Chapter 3: Tamang Hinala (TH)

Start from the beginning
                                    


"Ha?"


"I said, bumaba ka."


Noong una ay nag-aalinlangan akong bumaba, kasi hindi ko alam kung ano ang iniisip niya noon. Pumara ako at nung bumaba na ako sa may tabi ay may sumalubong sakin na lalaki na may hawak na mga balloons.


"Buti naman bumaba ka."


Nang inalis nito ang harang sa harapan niya ay nakita ko si Johan na may hawak ng mga balloons, nakangiti ito sa akin.


"Johan??"


"Buti na lang at nagtiwala ka sa akin." sabi niya..


"Oo naman, may tiwala ako sa'yo." sagot ko sa kanya..


"Good! Halika, pasok na tayo."


Noong nasa loob na kami ng sasakyan niya ay sinabit niya ang mga balloons sa bandang likuran ng sasakyan. At agad siyang pumasok sa loob.


"Let's go!" sabi niya..


"Okay."


"Ay. Wear your seatbelt muna. Para safe ka." patuloy niya habang kinakabit niya ang kanya, sabay kindat sa akin..


Binuksan niya ang player niya at laking gulat ko ang kantang tumugtog ay ang paborito kong kanta. Habang nagda-drive siya ay bigla itong nagtanong.


"How's your sleep?"


"Okay naman. Ikaw? Nakatulog ka ba ng maayos?"


"Yup. Pero I was with you all night long."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Binantayan kita."


"Ha?"


"Ah, nothing."


Nagbyahe kami papuntang campus namin ng masaya. Kasi kasama ko siya, kasi sabay naming naririnig ang paborito kong kanta. Kasi pareho naming.. Ahh, basta. Masaya ako. Pagkarating namin sa parking lot ng campus, pababa na dapat ako nun. Pero bigla niyang hinawakan ang kamay ko.


"Monday, wait."


Tiningnan niya ako ng mata sa mata, papalapit ang mukha niya sa akin. Hinawakan niya ang pisngi ko. Dahan-dahan kong pinikit ang mga mata ko.


Pabilis ng pabilis ang tibok ng puso ko. First time kong naramdaman 'yung ganun. Nang biglang.


"Hey! Bakit ka nakapikit?"


"Ha??" sabay dilat ko..


"I just.. Inalis ko lang yung dumi sa forehead mo."


"Ha? Ewan ko sa'yo!" sagot ko sa kanya, sabay tulak at labas sa kotse niya..


Lumabas na ako ng kotse niya noon. Nakakaasar! Ewan. Nakakainis! Hmp! Naglakad ako papalayo sa kanya pero patuloy niya akong kinukulit.


"Uy. Bakit ba?"


"Monday?"


"Uy!"


"Monday?"


"Sorry na."


"PLEASE?"


Ang kulit-kulit niya! Pero 'di ko pa rin siya pinansin kasi nga naiinis ako sa nangyari kanina. Nakakasar! Hanggang sa may yumakap sa akin, galing sa likuran ko. Bumulong ito sa akin.


"Please? Sorry na."


Bumilis ulit ang tibok ng puso ko nun. Bumagal din ang ikot ng mundo para sa amin. Grabe. Humarap ako sa kanya, nakita ko siyang nakatingin sa akin.


"Sorry na ha?" sabi ni Johan sakin sabay hawak sa mga kamay ko..


"EH. Oo na, oo na."


"Good."


"Halika, pasok na tayo." paanyaya ko sa kanya..


At pumunta na kami sa room namin. Medyo maaga kami noon kaysa sa mga nakaraang araw. Same place, same seat noong nagkakilala kami. Umupo ulit kami roon nang hindi na katulad ng dati na nagsusungitan at nagkakailangan. Ngayon ay mas masaya na ako kasi mas malapit na kami sa isa't-isa. Lumipas ang ilang minuto nang paghihintay ay nagsidatingan na sila. At habang nagkaklase kami ay biglang nag-text si Johan sa akin.


"Put your hand on the desk."


"Why?"


"Basta."


At nang nilagay ko ang kamay ko sa ibabaw ng lamesa ko ay. Biglang hinawakan niya ang kamay ko.


"Bakit? May problema ba?" tanong ko sa kanya..


"Nothing. I just want to hold the hand of my princess." bulong niya..


Natahimik ako sa narinig ko. At natapos ang klase namin kay Sir Albie nang masaya at nakakakilig.


Noong palabas na kami ng room ay..


One Hundred Days (Completed)Where stories live. Discover now