Chapter Twenty-Two

4.7K 126 27
                                    

CHAPTER TWENTY-TWO

Unknown

Someone snapped a finger in front of me, "Hey! Earth to Nat?"

Nandito na pala ang dalawa kong hinihintay. Grabe ha. Ganon ba ako katagal nagdaydream?

Wala ako sa sariling tumayo at naglakad na papunta sa parking lot. Kailangan ko nang makauwi at humingi ng pahintulot sa mga magulang ko. Mukhang kailangan ko na yatang magpa-check up sa cardiologist.

Dinadama ko ang bawat kanta sa sasakyan ni Ran on the way sa bahay namin. Nagising na naman ako sa kahibangan nang ini-off ni Ran music at itinigil ang engine. Gustong magpaiwan ni Yas kaya no choice si Ran kundi tumambay din muna sa bahay.

"And why ka magpapaiwan din?" maarteng tanong ni Yas kay Ran, "I can go home alone na."

Pagod na pagod akong umakyat sa kwarto ko, at hindi ko rin alam kung bakit ako pagod. Wala naman akong ginawa before umuwi kundi umupo lang at hintayin itong dalawa kong kaibigan na nagkakainitan na ngayon.

"Are you sure, Yas?"

"Of course I am. You go if you want."

I didn't have the energy to chime in between them. Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at pumikit. No, I won't sleep. Not with Yas still here, alam kong kukulitin ako nito ngayon.

"If you say so." sabi ni Ran in his No big deal tone, at narinig ko ang yapak niya pababa ng hagdan. Oras naman na para tignan ko ang priceless na reaction ni Yas. Naiinis ito kaya napangisi na lang ako.

"Ayan kasi, nai-challenge pa si Ran."

She groaned, "He'll be back."

Itinaas ko ang isa kong kilay at tumango tango habang nakangisi, "Of course."

Hindi ako pinagbihis ni Yas hangga't hindi ako nagkkwento sa kanya ng latest happening dito sa puso ko. Itinakip ko ang unan sa mukha ko nang magsimula na naman siya sa pagsermon sa akin tungkol kay Brian.

"Still liking that freaking Brian is not healthy, Natalie Paz. Hindi ko pa nga alam ang buong love story niyo but what I know now is you have got to stop this."

Umupo ako nang hindi inaayos ang buhok kong nakakalat sa harapan ng mukha ko. "And why should I stop this?"

Should I try confessing again now?

Hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inumpisahang alugin ako na para bang may tinatanggal siyang masamang espiritu sa kaloob looban ko. Kahilo ha!

"Because! I don't want you to be just his option, Natalie. As far as I know he is your first and I want your first chance at love to be as almost perfect as your parents'."

Alam kong maswerte ang buong pamilya namin sa naging buhay-pagibig nila, at ako na lang yata ang minamalas. Wala naman akong kaso roon, sila lang talaga ang gusto ng best para sa akin sa magiging future ko. I know no family wouldn't want anything less for their daughters pero kasi minsan sobra na, out of the line na.

The Exes Club (Chase Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon