Chapter 2

9.8K 185 5
                                    


Kim's POV


"Anak I'm really sorry," sabay na sabi sa akin ni mommy at daddy.

Sabay pa talaga sila! Nakakainis! Yung parents ko walang bahid ng kaseryosohan sa katawan. Hindi man lang ako naisip?

"Mom! Dad! Bakit?!" Madrama akong napaupo sa sofang naroon. Masisiraan ako ng ulo. Alas-dos na ng madaling araw, hinintay ko silang dumating, hindi pa ako kumakain!

Hinintay ko silang dumating kasi gusto kong malaman kung bakit nandito sa bahay namin si Xian, imposibleng hindi nila iyon alam. Pero nang maabutan nila ako dito sa sala, parang pinag-praktisan na nila yung sasabihin nilang sorry. Nakakainis lang diba?


"Mom,dad, seryoso na po kasi please? Bakit siya nandito? Anong kalokohan 'to?" Hindi ko kayang ipagpabukas ang dahilan kasi hindi ako makatulog. Hindi ako makakatulog kakaisip sa kaniya kung bakit siya nandito.

All along akala ko magsesettle na siya sa Seoul, kasama si Armie. Bakit siya nandito? Bakit pa siya bumalik?

Na-iistress na ako, pakiramdam ko rin may eyebags na ako. Ayoko ng ganito, ayokong pumangit! Ayoko ng eyebags!

"Anak ganito kasi yun eh. Bago pa man yung kasal niyo, nakapagtransfer na sa school mo si Xian. Naayos na rin yung residence permit niya dito. At hindi pwedeng i-back out lahat yun. Kaya kahit hindi natuloy ang kasal, dito pa rin siya mag-aaral sa Pilipinas."

Napalunok ako. Bakit hindi ko naisip yun? Nag-transfer nga pala siya dito, nag-transfer siya sa school ko! God! Ano nang mangyayari sa akin nito? Imposibleng hindi kami magkita at magkasama sa school kasi iisa lang naman ang barkadang kinabibilangan namin.

"Dito rin siya titira sa atin kasi ibinilin siya sa amin ng Tita Aubrey at Tito Kysler mo," dagdag ni daddy.

Lalo akong pinanlambutan. Oh my God. So ganito na talaga? Dito titira sa bahay namin ang lalaking tinakbuhan ko sa kasal? Grabe na'to.


Kung alam ko lang na ganito edi sana hindi na ako umatras. Ganun din yun hindi ba? Magkasama pa rin kami. Ano nang mangyayari sa akin nito? Forever na akong magkukulong sa kwarto ko?


"Anak alam kong hindi madali ito. But you know, kahit naman hindi natuloy yung kasal niyo dapat ay mag-stay pa rin ang friendship niyo diba? Magkababata kayo eh."

Para akong maiiyak. Anong friendship ang pinagsasabi niyo? Kung alam niyo lang kung gaano kasungit ang lalaking 'yan sakin. Hindi nga ako kinakausap ng matino niyan dati eh. Paano pa kaya ngayon?

"Kaya mo 'yan baby, nandito naman kami ng daddy mo eh."


Lumapit silang dalawa sa akin para yakapin ako. I'm still glad they're not mad at me, sa pagdedesisyon ko mag-isa. At the end of the day, sila pa rin ang nag-comfort sa akin. I must say I am lucky for this kind of parents.

"Sige na, sleep na, goodnight darling." Dad kissed me on my forehead and then mom kissed me on my cheek.

Nagpaalam na rin silang magpapahinga na sila dahil napagod sila sa date nila. Ibang klase ang mga magulang ko, tinubuan sila ng unlimited sweets sa katawan kaya hanggang ngayon akala mo mga teenager pa rin.

I sighed. Naramdaman ko nanaman ang gutom ko nang mapag-isa ako sa sala.

Tumayo ako at pumunta sa kusina. Yung ilaw sa diner nalang ang binuksan ko. Pumunta ako sa fridge at naghanap ng makakain. Wala kasing nakaluto, mukhang nagdinner date pa yata sila mommy kanina. Kinalimutan ba namang hindi ako marunong magluto. Grabe talaga, minsan daig pa ako nila mom and dad eh, kung makapagdate wagas. Ako na nga ang walang lovelife.

Kung bakit ba naman kasi sa isang lalaking menopausal pa ako nagkagusto. Hayy.

Makalipas ang ilang minuto ay wala akong nakalkal sa ref na ready to eat. Maraming raw foods pero saan napunta yung mga cakes at sweets namin dito? Mamamatay na ako sa gutom! Bakit ba kasi hindi ako marunong magluto? Kainis!

My Runaway Bride [Dreame]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon