11

700 26 10

MICHELLE

Napasapo ako sa ulo ko at pinunasan ang pawis na kanina pa tumutulo sa noo ko. I sat on the bench while catching my breath. Napalingon ako kay Bettina and I saw her doing the same.

"Balik na tayo sa dorm?" she asked and I nodded. Lumakad kami pabalik ng dorm from the oval. It's 8 am already at ramdam ko ang mainit na sikat ng araw na dumidikit sa balat ko. Pagbalik namin sa dorm, nadatnan naming nagb-breakfast ang Lady Spikers.

"Good morning!" they all greeted in unison. "Morning." I smiled at kumuha ng baso par uminom ng lemonade juice.

"Today's our championship game. Ready na kayo?" Ate Justine asked at napangiti naman kami, "Of course! Tayo pa ba?" Ate Kianna said while tapping everyone's shoulders.

"Breakfast na kayong dalawa," Ate KAF said while pointing at the plate full of eggs and bacons. "I'll just shower lang." I said and excused myself para pumunta ng banyo.

After taking a bath, kumain na din ako ng breakfast at nakipagkwentuhan sa kanila. They're all bullying Ate Des dahil kay Kuya Kib-syempre, nangunguna naman si Ate Kianna dahil siya ang pinakabully sa lahat.

Ate KAF averted her gaze to me at bigla siyang bumulong kay Ate Kianna.

I smell something fishy. Lol.

"Ay eto tayo... Sa babaeng late umuwi kagabi." sabi ni Ate Kianna at lumingon silang lahat sa akin.

"Ayan na lagot." Ate Dawn chuckled. They all gave me weird stares at nilipat nila ang mga tingin nila sa akin. I saw Bettina tried stopping herself from laughing. Lahat sila ay mukhang seryosong nakatingin. Feeling ko bumalik ako ng Elementary dahil sa pagiging mahigpit nila kasi ako ang pinakabata sa team.

"Where did you go last night?" Ate Tin asked at bigla naman niya pinatong ang balikat niya sa may upuan ko-which sent me shivers to my spine. I feel so attacc teka lang muna, mga mam and ser!

"Birthday party." matipid kong sagot. Binigyan naman nila ako ng makahulugan na tingin na nagsasabing kailangan nila ng major details.

I sighed and started talking, "I ditched Mr. Porter's class because I need to accompany a friend and-" Aduke cutted me off.

"Sinong friend?" she raise her left eyebrow at bigla naman sumagot si Ate Gyra, "Girl, boy, bakla o tomboy?" tanong niya at bigla naman akong natawa.

"Demonyo siya. Period." sagot ko sa kanila. I decided to finish all the milk that I have in my glass para sagutin lahat ng tanong nila kasi alam kong kahit anong gawin kong iwas about sa topic mas lalo lang sila magiging curious at kukulitin nila ako ng nonstop.

"Okay here it goes, sinamahan ko si Ricci para-" Ate Cyd interrupted me. "Ricci? Rivero?" she asked and I nods. Their eyes widened at tila gulat na gulat sila sa sinabi ko.

What's wrong?

"Teka nga muna, stop interrupting me and let me finish the story! Gigil niyo ako ha." sabi ko at isa-isa silang umupo sa harap ko like as if napaka interesting ng iku-kwento ko sa kanila.

"So ayun na nga, I ditched my class for Ricci dahil humingi siya ng favor. We ended up going to Toy Kingdom para bumili ng laruan. Akala ko hanggang dun ko lang siya sasamahan but I ended up going with him until Riley's birthday party. Dapat maaga talaga ako uuwi kaso hindi ko na namalayan ang oras, I enjoyed playing with Riley kaya inabot kami ng 10 pm sa restaurant." I explained.

"Okay na?" tanong ko pero wala ni isa sa kanila ang sumagot. Nakatingin lang sila sa akin at tila hindi maniwala sa pinangsasabi ko.

My phone suddenly rang and saw Josh in the caller ID. I look at my teammates and signaled them that I'm going outside because of the call.

Best Mistake | MicciRead this story for FREE!