For every story tagged #WattPride this month, Wattpad will donate $1 to the ILGA
Pen Your Pride

Ayu's Point of View


Sabay kaming nagpunta ni Sab sa school dahil nauna na si Yannie at Zoe. Habang nasa byahe ay napag-usapan namin ni Sab ang kakaibang aura ngayon ni Yannie.

"Wala ka bang napapansin kay Yannie?"

"Meron. Ang tamlay niya ngayon," sagot ko habang nakatingin pa rin sa daan.

"Oo nga. Dati kasi nagtataray lang siya pero ngayon parang ang lungkot lungkot niya."

"Baka naiisip na naman si Tom."

"Hay. Hindi pa talaga siya nakakamove on." Pailing iling na sabi ni Sab.

"Sana maging masaya na siya at hindi na matakot magmahal ulit.. Sayang ang ganda ni Yannie. Naging man-hater na siya. Pakiramdam niya lahat ng lalaki iiwan lang din siya."

"Hindi naman ginusto ni Tom mamatay. Sana nga matuto ulit siyang magmahal. At sana rin bumalik na siya sa mataray na Yannie. Hindi ako sanay na hindi siya gaanong nagtataray at sobrang tamlay."

"Sana nga. Pero babalik din 'yan sa dati. Kita mo nga si Zoe noong Thursday parang wala sa katinuan, pero ngayon balik na sa pagkahyper." Natawa naman si Sab sa sinabi ko.

Pero ano nga kaya ang nangyari kay Zoe last Thursday? Para siyang ewan that time.


***

Flashback..

Nasa may parking lot na kami ni Sab at hinihintay lang si Zoe para sabay sabay na kami pumunta sa No Name.Nagpaiwan na kasi si Yannie.

"Ang bagal talaga ni Zoe," reklamo ni Sab habang nakasandal sa kotse.

Nakita ko naman na siya sa 'di kalayuan na naglalakad na papunta sa kinatatayuan namin. "Ayan na," turo ko sa direksyon ni Zoe.

Kaya lang sobrang bagal ng lakad niya at nakayuko pa siya habang naglalakad. Nainip na kami ni Sab kaya lumapit na kami sa kanya at tumabi sa gilid niya. Pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na para bang hindi kami nakita. Bumubulong bulong pa.

"Uy, Zoe," kalabit sa kanya ni Sab pero wala pa rin hinto sa paglakad si Zoe.

"Zoe, okay ka lang ba?" tanong ko naman.

Deadma pa rin siya at bulong lang nang bulong. Medyo lumalakas na 'yung pagsasalita niya kaya narinig na namin kahit papaano ang sinasabi niya.

"Wala na. First pati second wala na. Sa kanya pa napunta. Wala na." Ayan lang ang paulit-ulit niyang sinasabi. Tumingin naman ako kay Sab at nagbilang gamit ang daliri ko.

1...

2...

3...

"Zoe!" sabay na sigaw namin ni Sab sa magkabilang tenga ni Zoe kaya napahinto na siya.

"Ay, Zoe! Bakit?!" gulat na sigaw niya.

Pinagtawanan namin siya ni Sab at nang mahimasmasan ay nagawa na ulit naming magsalita.

"Bumalik ka na rin sa katinuan. Ano ba 'yung sinasabi mong wala na? 'Yung first at second?"

Nanglaki ang mata niya at umiling, "Wala! Tara na. Kailangan na tayo sa No Name. Bilisan niyo." Tumalikod siya at naglakad na ulit sa may left side namin. Hindi naman kami gumalaw ni Sab. Nagkatingnan lang kaming dalawa habang parehas na nakakunot ang noo at tumingin kay Zoe.

Lumingon naman ulit siya sa amin ni Sab, "Ano bang hinihintay niyong dalawa? Tara na!"

"Sure ka bang okay ka lang?" Paninigurado ko.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!