Chapter 47: Weights And Measures

93.5K 1.7K 653

Chapter 47: Weights And Measures

Ayon sa If I Fall timeline.. October 31 ngayon.. so.. HAPPY 17TH BIRTHDAY BARBARA RAMIREZ! XD

Dedicated to Kristine Garcia, na nakahula ng meaning ng MTF..BCWSBF? sa If I Fall group!

Comment ang vote PAG NAGUSTUHAN =))


--

Eto ang version nya ng nangyari last time.


Hinahabol lang nya si Barbs dahil gusto nyang kausapin ito. Alam nyang sumobra sya sa ginawa nya kaninang game. Gusto nyang magsorry, takot na lang nyang kulamin sya nito.

Kaso.. di nya magets kung bakit sya tinatakbuhan nito. Para silang tanga sa mga hallway, takbo nang takbo.

Lumiko si Barbs sa may fire exit, na dead end na. Sure syang macocorner nya ito! Kaso.. something happened.

Ang sabi ni Barbs, bumangga sya sa glass door at nabasag ito.

Oo, bumangga sya. Pero hindi ang glass door ang nabasag.

Eto ang hindi nakita ni Barbs.


Hindi nya nakita na may tumamang bola ng basketball sa bintana. Hindi nya napansin na ito ang nabasag, at hindi ang glass door.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Ang natatandaan na lang nya ay ito: tumalon sya para madambahan si Barbs at niyakap nya ito agad. Itinalikod mula sa bubog. Buti na lang at suot nya ang jacket nya.

Naramdaman nya ang ilang piraso ng bubog na tumama sa braso nya. Buti na lang naka-jogging pants si Barbs. Sinigurado nyang natakpan nyang mabuti si Barbs. Si--

Bakit hindi na ito humihinga?! Nag-alala sya bigla. Baka masyado nyang nadaganan si Barbs. He was about to wince in pain nang.. may maramdaman syang weird.

Nang buksan nya ang mga mata nya..


dun lang nya narealize na nakalapat ang mga labi nya sa babae.


Lahat ng yan ay nangyari sa loob ng isang minuto.


Awkward ang posisyon nilang dalawa. Nang buksan nya ang mga mata nya, nakita nyang nakadilat na si Barbs, at obvious ang horror sa mga mata nito. Gulat na gulat ito. Unti-unti nyang inangat ang mukha palayo sa babae, fixated pa rin ang tingin nya dito.


"Barbs.. okay ka lang!?"


Walang imik si Barbs.

Di sya makapaniwala. F-first.. kiss.. nya 'to. First kiss.. tapos..

di nya napigilang mapaiyak. Nakatitig lang sya sa lumigtas sa kanya.

"Barbs.. magsalita ka naman!!" umayos na sya ng pwesto, umupo na ito sa lapag habang si Barbs naman ay medyo nakahiga pa rin, nakatulala.

"Barbs ano ba!!" he started to shake her. "Barbs!!"

She wanted to punch him and kick his balls so fcking hard. How dare he!? Bakit ba sa lahat na lang ng nakakahiyang moment sa buhay nya lately eh nandun sya!? Tuwang-tuwa ba sya na napapahiya sya!? Ano 'to, classic example ng Schadenfraude?


"BARBS!!! CYRUS!!!"


Saktong napadaan sina Chester at Janine sa may side na yun. Narinig kasi nila ang malakas na pagkabasag ng salamin kanina. Agad naman silang nataranta sa nakita nila.


"Ohmygod oh my god!!" natatarantang tinanggal ni Janine ang mga bubog sa may legs ni Barbs. May isang spot sa jogging pants nya ang may marka ng dugo.

Si Cyrus naman ang binalingan ni Chester. "What happened?!! Teka nasugatan ka rin ba?"

"I'm fine. May bola na tumama sa window. Ewan ko kung san nanggaling." Tinignan nya ulit si Barbs pero ganun pa rin ito, nakatulala at umiiyak. Natakot tuloy sya, bakit ganyan ang reaction nya? Ano na naman ang ginawa nyang masama?

Dumating na rin sa wakas ang mga culprit. Todo sorry sila sa nangyari. 

"Sa kanya kayo magsorry," tinuro ni Cyrus si Barbs. "Muntik na syang mamatay dahil sa inyo."

Takot na takot namang nagsorry ang mga may kasalanan (2nd year students sila, napagtripang maglaro ng hagisang-bola kaso napataas masyado ang pagbato ng isa. And the rest is history.) "S-sorry po, Miss Barbs!!"

No reaction si Barbs. Kahit itinayo na sya ni Janine at inalalayang maglakad papunta sa clinic, ganun pa rin sya.

Feeling nya naviolate sya ng kiss. Feeling nya.. ano nga ba ang naramdaman nya? Bigla syang natakot. Takot na takot na hindi nya maexplain. Gusto nyang manakit pero hindi nya magawa.

Sa clinic tarantang inexamine ni Ms. Nurse ang dalawa, baka kasi nabubog ang mga ito.


"Nako Cyrus! Ano ka ba naman, pati mukha mo may cut oh!" kumuha ang nurse ng cotton ball na may konting betadine at band-aid. "Sayang ang face!"

He ignored her remark. Nakafocus lang sya kay Barbs na nakahiga, kaso lower torso lang nya ang nakikita kasi may nakaharang na kurtina. Binigyan sya ng tranquilizer ng nurse at eventually nakatulog na rin.

"Okay lang po ba sya, Miss?"

"Yes. Siguro nagulat lang sya sa mga nangyari. Matter of life and death din yun ah!"

Gusto nyang hintayin na magising si Barbs kaso nakapangako sya kay Lola Babes na pupuntahan nya ito ngayon sa home. Kaya nya rin hinabol si Barbs dahil yayayain nya sana ito, hinahanap kasi sya ng matatanda. Nang hindi pa rin nagising si Barbs after 45 minutes, pinaubaya na nya kina Chester ang pagbabantay.

If I FallRead this story for FREE!