Chapter 18: Girl in the Music Room

Magsimula sa umpisa
                                    

"Oo naman. Tara na kasi." Tuloy lang siya sa paglalakad.

"Zoe, mali 'yang pinupuntahan mo. Ito lang ang sasakyan," turo ko sa kotse na nasa harapan ko. Kaagad naman siyang bumalik at sumakay sa kotse na parang walang nangyari.

"Anong nangyari doon?"

"Who knows," I shrugged.


***

Nang makarating sa school ay pinauna ko na si Sab sa room. Nasa mood akong tumugtog ngayon. Mahaba pa naman ang oras.


***

Ken's Point of View


"Ano, pare, makikita mo na si Yannie mamaya. Masaya ka na niyan?" tukso ko kay Xander habang naglalakad sa hallway papuntang classroom. Nakakatawa kasi siya kapag naiinis.

"Tae, Ken! Wala ka bang balak tigilan ako? Yannie ka ng Yannie! Hindi ko nga gusto 'yun. Baka ikaw ang may gusto du'n."

Ipinasa pa sa akin. Ganyan ang mga defensive eh. Ngumisi ako at hindi nagpatinag. "Pero type mo? Maganda naman siya. Mataray nga lang at kaaway natin pero maganda."

"Hindi ko alam! Hindi! Oo... hindi nga! Isa pa, Ken. Isa pa talaga, uupakan na kita. Napakachismoso mo."

Hindi ko na napigilan ang matawa kasi pikon na pikon na siya, "Pikon ka masyado. Chill lang, pare."

"Chill mo mukha mo," suntok niya sa braso ko.

Napahinto naman ako sa paglalakad nang may marinig akong kumakanta. Ang ganda ng boses niya.

Lumingon naman sa akin si Xander nang napansin niyang hindi na ako sumusunod sa kanya. "Anong nangyari sa 'yo? Tara na."

"Mauna ka na. Sunod na lang ako."

"Bahala ka nga dyan."

Nang umalis si Josh ay naiwan lang akong nakatayo sa gitna ng hallway. Parang hindi ako makagalaw at nalunod na ako sa boses ng kung sino man na kumakanta.

Masyadong masarap pakinggan ang boses niya. Kaya nang huminto siya sa pagtugtog ay kaagad akong pumasok sa music room kung saan ko narinig na nanggagaling ang boses. Pero wala na. Wala ng tao doon. Malamang dumaan na siya ng back door. Tumunog na rin kasi ang warning bell.

Hay. Sayang. Sana nakita ko man lang kung sino ang may ari ng boses na 'yun.

Lumabas na lang ako ng room at pumunta na sa classroom kaya lang pagdating ko doon ay may teacher na.

"Mr. Yu, late ka ata ngayon. Well this is the first. May I know your reason." salubong sa akin ni ma'am.

"Sorry po, ma'am. Ano po kasi.." Wala akong maisip na reason. Hindi ko naman pwedeng sabihin na 'nalate po ako kasi may narinig akong magandang boses kaya nawalan na akong ng pakialam sa oras o sa paligid ko' kasi paniguradong mapapagalitan at mapagtatawanan lang ako. At ang babaw ng rason na 'yun. Isa pa, babae 'yun. May clash pa rin na nag-eexist sa school na 'to.

"Kasi?"

"Kasi.. kasi.. kasi po naflatan ako. Ganoon po ang nangyari." Pagsisinungaling ko. Mukha namang naniwala siya.

"Okay. You may take your seat."

Pag-upo ko ay agad naman akong binulungan ni Josh. "First time malate ha? Anong nangyari sa gulong ng kotse?"

"Hina mo, Josh. Kahit kailan ka talaga. Halata namang di siya naflat-an at nagsisinungaling lang," pagsingit naman ni Ice.

"Eh bakit ba kung napaniwala niya ako. Kung si ma'am nga naniwala sa alibi niya."

"Nangbabae 'yan mga pare," sabat naman ni Xander kaya napatingin 'yung dalawa sa kanya. Magsasalita n asana si Josh pero pinigilan siya ni Xander. "Silence. Alam kong itatanong mo kung paano. Ganito kasi 'yan... kanina habang naglalakad kami sa hallway, nagpaiwan siya bigla sa akin. May narinig kasi siyang magandang boses ng babae."

"Narinig mo rin?" tanong ko sa kanya. Akala ko kasi ako lang nakarinig.

"Oo. Obvious ka kanina kaya iniwan na lang kita."

"Babae? Dito nag-aaral? Nako, Ken. Alam mo naman na war ang babae at lalaki dito," paala ni Josh.

"Huwag mo siyang pakialaman, Josh. Ano naman kung may matipuhan siyang babae dito sa school natin?" Huh?

Napatingin kaming tatlo sa nagsalitang si Ice. Nakakagulat lang kasi parang okay lang sa kanya na may matipuhan ako dito. Sa pagkakaalam ko ay ayaw na ayaw niya sa mga babae. Lalo na mga babae dito sa Kingdom High. Okay pa sana kung sa ibang lalaki ko narinig 'yun eh. Pero kay Ice.. si Ice as in Ice. Weird.

"Oh? Bakit ganyan kayo makatingin?"

"Okay lang talaga sa 'yo na may matipuhan akong babae dito? Kahit magkagirlfriend kami ng estudyante dito okay lang sa 'yo?"

"Oo."

Nagkatinginan naman kaming tatlo dahil sa sagot niya.

"Bakit? Bakit parang okay na lang sa 'yo ngayon ang mga babae dito sa Kingdom High?" tanong naman ni Xander.

"Wala lang."

"Alam niyo, okay lang talaga sa kanya kasi – aray!" Tigil ni Josh sa pagsasalita at sinamaan ng tingin si Ice. "Bakit ka ba nangbabatok?!" Tiningnan lang din siya ni Ice at maya maya lang ay biglang nagpeace sign si Josh sa kanya. Okay?

"Boys at the back, quiet!" sigaw ni ma'am.

"Sorry po," sabay sabay na sagot naming apat.

Nagdiscuss na ulit siya pero hindi ako makapagconcentrate. Hindi ko magawang makinig. Naaalala ko pa rin ang boses ng babae kanina. Kailangan ko siyang makita. I need to find the girl in the music room.

Teen Clash (Boys vs. Girls)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon