Chapter 3: Wedding

217 3 0
                                                  

Giana's POV

"Nandito na po ako", sabi ko para malaman ni Mama at Papa na nandito nako. Lumabas naman galing sa kusina si mama na halatang nagbe-bake kasi naka apron pa siya at amoy na amoy ang cupcakes na niluluto niya. I bet my life on it! Cheese ang cupcake na yan!

"Hey sweetie. You look so tired. Kamusta school huh?", nag aalalang tanong ni Mama habang kinukuha ang bag ko at inilagay muna iyo sa nay sofa. Ngumiti ako kay Mama. Sinabayan ko siyang pumunta sa kusina dahil alam kong may niluluto siyang cupcake. And i was right! Cheese nga.... My favorite.

"Hmm normal day, Ma. Wala kaming klase ng last period kaya naglibot libot kami ni Nathalie buong hapon. Siguro dun ako medyo napagod but i'm fine, really", sabi ko at kumuha ng baso tsaka nagsalin ng tubig.

"May juice jan sa ref, sweetie. Isabay mo dito sa cupcake oh", masayang sabi ni Mama. Maya-maya'y bumaba na si Papa.
Nagising ata. Mukhang galing siya sa trabaho kaya pagod na pagod.

"Nandito ka na pala, anak? Sana ginising mo ako", nakangiting sabi ni Papa tsaka tinabihan ako.

"I know you're tired, Pa. You should've rest more..", sabi ko kaya kinurot niya ang pisngi ko. Bagay na nakasanayan ko nang ginagawa niya mula noon pang bata pa ako.

"Cupcakes!", sabi ni Mama habang nilalapag ang cupcakes sa harap namin.

"Thanks Dalia", sabi ni Papa habang ako naman ay kinakain na ang cupcake.

"Nga pala, Carl nakuha mo daw ba yung invitation nila Trisha?"

"Sinong Trisha?"

"Yung anak ni Alfred at Sheila.... Ikakasal na yun sa susunod na Sabado. Sabi ni Sheila kanina, sayo niya binigay ang invitation ng kasal ng anak niya", hindi ako pwedeng magkamali....

Kapatid niya yun!

"Ah oo. Binigay niya sakin nung nagkita kami sa office. Andun ata sa bag, kunin mo nga muna, anak", mabilis ko namang hinanap ang bag ni Papa sa kwarto nila. Hindi nagtagal ay nakita ko rin agad ang isang maliit na envelope, decorated by pink floral designs but the inside of the invitation is adorned by red floral decorations and much. Sa unahan ay kitang kita ang mga salitang:

Trisha Kaye Rivera
              &
Jackson de Guzman

RIVERA-DE GUZMAN NUPTIALS

I opened it and looked for a certain name. There it is! Kasama siya sa entourage! Pero.... May kapares siyang iba. Malamang....

"Anak? Nahanap mo ba?", dinig kong tanong ni Daddy kaya sumagot ako agad.

"Opo", sabi ko habang matamlay na bumaba habang hawak hawak ang invitation. May kapares siya..... May kapares siya... Di ko na matingnan kung sino yun basta nakita kong may partner siya. Umulan at bumaha ng mga posibilidad sa utak ko. Bumaha rin ang sandamakmak na tanong sa utak ko.
Ano kayang gagawin nila? Hahawakan ba nung babae ang braso niya? Hahawakan ba niya ang kamay ng babae? Magkakatinginan ba sila? Ngingitian niya ba ang babae? Kailangan ba nilang maging malapit? Tabi ba silang umupo? Ano kayang mangyayari pagkatapos ng kasal? Magugustahan niya ba ang babae? Liligawan niya ba? Magiging girlfriend niya ba ang babae? Magpapakasal na ba sila? Padadalhan niya rin ba kami ng invitation? Pupunta ba ako? Magkakaanak na ba sila? Magiging masayang pamilya ba sila? Magiging masaya ba ako para sa kanya?

"Hindi ko alam!!!", halos mangiyak ngiyak ang boses ko habang sinabi ko yun na bahagyang nilakasan ang boses. Napatingin si Mama at Papa sa akin na tila naguguluhan.... Patay.

"Uh sweetie, tinatanong ka lang namin kung gusto mo bang sumama pag pumunta kami sa kasal.... You don't want to?", nagtataka parin sila Mama sa inasal ko.... Walang hiya ka talaga!! Bakit kasi iba iba ang iniisip mo?? Ayan tuloy iba na rin nasabi mo...

"T-titignan ko lang po kung... P-pwede ako Ma. Magbibihis na ho ako...", mahina ang boses ko habang dinadampot ang bag kong nasa sofa at tinakbo na ang hagdanan papunta sa taas at dali daling pumasok sa kwarto ko! Waaaahhhh nakakahiya. Baka kung ano ang isipin ni Mama at Papa..... Nakita ba nilang tinitignan ko ang pangalan ni Klyde? Nakuuu wag naman sana.... Di pa ako handa. Gusto kong makilala siya nina mama bilang boyfriend ko na! Kaya kailangan may improvement.... Teka, wala parin akong napapatunayan? Hala ka Gia! Baka magka girlfriend na siya?! Next month ay 18 na siya kaya baka ma engage na siya.. Sigurado ako jan..... Anong gagawin ko????

Hindi ko alam.....!!! Pero siguro kailangan ko yung kasal, kailangan yun. Baka may mag improve sa amin habang nandun sa kasal... Dapat umattend ako. Actually wala naman akong gagawin sa susunod na Sabado. I'm sure may lakad si Nathalie kasama ang Mommy niya sa araw na yan kaya.... I'm free! Yiiieeee pupunta ako sa kasal! Makikita ko siya dun. Ano kayang susuotin ko? Pink at red and motif. May red dress ata ako tsaka pink na cardigan sa closet. Yun ba ang susuotin ko? Baka may mas maganda pa. Wait, eh kung magpagawa na lang ako? Teka!!!! Sa susunod na Sabado pa yun! Masyado akong praning. Mag relax ka nga Giana....

---------------

Puppy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon