x29: An Afternoon Together~

[ADRIAN's PoV]

Ano na bang nangyari sakin..

Mahigit isang bwan na rin simula nang napag-desisyunan ko na makuntento na lang sa relasyon namin ni Chelle at..

At di naman yata mali ang naging desisyon ko. Masaya pa rin sya eh..

Kung nagtapat siguro ako sakanya nung gabing yun, malamang, naging kumplikado lang ang mga bagay-bagay saming dalawa. Kaya mabuti na yung ganito.

*sigh..*

Mabuti nga pero ito naman ako.. Medyo nawala sa sarili at naging malilimutin.. =___=

Tulad ngayon, nalimutan ko ang sched ko.

Papunta na sana ko sa isang bookstore para bumili ng mga gamit ko pero bigla ko naalala na may isa pa pala kong klase na dapat atenan.

Nagdrive tuloy ako ulit pabalik ng school. Tsk. Sayang sa gasolina. =___=

Nang napadaan naman ako sa one-way road sa gilid nitong campus, napahinto ako.

Huminto ako sa tapat ng isang kariton na nagtitinda ng mga hilaw na mangga na naka-stick.

Nandun si Chelle eh. Nakatalikod at kumakain. Siguro wala na syang klase kaya nandito sya sa labas ngayon.

Binuksan ko ang bintana sa side ko para tawagin sya.

"WUI, CHELLE." Humarap naman sya sakin nang kagat-kagat ang manggang naka-stick. "Ang sarap lang ng kain mo ah?"

Ngumiti sya't ngumuya. "Mmm-sarap talaga. Lalo na yung bagoong! Gusto mo?" ^w^

Nag-make face lang ako. Yung parang nasusuka.

"Mm-haha.." natawa sya habang nanguya. "Ang panget mo.." ^w^

AKO?! PANGET?! "Tss.. Papunta ka na ba sa work mo?"

"Hindi. Wala kong work ngayon eh. Susunduin ko na lang si Andy sa school nya."

Ooh.. Susunduin nya ang anak namin sa school.. Di ko pa nae-experience yun ah!

"Ikaw Adrian? Ba't ka nandito?" tanong nya sabay simot na sa kinakaing mangga.

"Uhh wala lang. Napadaan lang ako." PAGSISINUNGALING KO. Hehe.. "Chelle, pwede ba ko sumama sa pagsundo mo sa anak natin??"

"Oo naman.." YES! PWEDE!

"Oh edi tara na. Sakay ka na dito, dali!" minadali ko sya.

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!