After that scene, well, embarrassing scene nakaget over na din sila. Ako? Hindi pa. I just don't get him. Hindi ko alam saan siya humuhugot nang kagaspangan ng ugali niya. As far as I know, hindi ko naman siya inaano and heck, we are not really close so anong karapatan niya para ipahiya ako diba? Nakakainis.
Binottoms up ko agad yung isang bote ng smirnoff sa table namin. Jax and Cason are probably girls hunting. Natawa lang sila sa inasta ni Pierce since nasanay na naman sila na ganun siya palagi sa akin. He's ruthless and heartless when it comes to me.
Vince is already beside Sue. Pinipigilan niya na inumin ni Sue yung martini glass na nakahilera doon. He's sweet. Swerte ni Sue if ever man na sagutin niya si Vince. Pero I doubt it, naiirita kasi si Sue kapag nandiyan si Vince pero kapag wala naman, grabe kung makahanap.
Racer is having fun talking with Maia. Parehas tahimik 'tong dalawa 'to, e kaya minsan sila lang din ang nagkakasundo. Minsan is the key. Hot and cold kasi tong si Racer. Minsan sobrang hyper, minsan naman napakacold.
I am scanning the whole crowd. Yung iba nagsasayawan na sa gitna ng dance floor. I spotted Brea and Tori dancing their butts off. May mga guys din na sumasayaw sa kanila. Good for them.
Sue looked at me while rolling her eyes kay Vince kasi hinahawakan na ni Vince ang bewang niya pero hindi niya din naman tinatanggal. "Di ka ba sasayaw, Mace? Come, on! Flaunt it!" Sabi niya habang umiinom ng martini.
Natawa naman si Vince. "Oo nga, Mace! Magenjoy ka tonight. You deserve it. Hayaan mo na si Pierce ganun lang talaga ang isang 'yon." Pagtatanggol niya sa kaibigan niyang walang modo.
Napangiwi nalang ako. "I will dance later. Ubusin ko lang 'to." Tukoy ko sa smirnoff na iniinom ko.
Maia also looked at me using her observing eyes. I know she's thinking about something. "I heard Reed's going here. Are you okay with that?"
Biglang kumabog ng husto ang puso ko. I don't know kung sa excitement or dahil kabado ako. What if he's here with Ellyse? Should I go home?
Racer smirked. Nabasa niya yata ang iniisip ko. "Do you wanna go home, Mace? Hatid kita?" Yung tono niya ay parang sinusubukan ako.
Agad akong umiling. "Why would I go home? Nauna ako sa kanya dito. Kung gusto niya sa ibang bar nalang sila pumunta."
"Tss."
Napalingon naman ako dun sa lalaking kakaupo lang sa gilid ko. Pierce. Of course. Hindi ko alam saan siya nanggaling at wala akong balak na alamin pa. Nakabusangot ang mukha niya, e.
I rolled my eyes at him pero hindi ko pa din magawang pigilan ang sarili ko na amuyin siya. He smells so damn good.
Imbes na magpaapekto ako sa presence niya iniinom ko nalang yung natitira sa smirnoff ko. Pang second ko pa lang yata 'to pero umiinit na pakiramdam ko. Nakatingin ako sa dance floor habang pinapanood sila Jax at Cason sa pambababae nila. Si Jax ay sumasayaw ng sexy dance, hindi niya alam na si Cason yung nasa likod niya kaya nung nagkalingunan sila sabay pa silang napamura.
YOU ARE READING
The Break-Up List
ChickLitA must list. A break-up cure. All of the things one should see and do to take her mind off a heart break.