Chapter 2 (Kyle's Proposal)

597 11 0

Wish You Were Here (With Me)

By: CatchMe

Chapter 2

"OPO, mommy." masayang sambit nito. "Kailan po ako magkakaroon ng daddy, mommy? Gusto ko na po talaga magkaroon ng daddy. Ako lang po yata ang walang daddy sa school 'eh," wika ng kanyang anak na mapakamot sa ulo. "Mommy?" pukaw nito sa kanya nang hindi siya nakasagot.

Ewan niya kung bakit bumilis ang tibok ng kanyang puso ng marinig ang pangalang Erick. Dahil ba sa umaasa pa rin siyang muli silang magkikita ng dating kasintahan? Na naniniwala pa rin siya na babalik ito sa kanya para magsama sila?

Pero imposible naman kung magkatotoo ang nasaisip niya. Kasi, kung talagang gusto siya at mahal siya ng dati niyang kasintahan na si Erick ay hindi siya nito iniwan. O kaya ay balikan manlang siya nito noong mga oras na kailangan niya ito.

Pero hindi 'eh. Hindi siya nito binalikan. At hindi manlang siya nito inalala. Ni wala na nga siyang narinig na balita dito simula ng iwan siya nito sa kanyang boarding house noon. Siguro nga hindi talaga sila para sa isa't isa. Kung kaya't nangyari iyon sa kanya. Dahil hindi sila itinadhana ni Erick.

Pilit siyang ngumiti na hinawakan sa magkabilang pisngi ang anak.

"Malapit na malapit na baby. Basta, good boy kalang parati ha?" aniyang hinalikan sa pisngi ang anak.

Ipinilig niya ang kanyang ulo para alisin sa kanyang isipan ang dating kasintahan. Siguro, nagkataon lang na magkapangalan ang bagong kaibigan ng anak niya sa pangalan ng dati niyang kasintahan.

"Opo, Mommy. Promise po," napayakap na sagot naman ng kanyang anak.

"I love you, baby ko.." sambit niyang nakangiting gumanti ng yakap dito.

"I love you too, Mommy.." sagot din nitong nagpakarga pa sa kanya.

"Tara, kain na tayo." masayang yaya niya sa anak na masaya ring sumang-ayun sa kanya.

TAPOS nang magbihis si Ashley ng kanyang damit pang alis. Naka spaghetti strap na polka dot mini dress siyang above the knee ang haba. Nag apply na rin siya ng kaunting pressed powder at nag lagay lamang ng lip gloss. Dahil hindi naman niyang kailangan maglagay ng lipstick dahil natural lang na mapula ang kanyang labi.

Itinali na rin niya ang kanyang mahabang buhok na mas lalong magpalitaw sa maputi at makinis niyang leeg.

Isinuot din niya sa kanyang tenga ang munting rice pearl earing niyang iniregalo ng kababata niyang si Kyle noong last birthday niya. Tsaka siya nagwisik ng mild scent perfume niyang Ricci-Ricci. Napangiti siyang tumingin sa whole size body mirror niyang nasa kanyang kwarto.

Kahit sinong nakakakita sa kanya ay hindi naniniwalang may anak siya. Dahil sa taglay niyang kagandahan at perpektong hugis ng katawan ay hindi kapansin pansing isa na siyang nanay.

Dahil nananatiling maganda ang hugis ng kanyang katawan. Nasa tamang lugar ang curves niya. Ang kanyang boobs ay tayong tayo parin dahil hindi manlang nagdede sa kanya noon ang kanyang anak ng baby pa lamang ito.

Muli siyang napangiting humakbang sa kanyang Shoe Rack at kinuha ang two inches wedge sandal niya at lumapit sa kama. Napaupo siya sa kanyang kama habang isinusuot ang kanyang two inches wedge sandal. Tsaka muli siyang napatayo at humarap sa salamin.

Ngayong gabi kasi ay inaanyayahan siya ng kanyang kababatang si Kyle para mag dinner date sa labas. At ang hinala niya ay magtatapat na ito sa kanya mamaya at hindi naman niya ito bibiguin kong magkakataong tama ang kanyang hinala.

Napalingon siya sa kanyang tokador ng magring ang kanyang cellphone. Napahakbang siyang papalapit sa kanyang tokador at malawak ang ngiti ng makitang pangalan ni kyle ang tumatawag.

Wish You Were Here (With Me)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!