Chapter XXV

1.9K 28 4
                                    

Natigil ang paglalambingan ng dalawa ng marinig nilang may tumatawag sa cellphone ni Asher. Kinuha niya ito at dali-daling sinagot ang tawag.

Hello”, sabi ni Asher.

Ash, si Philippe ito.”

“Best, bakit ka napatawag?”

“Sorry, Ash kung mauudlot ang pag-stay mo diyan pero you really need to go home as soon as possible.”

“Bakit may problema ba sa bahay?”, pag-aalala ng dalaga.

“Ash, sa bahay niyo, ok lang lahat lalong-lalo na si baby Raffy, pero sa kumpanya malaki”, sabi ni Philippe.

Ipinaliwanag lahat ni Philippe ang malaking problema sa company nila at kailangan ng bumalik ni Asher sa pinas sa lalong madaling panahon. At kailangan ni Philippe ang tulong niya by this time.

After nang pag-uusap nina Asher at Philippe sa telepono, dumating naman ang mga magulang sa hospital kasama ang mga doctor ni Ralph. Lumapit si Asher sa tabi ng kasintahan at biglang kinuha ang kamay ng dalaga dahil nakita nito na biglang nalungkot ang dalaga.

Alam ni Ralph na may problema ito kaya he make sure na mapapagaan niya kahit paano ang pakiramdam nito.

„Doctor Ralph, kumusta ang pakiramdam mo?“, tanong ng isang doctor.

„Mabuti naman, doc. Kaso hindi ko pa masyado maigalaw ung kanang paa ko“, sabi ni Ralph habang palihim na tinitignan pa rin ang dalaga na malalim ang iniisip.

Maya’t maya pa ay umalis muna si Asher sa tabi ng binata para masuri ng mga doctor si Ralph.

“Doc Ralph, medyo nagkaroon ng komplikasyon ang kanang paa mo, kaya namamaga pa ito.

Kelangan pa natin obserbahan at sad to say medyo matatagalan pa, at kailangan mo pa magpa-therapy para tuloy-tuloy na ang paggaling mo.”

At ipinaliwanag kay Ralph ang ilang tests na gagawin pa sa kanya at kung kailan magsisimula ang kanyang therapy. Nang matapos na ang pag-uusap ng mga doctor, naiwan sina Asher at Ralph sa kwarto. Lumapit si Asher at naupo sa may upuan sa tabi ng kama ng kasintahan pero makikita mo ang lungkot sa mga mata niya.

Nang malaman niyang mga three to six months pa si Ralph sa Amerika, hindi niya maiwasan malungkot dahil kailangan na niyang umuwi sa Pilipinas para harapin ang problema ng company nila.

“Babe, sasabihin mo na ba sa akin?”, tanong ng binata.

“Babe, si Philippe kailangan niya ako, kasi nagkaroon ng problema sa company. Nagagalit na ang mga board members dahil malaki kasi ang shares nila sa isang project, eh biglang nawala ung kausap namin na nag-aayos un. Tinakbuhan niya kami, kaya bilang President ng company, kailangan ako mismo ang haharapan sa kanila para maipaliwanag”, mahabang kwento ni Asher.

“Mmmm,, halika ka nga dito” sabi ni Ralph habang inaalalayan niyang umupo sa tabi nito. Niyakap niya ng mahigpit ang dalaga at hinalikan sa noo.

“Baby, its time naman na asikasuhin mo ang iba pang bagay. Alam ko, noong una pa lang kita makilala, sabi ko sa sarili ko, na hindi lang ako ang priority mo. Maiintindihan ko un, baby girl”, sabi ng binata. Gusto niya mapagaan ang pakiramdam ng dalaga para makapag-desisyon ito ng tama.

“Pero paano ka?”

“Babe, andiyan ang mga magulang ko. At kaya ko naman ang sarili ko. Magpapagaling agad ako para makauwi agad ako ng Pinas agad at makasama na kita at si baby Raffy“, sabay halik sa mgs pisngi ng dalaga.

“Pero gusto ko sana, andiyan ako lagi sa tabi mo “, malungkot pa rin na saad ng dalaga.

What if, extend ko muna stay ko dito?“, sabi ni Asher.

“Baby girl, as I said, maiintindihan kita kung kailangan mo na talaga bumalik ng Pinas. Alam kung marami kang naiwan na trabaho doon at saka alam ko na namimiss mo na rin si baby Raffy”, sabi ng binata.

Sa isip-isip ng dalaga, matatagalan pa bago niya makita ang kasintahan at wala rin kasiguruhan kung maayos nila agad ang problema sa kumpanya. Nagtitigan lang sila at niyakap na lang ni Asher at bigla niyang hinalikan si Ralph sa mga labi nito para iparamdam kung gaano niya kamahal at siguradong mamimiss niya ang kasintahan.

BRIDGE TO FOREVER (Ashienda)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon