Chapter 30. Vacation

Start bij het begin
                                    

Wag kang magalala Ashley Mae San Doval, kahit anong mangyayari, papakasalan kita.





Ashley's POV



Ang sarap ng feeling na ganito. Na yung taong sobrang pinangarap ko ng bonggang bongga eh nandito kasama kong naglalakad dito sa park habang hawak nya yung kamay ko.


Kahit isa lang ang kaibigan ko sa school kasi hindi ko alam kung galit ba sila sakin or what, masaya pa rin ako kasi nasa akin yung taong gustong gusto ko simula noon pa lang. Noong una hindi ko inexpect na magiging ganito kami. Halos gabi gabi akong nagdadasal na sana pagkalipat ko sa school nya mapansin nya ko. Buti na lang nung first day, nagkakilala agad kami. Ang swerte ko kasi yung ibang estudyante na nangangarap na mapansin nya halos wala syang pakeelam tapos ako ito kakalipat ko pa lang napansin na nya ko agad. Nagpapasalamat ako sa mga naging troubles nung first day kasi dahil dun nakilala ako ni Rain. Siguro kung hindi nangyari yun at hindi nya ko niligtas baka hanggang ngayon katulad pa rin sya ng dati. Yung Rain na walang pakeelam sa ibang tao, yung tahimik, sanay magisa, galit sa mundo. Alam mo yun? Napakasaya ko kasi dahil sakin nagbago sya. At ito na kami ngayong dalawa, masaya na kami sa relasyon namin. Sanay na sanay na nga kami sa isa't isa. Napapasunod ko na sya. Yung pagweweeds nya tinigilan na nya, yung pagyoyosi nya binawas bawasan na nya. Natutuwa ako kasi kahit papano sumusunod sya sakin. Ibang iba na talaga sya ngayon, kabaliktaran na lahat ng ugali nya nung unang beses kaming magkita.




Kanina naguusap kami tapos sinabi nyang papakasalan nya daw ako. Ang sarap pakinggan. Araw araw akong kinikilig kasi sobrang sweet nya sakin. Magpapakamatay na lang siguro ako pag nawala pa tong bipolar na to sakin. Kahit sobrang moody nito, mahilig mangasar, at hindi ko maintindihan yung ugali nya paminsan minsan okay lang sakin kasi mahal na mahal ko sya. At ramdam ko naman na mahal nya din ako. Ngayong bakasyon uuwi kami kay mama sa probinsya. Pero syempre hindi ko muna sasabihin na girlfriend ko sya, siguro bestfriend muna para wala kaming masyadong maging problema. Sinabi ko naman sa kanya yun at naintindihan naman nya. Kahit ganun naman sya sobrang talino nya at mabilis maintindihan ang mga bagay bagay. Hindi ko na mahintay yung araw na magpapakasal kaming dalawa. Tapos bubuo kami ng sariling pamilya. Kasi sya na talaga yung gusto kong makasama hanggang sa pagtanda. Sya na talaga. Sya lang wala ng iba.


"Hoy bipolar, mahal na mahal kita."



Sabi ko habang nakaupo kami dito sa bench at pinapanood yung mga bata maglaro. Nakaakbay sya sakin tapos ako nakasandal sa balikat nya.


"Mahal na mahal din kita, baby."

Sagot nya naman sabay halik sa noo ko. Kinikilig ako pag ginagawa nya yun. Kahit isang buwan mahigit pa lang kami para na kaming apat na taon magkasama sa sobrang komportable namin sa isa't isa. Pero kahit gaano pa kami katagal magkasama, hindi pa rin ako magsasawa sa kanya. Rain Monterial, sobrang mahal na mahal na mahal kita.


"Ate! Ate! Lika raro tayo!"

Nagulat naman ako dito sa batang babae na may hawak na barbie na biglang lumapit sakin. Nagiimagine ako dito tapos biglang may hahawak sakin muntik ko na tuloy sya maitulak.


"Umhh... Baby, ano kasi. Hindi na ko pwede maglaro kasi--"


"Sige lang maglaro na kayo. Ikaw batang cute, halika dito (tapos lumapit sa kanya yung bata tapos kinandong nya sa lap nya.) sabihin mo dyan sa katabi ko na kapag hindi sya nakipaglaro sayo, panget sya." Sabi naman ni Rain. Lagi nya kong di pinapatapos sa sasabihin ko.



"O chige po... Pero maganda naman po cha ah." Sagot sa kanya nung bata.


"Hindi yan maganda baby, panget yan. Mas maganda ako diba? Um-oo ka bibilan kitang ice cream mamaya."


My Princess Charming (girlxgirl)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu