Prologue

217K 2.6K 138
                                    

LOVING THE ENEMY SERIES: BOOK ONE

Defining Destiny
(Marrying the Enemy)

Copyright 2014 by FatimaLouisse

All Rights Reserve.

No parts of this book may be used or reproduced in any manner whatsoever without written permisson from the author, except in the case of brief quotations embodied in critical articles and reviews. However, the author explicitly does not own the rights to the image on the book cover.

This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are product of the author's imagination or are use fictitiously. Any resemblence to actual person, living or dead, places and locations are purely coincidental.

PROLOGUE

"Seriously, Monique! Dinala mo ang trabaho mo dito? Ngayon?! Ngayon talaga?!" Naghihisterikal na bulalas ni Amy.

Mula sa pagtitipa sa laptop ay nag-angat ng tingin si Monique at tiningnan ang kaibigan. Ayos na ang buhok nito at ngayon ay kinikilayan na ng make-up artist.

"'Wag kang sumimangot at baka hindi magpantay 'yang kilay mo sige ka." Banta niya.

"Paanong hindi, kabadong-kabado ako tapos kayo relax na relax!" Sabi pa nito at pinasadahan ng tingin ang tatlo pa nilang kaibigan na abala rin sa kani-kaniyang ginagawa. Nanonod ng TV si Karen habang naka-indian seat sa gitna ng malaking kama. Katabi nito si Hazel na abala naman sa hawak na cellphone, habang si Nikki naman ay nagbabasa ng libro sa isang sulok. Lahat sila ay tapos nang ayusan kanina pa.

"Sino bang ikakasal ngayon? 'Diba ikaw?" Sabat ni Hazel at inilabas pa ang dila.

"Ayaw ka lang naming paiyakin at uulit ka na naman sa make-up." Sabi ni Karen.

"Iyakin ka pa naman." Sulsol pa ni Nikki.

Ngumuso si Amy. Natatawang isinarado ni Monique ang laptop 'tsaka tumayo at nilapitan ang kaibigan.

"Hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ang Amelia namin. Parang kahapon lang single tayong lahat."

Pumwesto siya sa likod ng kaibigan at nginitian ito sa salamin. Mayamaya pa ay nasa tabi na niya sina Karen at Nikki, habang pumwesto naman si Hazel sa harap ni Amy at inangat ang cellphone.

"Selfie muna bago magpa 'sakal' ang nerd ng grupo! Say cheese!" Nakailang kuha pa si Hazel bago sila binugaw ng make-up artist.

"O siya tama na 'yan. Kalahating oras na lang magsisimula na ang bride re-enactment photoshoot kaya wag nyong paiyakin ang bride."

Agad silang bumalik sa kani-kaniyang ginagawa dahil sumusungaw na nga ang luha sa mata ng iyakin nilang kaibigan.

"Dumating na ba yung bouquet ko?" Tanong ni Amy sa kanya.

Sakto namang nagvibrate ang cellphone ni Monique. "Speaking of. Nasa lobby na raw yung florist. Kukuhanin ko lang."

"Thank you, Monique."

"No problem, basta wag mong ihahagis sa'kin." Aniya bago siya lumabas ng hotel room at dumiretso sa elevator.

Nang makarating sa ground floor ay nakita niya agad ang matandang babaeng may hawak ng bouquet of white tulips ni Amy. Nilapitan niya ito 'tsaka nginitian.

"Sino pong kasama nyo, 'Nay?" Tanong niya. Masyado na itong maedad pa para magdala ng bulaklak.

"Ah, 'yung anak ko. Hindi na bumaba at bawal daw iwan sa harap ng hotel 'yung sasakyan."

Kinuha niya ang bouquet 'tsaka inabot dito ang envelope na naglalaman ng bayad para sa bulaklak.

"Thank you po, 'Nay. Ang ganda po."

Hinawakan nito ang kamay niya 'tsaka siya nginitian. "Kapag nasambot mo 'yan, ikaw na ang susunod na ikakasal." Pagkasabi ay tumalikod na ito.

Ilang sandali siyang tulala bago siya natawa. May naniniwala pa rin ba sa gano'ng kasabihan? Iniling niya ang ulo 'tsaka ibinaling ang tingin sa hawak na bulaklak.

Kung totoo man 'yon, wala siyang dapat na ipangamba dahil wala siyang balak na saluhin ang bulaklak.

Kaya nga hindi makapaniwala si Monique nang masalo niya ang bouquet ng puting tulips. Paanong napunta sa kamay niya ang bulaklak na 'to? Paanong sa isang dosenang babae na nakatayo sa harap niya ay siya pa ang nakasambot sa bulaklak?

Sumagi sa isip niya ang sinabi ng matanda.

"Kapag nasambot mo 'yan, ikaw na ang susunod na ikakasal."

Nagtayuan ang balahibo niya. No way!

Natigilan lang siya sa pag-iisip nang marinig ang pamilyar na hagikhik mula sa kaibigan. Lumipad ang tingin niya sa bride na ngiting-ngiti habang naglalakad palapit sa kanya. Sa ngiti ng kaibigan ay alam na niyang pinlano nito ang lahat. Genius ang kaibigan nyang si Amy. Matalino para sukatin ang distansya nya at kung gaano kalakas nito ihahagis ang bulaklak. Kung anong klaseng mathematical equation ang ginamit nito, eh wala syang ideya.

"Monique, thank God, nasalo mo. Congratulations." Palatak ni Amy bago ito bumulong. "I am such a genius, you know that? I just calculated how much force of inertia I'm going to exert over the mass of this bouquet and then bam... it really ended up on your hand! Thank God the reception is on closed area, 'cause if there's a strong current of wind that would be a shame. Oh well, forget about that. You caught it and that's it. I'm so happy for you!" Sunod-sunod na sabi ni Amy tsaka siya kinulong sa isang makabali-butong yakap.

Sinasabi na nga ba niya! That freaking mathematical calculation of whatsoever freaking equation did it!

"Seriously Amy?! You're impossible." Natatawang ginantihan niya na mas makabali-butong yakap ang kaibigan. Lahat ng pag-aalala niya tungkol sa bulaklak ay naglaho na parang bula.

Hindi naman porke't ikinasal na ang mga best friend niya matapos masalo ang bulaklak ay siya na ang sunod na ikakasal.

Syempre hindi. Nagkataon lang ang lahat. Wala syang dapat na ikabahala.

Defining DestinyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon