noon may nanligaw na agad sa'yo dun sa dati mong school. Kilig na kilig ka pa nga." sabi nitong nakangisi.

"Hindi kaya! Grabe ka, ikaw nga tong papalit palit ng girlfriends eh!

Halos buwan-buwan may pinapakilala kang babae sa akin!"angil ko sa kanya.

Just You And MeBasahin ang storyang ito ng LIBRE!