Chapter 23: Back to school and new friend?!

18.4K 164 32
                                    

Tammy’s Pov

 

Hay buhay!!!! Tapos na ang masasayang araw namin ni Elmo, kasi back to school na grabe ang bilis talaga ng panahon,  parang nung kailan lang umiiyak pa ako sa kwarto ko ng malaman ko na ipapakasal ako ng mga magulang ko sa taong di ko pa nakikita, pero ngayon nandito ako sa pinas at kasama ko sa iisang bubong ang mga pinaka makukulit na lalaki na nakilala ko at sobrang supportive sa akin hep hep syempre maliban kay Vladimir na walang ginawa kundi bwisitin ung araw ko.

Sa sobrang supportive nila sa akin, sina Niko, Drake, Elmo at Gio ay sinamahan ako sa pag enroll, ganun sila ka supportive sa akin. Pero mali yata ang desisyon ko sa pag sama sa kanila, kasi pagka pasok na pagkapasok namin sa harap ng university dinumog na kami ng mga kababaehan. Grabe tama pala si Elmo na sobrang sikat nila Niko dito, parang nag karoon nga ng concert sa sobrang raming mga babaeng nag si dagsaan mapa matanda, bata, at bakla nakikipag siksikan para makita lang sila. Habang nag eenjoy naman sina Niko, Drake at Gio sa pag sasamba sa kanila ng mga babae, kami naman ni Elmo ay dahan dahan na lumayo sa kanila para gawin ang dapat namin gawin. Ang kinaganda rin pala ng pagsama ko sa kanila napabilis ang pag eenrol ko kasi walang mga nakapila kaya within 30 minutes tapos na kami mag enroll.

 

Ngaun first day ng school, grabe halo halo ang emosyon na nangyayari sa akin, una excited ako kasi makakapasok nanaman ulit ako sobrang miss ko na ang school pero at the same time  kinakabahan , kasi di ko kilala ang mga tao dun maliban lang kay Elmo pero jusmiyo naman mag kaiba kami ng course ni Elmo Culinary ako naman Interior designer at malayo ang building namin kaya malabong mag kita kami , sa laki ba naman ng campus imposible na mag kita pa kami, maliban nalang kung sasadyain niya ako sa building ko . Parehas pala kami ni Elmo na 2nd yr kaya pinag prapray ko na kahit sa mga minor subjects man lang maging classmate kami kasooo kamalas malasan naman ni isa wala, hay buhay talagang ayaw kami pag tagpuin nitong kapatid ko ( Elmo ).

 

“ Ate Tammy matagal ka pa ba diya, malalate natayo!” sigaw ni Elmo

“Oo nandiyan na ako!!” sigaw ko naman

Pagkababa ko....

“ Good morning!” Bati ko sa kanila habang busying busy sila sa pagkain.

“ Oh Tammy kain ka muna , bago kayo umalis” Sabi ni Gio

“ Di na sa school na ako kakain, malalate na kasi kami eh.” Sabi ko naman sa kanila.

Tumayo naman si Niko at lumapit sa akin

“ Eto oh sandwhich kainin mo nalang sa daan, masamang pumasok ng gutom” Sabi ni Niko

“ Wow! Ang bait mo talaga kahit kailan Niko” sabi ko sa kanya

“ Okei baby, bago ka umalis, kiss ka muna sa daddy” Sabi ni Niko at binaba niya ung mukha niya at hinihintay na halikan siya ni Tammy sa pisngi

“Ate Tammy, tara na! sigaw ni Elmo

“ Oo nandyan na ako!” Sigaw ni Tammy at tumakbo na palabas

Love Riot ( Romantic Comedy ) Edit Edit Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon