"Uhh. Hindi sa ganun. Ayaw lang talaga ng mga guardians ko na nakikipag-usap ako sa ibang tao nang hindi nila alam--"
"But we're not 'other' people" depensa ni Storm na parang naoffend sa sinabi ko.
"Ah! H-hindi naman ganun yung ibig kong sabihin. Ano lang... G-gusto lang talaga ng mga guardians ko na alam nila lahat nang nangyayari sakin" paliwanag ko pero mukhang naoffend talaga sila sa sinabi ko. "Ahm, sige. We should eat together--"
"Good! We'll see you later then" agad na sabi ni Storm nang nakangiti na.
"H-huh?" dumbfounded na tanong ko.
"Around dinner would be good. Diba Thunder?" -Storm
"Yep. Then we should head to the market after we eat" sagot ni Thunder.
"No. Vongola won't enter your territory. She'll eat outside, where there are lots of people" agad na tutol ni Death sa kanila.
"So you'll come too?" nakangising tanong ni Thunder sa kanya.
"Ghost will" seryosong sabi niya tapos tinalikuran na sila ulit. Ngingiti palang sana ako sa kanila pero nagulat ako nang hilahin na ni Death ang braso ko.
"Bakit parang ayaw nila kay Soul?" tanong ko sa sarili ko habang sinasabayan na si Death na maglakad.
"Soul's a bit noisy around people, so he's quite annoying to other assassins. But around people he doesn't really like... he can be a little psycho, so it pisses a lot of people" paliwanag ni Death. Nakapout akong napalingon sa kanya bago mapakunot ang noo ko.
"Psycho?"
"Yep. You're friends with a crazy bast*rd... Come to think of it, to others he is more of a scary bast*rd than a crazy one" nagulat ako nang mapansin kong medyo ngumiti siya habang kinukwento si Soul.
"Si Soul? Scary?? Sa bagay, ang dark ng mga mata niya nung unang beses ko siyang makita eh" medyo natatawang sabi ko. Naalala ko kasi yung kakapalan ng eyeliner niya nung gabing hinahabol niya si Death outside the academy.
"Which reminds me. That's what we need to train you first" kunot noo akong napalingon ulit sa kanya. "You're too friendly. Until I figure out why Xanxus acted like that towards you earlier, you'll stick with being serious around others"
Mas kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "I'm... not following what you're trying to say here" medyo mahinang sabi ko.
"Tsk. In this world, being friendly will only get you killed or worse, you'll be looked down and marked as a weakling" bakit parang baliktad yung sinabi niya?? Mas masama bang matawag na mahina kesa mapatay???
"For him, dying is the solution to his problem. Kasi kapag daw namatay na siya, matatapos lahat ng problema niya... Ang kaso, wala daw siyang karapatang mamatay dahil dapat pa niyang pagdusahan lahat ng kasalanan niya" naalala kong sabi ni Soul dati. Oo nga pala. For him, death would be a light punishment.
"Sabi kaya ni Zeus nakakatakot daw ako! Mas nakakatakot kesa sa kanya!" nakapout na ulit na sabi ko.
"Hah!" sarcastic na tawa niya. "You? Scary? In what way?? Your brother may just be a scaredy-cat"
"Uy hindi ah!" depensa ko kay Zeus.
"Then tell me the scariest or even just the craziest thing you ever did that scared other people" hamon niya sakin.
Sandali akong napaisip. Ano nga bang nagawa ko na nakapanakot ng kahit sino?? Bukod kay Zeus na natatakot lang naman lagi para sa kaligtasan ko, wala na akong maisip!
"See? You got nothing. Shall I tell you then? One of Soul's crazy stunts while performing a job?" ngayon ko lang nakita si Death na ganito kaexcited magkwento! Para bang proud na proud siya sa ginawa ni Soul! Kaya naman kahit parang hindi ko magugustuhan yung maririnig ko, hinayaan ko lang siyang magkwento.
YOU ARE READING
Empty
Teen FictionThis story isn't just a cheesy teenage love story, this is a story of how a simple girl changes their EMPTY lives, a story of how this simple girl teaches them the meaning of the word FRIENDSHIP. *DISCLAIMER: Some might say that this is a fan-fictio...
Chapter 27: Now I Know Why (Part 1)
Start from the beginning
