Ang Realidad, Ang Pantasya, Ang Pamamaalam

779 29 4
                                    

2013. October. Realidad.

Dear Sir Rolf,

High ka ba sa horror? O ako ang high kay Cinderella? Prinsipe ka na hindi ko maaabot. Palaka lang ako na laging nakatambay sa lupa. Hindi kailanman makakalipad ang palaka para abutin ka. Bakit mo ako k-in-iss?

Love,

Daday (na hindi makaka-move on sa kiss mo)

P.S.

Paano na? Ano'ng dapat kong gawin ngayon? Matatahimik pa ba ang buhay ko kung sa tuwing titingnan kita, halik mo ang maiisip ko? Iisipin ko pa kung mapapatawad kita sa panggugulo mo sa magulo nang mundo ko, Sir.

'Wag mo na rin akong ngitian 'pag nagtama ang mga mata natin. Hindi na kaya ng puso ko.


Napapitlag ako sa katok sa pinto. Bigla kong itiniklop ang journal at ibinalik sa drawer. May rambol na naman sa dibdib ko. Ano'ng gagawin ko? Ano'ng sasabihin ko kay sir Rolf? Bakit niya ako kinakatok? Manghahalik uli?

Tinakbo ko ang pinto pero nang maisip kong hindi dapat ang halik na iyon—na hindi ko alam kung bakit niya ginawa ay nagbago ang isip ko. Ayoko nang magbukas ng pinto. Iiwas na ako sa tukso bago pa ako malunod. Kung anuman ang dahilan ni Sir Rolf, siguradong hindi pareho ng dahilan ko kaya ako nagpaubaya sa halik.

"Open up!" boses ni Sir Rolf kasunod ang mas malakas na katok. Napabalik ako sa kama, niyakap uli ang unan niya na parang iyon ang 'protector' ko.

Mas malakas na katok. Natakot na akong baka masira ang pinto, hindi na nag-isip na binuksan ko iyon—si Sir Rolf na may yakap din na unan ang kaliwang braso ang napagbuksan ko. "Bakit mo ako iniwan?" magaang tanong niya, kaswal ang tono. "Kinuha mo pa ang unan ko."

"O-Oo nga pala," nasambit ko, hindi sinasalubong ang tingin niya. "Ibabalik ko naman—"

"Paggising ko na," agap niya at balewalang pumasok sa silid ko. "Mas malinis ang room mo kaysa sa room ko. Puwedeng matulog dito?"

Sino ba ako para tumutol? Bahay niya iyon. Kung may dapat mang magpaalam sa aming dalawa ng mga gagawin sa loob ng bahay ay ako 'yon. "Sige, Sir..." lumapit ako sa kama para itabi ang mga unan ko. Mabuti na lang at bagong palit ang bedsheet at kumot ko.

Ibinagsak niya ang sarili sa kama, pahalang. "Maria Adelaida?"

"S-Sir?" nakasandal ako sa likod ng nakasaradong pinto, nakatingin sa mga paa ko sa sahig. Ayokong tingnan si Sir Rolf, baka matukso akong tumabi.

"Hindi ka ba lalapit?"

Napalunok ako. Gusto ko na namang kunin ang journal at magsulat nang mahabang mahaba. Ano bang gusto ng prinsipeng anak ni Sir Amante? Bakit niya ginagawa sa akin iyon? Wala naman akong maalalang ginawa ko para gawin niya iyon bilang ganti.

"B-Bakit ako lalapit, Sir?" balik ko, halos bulong na lang.

"Won't you look me at closely?"

"H-Ha?"

"Check my pulse, or my heartbeat...or my body temperature--"

"M-May lagnat ka na naman?" wala na akong maisip sabihin, lalo niya akong nililito sa mga tanong niya.

"Touch me—my hand, my face—kung saan man ang gusto mong hawakan."

"B-Bakit, S-Sir?" ang kaitiman ko, hindi basta mauubos pero ang katinuan ko, malapit nang bumigay sa ginagawa ni Sir Rolf.

"Touch me...and hold me if you want to. Convince yourself, your doubtful mind that I'm real. And what just happened was real, Maria Adelaida. I kissed you."

Si Santa at Ako (Published. 2015) PREVIEW ONLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon