Banat (Batch 15)

489 8 2

BUTI AT LAGING MAY SAPI ANG TAONG ITO! Kailan kaya siya titigil sa kakabanat sa akin? hehehehe!  KEnekeleg ako! LOL!

May 23, 2014

Banat # 109

ABA! Mas Matinde Pa!

Sila kung makapagsalita.

Akala mo magaganda.

Mukha namang paa.

kaw DIYOSA sila BRUHA.

Ugali parang basura.

Sarap itambak sa Payatas at ng masilaban na.

Pasensiya.

Di ko mapigilan talaga.

Pag inaaway ka, naapektuhan ng sobra.

Iba ka kasi sa kanila.

Mga boom panes ba.

Di nila pwede awayin aking prinsesa.

Baka sila masapak ko bigla.

May 28, 2014

Banat # 110

Hangin dumadampi sa aking balat.

Iniisip na sana kamay mo ang hawak.

Maghahabulan at magtatampisaw sa dagat.

Maririnig ang iyong halakhak.

Habang ika'y aking yakap-yakap.

Ang langit, wari ko'y nananalamin.

Sa tubig na kasing linaw ng kristal.

Kawangis nito'y aking pagmamahal.

Abot ang pinakamatayog na pedestal.

Di man mababago ang nakatakda.

Handang dayain ang tadhana.

Ikaw lang makasama, 

saglit lang, ayos na.

May 29, 2014

Banat # 111

Tadhana, nagtatanong,nagtataka.

Nadarama sa 'yo kakaiba.

Mukha mo man di nakita.

Sa kagandahan, alam kong nakahihigit ka.

Papikit na ang mata,

ikaw pa rin laman ng gunita.

Sa pagtulog, dumadalangin na

sana ay kasama ka.

Sa 'yo man may ibang nakatakda.

Batid ko na ako'y huli na.

Hindi ito hadlang at patuloy na sa 'yo sasamba.

Ito sa akin nagbibigay saya.

Kahit alam kong sa pangarap ka lamang makasama.

May 30, 2014

Banat # 112

Mas Matindi Ka!!!

kakagulat talaga.

Akala ko nakalimutan mo na.

Yung antok nawala.

Sa ganda mong ooh, la la!

Nabuhay dugo ko bigla!

Mas may titindi pa ba?

Sa palagay ko wala na.

Kahit mga artista.

No match sa 'yong ganda.

Kanin na lang ulam na.

Masisira diet ko pag ikaw laging nakikita.

Ganyan ba naman bubungad sa aking umaga,

Pakiramdam ko ako'y sobrang baliw na.

Ganda mo kasi, higit pa sa diyosa...

May 30, 2014

Banat # 113

Di mawala sa isip ko.

Larawang mula sa'yo

. Kahit nakapikit mata ko, I

mahe nito nabubuo.

Sa tuwing naaalala,

napapangiti ako.

Hinulmang parang perpekto,

Nakakagising ng dugo.

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!