Sorry, not sorry

13.7K 277 9

Kinalma ni Will ang sarili. Nagulo man siya pero kailangan niyang masolusyunan kaagad ang problema. Higit sa lahat, kailangan niyang matutong magtiwala...

"Hindi sa ganoon---" huminga siya nang malalim. "Fine, I'm going to talk with Mr. Alfante."

Lumabas siya ng opisina. Nakita niya itong tahimik pa rin na nakaupo sa waiting area kaharap ng table ni Ice. Nang makita siya ay tumayo ito. "Pasensya ka na. Mukhang pinag-awayan niyo pa ng pamangkin ko ang pagpunta ko rito."

Matamang tinignan niya si Mr. Alfante. Malaki ang pinagbago ng itsura nito nang huli niyang makita. Mukhang malaki ang itinanda nito, nakikita na parang may hirap na pinagdaanan at pinagdadaanan. Pero nakita naman niya na parang sincere ito at walang tinatago.

Na-guilty si Will. Lumunok siya, inalis ang bikig sa lalamunan. "K-kumusta na po kayo?"

Sa halip na pagdududa, mas pinairal ni Will ang pagpapahalaga. Kamag-anak ito ng taong mahal niya kaya kailangan nito ng respeto.

Sinagot nang maayos ni Mr. Alfante ang tanong niya. "Napakagaling mong bata, William. Higit pa sa nakuha ko ang mayroon ka ngayon."

"Salamat po sa papuri."

"Napakasuwerte ni Ice na makahanap ng lalaking kagaya mo. Pero deserved rin niya iyon. Napakabait niyang bata. Kahit walang tamang pag-aalagang nakuha dahil maagang nawala ang mga magulang, hindi siya naligaw ng landas." Huminga ito nang malalim. "Hindi kagaya ng anak ko."

Kumunot ang noo ni Will. "May problema po ba?"

"Totoong dinalaw ko lamang si Ice kaya nagpunta ako rito. Hindi kami gaanong nakakapag-usap ng pamangkin ko. Hindi kami malapit sa isa't isa dahil ibinuhos ko lang ang atensyon ko sa nag-iisang anak kong babae. Anak ko siya kaya mas pinahalagahan ko siya. Pero binigo niya ako. Nabuntis siya nang maaga..."

"Tito..." may gulat ang boses ni Ice na nakikinig na pala sa usapan nila ng Tito nito. "Paano---?"

"Masyado siyang nasakal sa pagmamahal namin. Ginusto niya na maging malaya at kahit pinagbigyan naman namin siya sa hiling niyang manatili sa Maynila, ginamit niya iyon para kahit papaano ay makalaya sa amin...at mapariwara sa buhay. Buntis si Sophie, Ice. Kay bata-bata pa ng pinsan mo..." parang maiiyak si Mr. Alfante. "Napakarami pa namin na pangarap para sa kanya. Pero ito...binigo niya kami. Nagpunta ako sa 'yo rito para ipaalam at magkaroon kahit papaano ng karamay. Kakaalam ko lamang dahil kakadalaw ko lang sa kanya. Nag-alala kasi ako dahil hindi niya gaanong sinasagot ang mga tawag namin. Iyon pala ay ganoon.

"Gusto ko na lumakas ang loob. Napakalungkot ko sa nangyari kay Sophie. Na-guilty rin ako. Bakit ganito ang buhay? Kung sino pa ang inalagaan ko nang husto, iyon pa ang bibigo sa akin. Samantalang ikaw, Iceliana...." niyakap ni Mr. Alfante ang pamangkin. "I'm sorry."

"Okay lang po iyon." Nag-drama ang dalawa.

"I'm proud of you. Sa kabila ng mga hindi ko ganoong pag-aasikaso sa 'yo, naalagaan mo pa rin ang sarili mo. At ngayon, sa piling ni Mr. Gasan ay magiging maayos pa ang buhay mo. Nahihiling ko sana ay gumaya sa 'yo si Sophie..."

Nag-usap-usap pa silang tatlo. Niyaya rin niyang mag-dinner si Mr. Alfante. Nagpaunlak naman ito. Alas otso na nang magpaalam itong umalis. Naiwan silang dalawa ng nobya.

Napansin ni Will na na-tense si Ice. May gumugulo pa rin dito.

"What is it?" tanong ni Will sa nobya.

Tumingin sa kanya si Ice. "Tungkol sa kanina...?"

"Anong tungkol sa kanina?"

Huminga nang malalim si Ice. "Pinagdudahan mo pa rin ba ako?"

"Do you want us to be back to square one?" hindi lang ipinahalata ni Will pero na-amuse siya sa tanong na iyon ng dalaga.

Kinagat ni Ice ang ibabang labi. "Nababahala pa rin ako. Ayaw ko na nagdududa ka sa akin, Will. I appreciate your trust. I am enjoying it. Pinatutunayan noon sa akin na matindi talaga ang nararamdaman mo sa akin. Pero ayaw ko na magalit ka. Heck, sino ba ang gusto na magalit ang nobyo niya 'di ba? O kahit ang magduda..."

"Masisisi mo ba ako? Naglihim ka sa akin. Kung tutuusin, malaking bagay iyon, considering what is your working relationship with mine."

Bumuga nang hangin si Ice. Nagyuko ito ng ulo. "I'm sorry."

"Hindi ako basta-basta tumatanggap ng sorry."

Itinaas ni Ice ang ulo. "But Will---"

"You deserved to be punished."

---

  A/N: It's Precious Pages Corp 28th anniversary today. 50% discount sa lahat ng Precious Pages Bookstores. 28% discount naman sa online shop. Sana maisama niyo ang Business and Pleasure and my other books na rin sa bibilhin niyo. Happy Shopping!  

Business and Pleasure (COMPLETED/Published Under Red Room)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!