[8] ♕ Special Place

2.5K 48 0

Hana's POV.

“Hana, gising na.”

Iminulat ko yung mga mata ko. WOW!

Totoo ba itong nakikita ko? Parang nasa isang garden kami pero nasa taas. Kaya tanaw na tanaw ko ang Manila. Ang ganda dito, may mga namumukadkad na halaman, mga lightings syempre malapit ng ang pasko.

“Hanniel, nasaan tayo?” tanong ko sakanya. Nasa likod ko lang siya. Nakatingin lang din siya sa paligid.

“Nasa Secret Garden Tayo.” he replied.

“Ang ganda dito. Bakit pala secret garden?” tanong ko. Na-curious lang ako. Tapos parang kami lang ang nandito.

“Kasi kami lang ang may alam sa lugar na ito, wala ng iba. Noon kasi gusto namin lahat na dito kami magpro-propose sa magiging ina ng mga anak namin. At sinabi rin namin sa isa't-isa na dito namin dadalhin ang babaeng mahal namin. Pero ngayong may asawa na ako di ko na yata matutuloy yun.” paliwanag niya. Mukhang nalungkot siya, pero naiintindihan ko naman siya eh.

“Hanniel, I'm really sorry kung pumasok ako sa buhay mo nang biglaan. Alam mo kung may magagawa lang talaga ako, hindi naman talaga ako papayag na ikasal ako sa taong di ko pa na-meet pero kailangan eh. Kaya ko namang magtiis. Pwede naman tayong mag divorce after the bussines” I aaid to cheer him up. Ang lamig naman dito. Malamig na pala ang hangin.

“Pang habang-buhay na ang kasal nating ito dahil dito lang tayo da Pilipinas nagpakasal.” sabi niya saakin.

“Madami ang connections ni Papa.”

Walang nang nagsalita saaming dalawa. Pinanood nalang namin ang araw na lumubog. Parang mas naging malamig pa.

“Uwi na tayo?” alok ko sakanya. Madami na kaming absent sa school. 1 month kaming wala dahil sa kasal namin.

Take Note: November 13, 2017.

Mahalaga ang date na yan. Sa araw na yun, doon kami ikinasal.

“Saan kotse mo?” tanong ko.

“Nasa baba. Bawal naman kasing isakay sa elavator kaya di ko na isinama dito.” sabi niya saakin. Ang pilosopo naman nito.

“Kung nasa baba yung kotse mo sinong nagbuhat saakin dito?”

Noong nagising kasi ako nakaupo lang ako sa upuan. Malamang!

“Ako. Wala ngang gustong buhatin ka kasi ang bigat mo daw. Well, di ko sila masisisi. Kahit nga ako, naramdaman kong parang mula Korea hanggang Pilipinas nilakad ko dahil saiyo. Imagine nakasakay na nga ako noon nang elevator. Buti nalang may elavator sa building na ito.” sabi niya saakin. I know his teasing me. Well, hindi ako yung babaeng madaling maasar.

“Talaga? Baka naman sadyang di  ka malakas kaya di mo ako kaya buhatin. Yung totoo?” sabi ko sakanta with matching kindat pa para maasar. Tapos iniwan ko na siya.

Ang ganda pala ng lugar na iyon hanggang ngayon di ko pa makalimutan. Kawawa naman pala ang malanding yun di natuloy yung plano niya tungkol sa magiging girlfriend niya soon.

Halos naturylog na lahat ng tao dito sa bahay namin. Pero ako? Hindi pa. May bumabagabag kasi sa isip ko pero di ko maintindihan kung ano.

♕♕♕♕♕♕♕♕

Ang lakas naman ng tunog ng alarm clock ko. Gusto ko pa kaya matulog. Aning oras na ba.

8:00 am

WHAT THE HELL?!

30 minutes nalang start na ng first class ko. Tumakbo agad ako sa banyo. Halos di nag-five minutes akong naligo. Di ko alam kung paano ko yun nagawa. Kumain di ako ng mabilis, mag-snack nalang siguro ako sa lunch break. Nakakabusog din naman ang mga pagkain doon.

Casanova's  WifeRead this story for FREE!