day 16 : January 2015 tuesday

3 1 0

dear petra,

at yun na nga petra! wohoo nahiram ko na si petro kay pinta!

grabe! parehas kayo ng laman! babasahin ko pa sya mamaya, simula sya sa 

MAY 2014

oh diba? ! ansaya saya petra! babasahin ko na si petro, pero bago yun iuupdate pakita kaya stay put kalang dyan.

petra, ang dami ng nakakabasa ng mga kalokohan natin ah! wohoo!

pero alam mo kahit ganun kinikilig parin ako kay pinta kanina pagkahiram ko.

nakangiti syang parang wala ng wakas, este bukas pala.

nung pag katok ko palang sa pinto ng bahay nila bumungad sya agad sakin.

pero pagkatok ko, sabi nya:

"lintero? bakit kapa kumatok eh, may doorbell naman kami ah! mayaman kami lint! mayaman."

napatango nalang ako petra kanina, pero napaka yabang nya ah! ako din kaya mayaman, mayaman sa pakiusap.

lalo na kapag may lutuan sa room at kainan na kailangan ng ambagan petra,

ako yung laging may dala ng pasensya at kwento sa grupo, at guess what, mas marami pakong nakakain sa kanila kahit wala akong ambag.

ang kapal ng mukha ko diba?

ansayasaya petra!

oh? bakit ang lungkot ng pages mo?

nagseselos kaba petra kay petro?

wagkang magalala, mahal kanun, at mas masarap ka paring basahin kesa sa kanya, wag mag worry ha?

trip parin kita.

so ayun bago ko itanong sa kanya kung pwede ko ng hiramin si petro sa kanya,

ngumiti sya ng abot langit at kinikilig na animoy maiihi sa kinatatayuan.

sabi ng nanay nya nung nakita sya:

"ano ba pinta! kukurutin koyang pempem mo kapag hindi nagpaka mayumi ng galaw para kang bugaw ah!! "

sabay pasok sa kwarto nung nanay nya.

as usual, natawa kaming parehas, naka philipine yana panga yung nanay nya nun eh,

21st century na mga kaibigan di na uso yun!

kelan ko kaya makikitang naka philipine yana si pinta?

bago nya ibigay ang dami nya pang ginawa, siguro iniisip nyang makakalimutan ko yung panghihiram nun kapag inaliw nya ko sa paglibotlibot sa art gallery nya na puro kahawig ng boxers ko yung paintings.

pero bigo sya, ako kaya petra yung tipo ng tao na hindi madaling makalimot.

oh? diba ang saya saya, hawak ko ngayon si petro, mamaya babasahin ko sya kung ok lang sayo petra?

wag magseselos ha?

papasakan kita ng ballpen sige ka! 

magpakamayumi! wag malandi! kababaeng tao eh!

sige na babasahin ko pa si petro..

goodnight petra kong mahal.

cute mong taga entry,

lintero.

quotes played by my mindWhere stories live. Discover now