TAL. 28.1 -- Korea Part I

"Oh, my God, Chanel! Ang bagal-bagal mo! Bilisan mo nga kumilos!" tungayaw ko sa kapatid ko. Kahit kailan, napaka-bagal kumilos! Hindi ko malaman kung saan ba ito ipinaglihi ni Mama. Parang gobyerno si Chanel kahit kailan. Ang bagal kumilos.

"I'm coming!" sigaw naman nito mula sa itaas ng kwarto.

I rolled my eyes at bumaling ng harap sa kabilang direksyon where my husband and my Dad was sitting. "Anong itinatawa nyo dyan?" nahuli ko kasi na may pinipigilan silang ngiti na agad nilang itinago nang humarap ako sa kanila.

"Cool down, Cass. Maaga pa naman, come here. Mag juice ka na muna." natatawa ng sabi ng asawa ko.

Inirapan ko sya at nag martsa palapit sa kanila, I sat between them. "Nakakainis ever eh. Parang pagong kumilos 'yang si Chanel. Sya ang bubulyawan ko kapag na-late tayo sa flight natin." Ngayon ang alis namin patungong Korea upang bisitahin si Mama Angeline.

Simula noong araw na nagka-ayos kami ni Papa, halos palagi na kaming magkasama. Pinabalik ko na rin sya sa AGC, na noong una ay tinanggihan pa nga nya because he just wanted to take a rest, but me being the persistent Cassandra ay pinilit ko syang bumalik na. AGC will always be his empire, the company would never be the same without him around. Besides, I told him the company needs him because I'm planning to take a long leave dahil sa kasal namin at sa pagbubuntis ko. He finally agreed sa kagustuhan na rin nya na maalagaan ko ng maayos ang pagbubuntis ko.

"Kahit kailan ka talaga, Cassandra, napaka-maipin mo." sabi naman ni Papa, "I remember when you were only two years old, lagi kang nakasimangot dahil sa paghihintay mo sa Mommy Vivienne mo. Sinasabi mo lagi kapag may lakad tayo na dapat maagang gumagayak si Vivienne dahil inaantok ka na sa paghihintay. Bago pa man tayo makaalis ng bahay, may tantrum ka na." natatawang naiiling ito ng maalala.

I can't  barely remember that day dahil na rin siguro masyado pa akong bata noon but I know right before na ayoko talaga ng pinaghihintay. I hate waiting, kaya nga naiinis na rin ako sa paghihintay ng araw ng kasal namin ni Daryl. Sabi ko nga hindi ba pwedeng by the end of this month na lang ang kasal namin, kaso hindi raw pwede dahil mas mangangarag sa preparations. So I have no choice but to wait, our wedding will be held three weeks from now. Ang tagal pa!

Yumakap ako sa braso ni Papa na ikinangiti naman ni Daryl. "Pa, along the way naman ang bilihan ng crepe diba? Can you buy one for me?" paglalambing ko. Kanina ko pa kasi naiisip ang masarap na lasa ng crepe.

"Cass talaga. Si Papa pa ang hiningian mo. Baka naman sabihin ni Papa, hindi kita nabibilhan nyan."

"No, its okay. Namiss ko rin naman ang tantrums at paglalambing ng prinsesa ko." Naramdaman ko ang pamilyar na pagtalon ng puso ko nang marinig  ang paraan ng pagtawag nya. Iisang beses lang nya ako natawag ng 'prinsesa', 'yun ay noong magkasakit pa ako na kinailangang dalhin at i-confine sa ospital ng ilang araw. Tanda ko pa, ayaw ko kumain noon at sya ang nagbabantay sa akin, I was four then, he called me 'his princess' just so I can eat. Humaling na humaling kasi ako noon sa isang cartoon character na prinsesa.

"Let's go!" masayang aya ni Chanel ng sa wakas ay makatapos magbihis. "Hi, Dad!" bati nya sa ama namin at humalik sa pisngi, ganoon rin ang ginawa nya kay Daryl at sa akin, na sinuklian ko naman ng irap.

Lumabas na kami ng bahay at sumakay sa van ni Papa kung saan may driver na maghahatid sa amin sa airport. "Lito, daan tayo sa House of Sweets." utos nito sa driver nya na tinanguan naman ng driver.

"Akala ko ba late na tayo?" nagtatakang bulalas ni Chanel at itinigil ang pagsusuklay, ang tagal-tagal nya kaming pinaghintay pero hindi pa pala sya tapos mag-ayos ng sarili nya.

Taming a LionessBasahin ang storyang ito ng LIBRE!