.
.
.



"Mommy Awit, Super thank you po talaga sa pagsama sa amin ni Mama ngayon. Sobra nag-enjoy po ako" Masayang saad ng anak ko.


Napangiti naman si Awit duon bago ginulo ang buhok ni Ysabelle.


"Maliit na bagay para cute na batang gaya mo. Basta kung gusto mo ng kasama pag wala si Mommy mo tawagan mo lang ako" Tugon ni Awit.


"Anak ma-una kana sa loob kakausapin ko lang saglit ang Mommy Awit mo" Utos ko at agad din naman itong sumunod.


"Ahhm.. Awit salamat ha, sa pagsama mo sa amin ngayong araw kung hindi dahil sayo hindi magiging masaya ang araw na ito para sa Anak ko" Nahihiya kong saad.

Sobra akong nahihiya sa kanya ngayon kasi pano ba naman ang huli naming pagkikita at pag-uusap ay hindi naging maganda ang kinalabasan pero ito ngayon siya tinulungan ako sa problema ko kay Ysabelle.

"Ano kaba maliit na bagay" Natatawang sabi nito saka hinawakan ang kanang braso ko.

"Kung gusto mo naman pwede ako maging full-time Mommy kay Ysabelle at mabuting Asawa na rin sayo" Dagdag pa nito saka marahang pinisil ang braso ko na hawak niya.


"Awit naman hindi ba sinabi--


"Wag kang mag-alala hindi ko nakakalimutan ang mga sinabi ko. Seryoso din ako sa mga sinasabi ko sayo Diana. Kahit hindi mo sabihin sa akin alam kong hindi na nagagampanan ni Isabel ang responsibilidad at obligasyon niya sayo bilang Asawa at Ina sa anak niyo" Putol nito sa sasabihin ko.

"Alam ko rin naman yun Awit. Pero mahal ko si Isabel at nanay siya ng anak ko at hindi mo mababago yun" Tugon ko naman.

Ayaw ko man ipamukha sa kanya na si Isabel na ang mahal ko kelangan ko paring sabihin ang mga masasakit na salitang iyon para hindi na siya umasa sa akin.


Awit deserves someone better and that's not me..


Hindi ko na dedepensahan ang mga pagkukulang sa amin ni Isabel dahil tama ang sinabi ni Awit. Hindi na nga talaga nagagampanan ni Isabel ang responsibilidad at obligasyon niya sa amin ni Ysabelle pakiramdam ko nga ngayon isa na akong single parent. Pero hindi ako naghahanap ng bagong kapareha para punan ang pagkukulang sa amin ni Isabel.


"Ewan ko nalang talaga. Sobrang kawawa ang anak niyo Diana siya ang sasalo lahat ng kagaguhan ni Isabel" Naiiling na komento nito.

Napakunot noo naman ako sa sinabi niyang iyon.


Anong ibig niyang iparating duon?


"Tawagin mo nalang ako kung kelangan ni Ysabelle ng tatayong nanay para sa kanya" Saad nito saka ito tumalikod at naglakad pero agad din siyang huminto at lumingon sa akin.


"Alam mo naman siguro ang number ko diba?" Tanong nito.


"Ahh.. Yeah" Tugon ko naman.


Tumango nalang ito saka tuluyang umalis. Naiwan ako rito sa labas ng aking bahay na nag-iisip may nalalaman ba si Awit tungkol kay Isabel na hindi ko alam?

.
.
.



"Mama kelan po ba uuwi si Mommy? I really missed her so much" Tanong ni Ysabelle pagkapasok ko sa kwarto nito.

I'm not the only one (ToLine) Where stories live. Discover now