K a b a n a t a 1

15.9K 728 169
                                        

Nagkumpulan ang mga babae sa tapat ng gate ng school namin. Pano ba naman kasi eh anjan na yung lalaking matagal ko nang minamahal. Ang lalaking matagal ko nang pinapantasya at ang lalaking madalas kong mapanaginipan. Actually, napanaginipan ko siya kahapon. Hinuhubaran niya daw ako shet lang.

Hindi ako magpapahuli sa mga babaitang ito. Sumali rin ako sa kumpulan pero nyeta pinagkaitan ako ng height. Napatingkayad tuloy ako ng di sa oras. Pero haha kahit nakatingkayad na ako di ko pa rin makita. Napilitan tuloy akong pahabain yung leeg ko. Malapit na nga mapunet eh. Kaurat naman kasi tong mga kapreng babaeng to.

"Kyaaaaaaaaaaah!" Sigaw nila. Huh, di ako magpapatalo sa kanila

"Waaaaaaaaaaaaaah!" sigaw ko rin.

Natanaw ko siya. Ulo lang nakikita sa kanya eh. Hindi ako nakunteto at nakipagsiksikan hanggang makarating sa unahan. Halos di na ako makahinga  at susmaryosep jusko, umagang umaga nangangamoy patis at suka tong mga babaitang to.

Nakahinga ako ng maayos nung nasa unahan ako. Shutaa, ang pogi niya talaga. Kung ang iba jan eh nakakapanlaglag ng panty. Well, pati bra ko nalalaglag kapag anjan si Baekhyun. Boom bra-nesx!

Nakita kong binigyan siya ng mga gifts nung mga babaeng lumapit sa kanya. Halos matakpan na nga yung mukha niya, sayang sa exposure. Duhhh di naman bertdey ni Baek ngayon, mesyede nemen seleng ekseyted.

Kinabahan ako nung bigla siyang naglakad papunta sa direksyon ko. Oo, sakin! Sakin nga! "Uhh yes baekhyun?"

"Ah Yuki, pwede favor?" Ay pvta, favor daw oh. Jeske lerd, baka aayain niya akong maglunch o kaya naman magddate kami mamaya after class. Omg baekhyun, yes! Yes--

"Pakibigay naman to Kay Taro. Sabi niya absent siya ngayon. Pakisabi i-edit niya nalang" sabi niya sabay bigay nung usb.

"Eh? Akala ko alukin mo akong maglunch?" ay luka ka Yuki. Ba't mo sinabi yun?! Napakunot siya ng noo. Sinasabi ko na nga ba "Uh s-sabi ko, mamayang lunch ibibigay ko kay Kuya" agad kong sabi. Oh please, sana lumusot ako.

"Ah sige. Salamat Yuki" ngumiti siya sakin at tumalikod papaalis. Yung mga katabi kong babae pinagtinginan ako. Jejeje, inggit kayo noh? Oh well, ganyan talaga ang buhay. Pero back to reality, oo, kuya ko nga yung Taro! Leshe, si Kuya Taro. Siya ang kuya kong madalas mang asar sakin. Pogi din daw kasi siya at maraming fangirls.

One time nga nagising ako na may mga fangirls na sa labas ng bahay namin eh. Hindi naman sila isang batalyon pero it's not normal na may mga babaeng di mo kilala na nasa labas ng bahay mo. That's scaryyyyy.

"Prince Baekhyun's entourage has ended. Please go back to your classroom" rinig kong sabi ni Elise sa likuran ko.

"I know right. And his princess is no other than Yuki" sagot ko sa kanya at tanging face palm lang ang binigay niya sakin. Kinurot ko siya sa tagiliran "Elise konting cheer naman jan oh. Anong klaseng kaibigan ka ba?"

"Nakuu, ngayon palang sinasabi ko sayo Yuki, wala kang pag asa jan kay Baekhyun okay? Madami kang kaagaw sa kanya. Tapos ang pandak mo pa. At saka senior na sila, juniors palang tayo. Next year ggraduate na sila at papasok na sa college at makakilala siya ng isang sexy at magandang babae. Magpapakasal sila at magkakaroon ng--"

"LESHE ITIGIL MO NA NGA YAN EISE! UWE!" sigaw ko sa mukha niya. Loljk, pero nakakahurt naman kasi eh. Imbis na maboost yung courage ko, lalo niya lang akong dinodown. Inakayan niya ako.

"Huy, joke lang naman Yuki. Sige sabihin nating may pag asa ka sa kanya, pero 10% lang"

"Aba matinde. Pano mo nalaman yan eh hindi ka naman si Baekhyun?" tinanggal ko yung kamay niya sa balikat ko.

"Ganito ha, kailangan ka niyang mapansin. Kapag napansin ka niya maaaring maging 25% na ang pag asa mong maging kayo" mabilis niya sabi "Kapag naging close na kayo, magiging 50% na ito"

Tinakpan ko ang nguso niya at ipinagpatuloy ang sinasabi niya "At pag niligawan niya ako, magiging 100% na ang pag asang magiging kami" nakapameywang akongnag iisip ng plano ng bigla niya akong binatukan.

"Gaga, imposibleng mangyari yun. Si Baekhyun liligawan ka? Pfthahahahahaha omfg that's too funny Yuki Hahahaha" tawang tawa siya habang tinitignan ko siya ng masama. Pero buti nalang matalino ako.

Omg what a bright idea "Kung hindi niya ako liligawan. Pwes, ako ang manliligaw sa kanya!" Hindi ko alam pero bigla akong hinila ni Elise papunta sa clinic "Anong nangyari sa kanya?" tanong nung school nurse.

"Nababaliw na po siya"

--

Nakita ko si Kuya Taro na nakaupo sa sahig at naglalaro sa sala ng play station. Hindi na nga pumasok, nagawa pang maglaro. Hindi man lang siguro siya nagbasa ng notes niya "Oh kuya, pinabibigay ng asawa ko" kinuha ko ang usb sa bulsa ko at ibinigay ito sa kanya.

"Sinong asawa mo? Taglandi ah, di ako nainform" sabi niya.

"In your 16 years of existence hanggang ngayon di mo pa rin alam kung sino ang asawa ko, sino pa ba edi si Byun Baekhyun" sabi ko sabay pakita ng wallpaper ko sa phone.

"Baliw. Wag ka nang umasa dun. Kumain ka nalang nga jan ng meryenda" Sabi niya at saka kinuha yung usb sakin. Tiningnan ko siya muli habang naglalaro "Kuya liligawan ko si Baekhyun"

"Oh sige bahala k--ANONG SABI MO?! BALIW KA BA HA?" singhal niya sakin. Tumango lang ako pabalik sa kanya "Kuya weg ke nge. Modern na ngayon kuya. Wag mo na akong pigilan"

Napaface palm nalang din ang kuya ko "Pag sinagot ka niya, papaputiin ko si Dora"

Nakakainis. Bakit ba andaming tutol sa pagmamahalan namin ni Baeky? Maganda naman ako, pogi siya. Matalino ako, matalino rin siya. One year lang ang agwat namin. Anong bang problema? Height ba? Tch, bukas na bukas maghheels na ako.



winterized

Courting Byun BaekhyunTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon