Panimula

71 3 0
                                                  

Hinihingal na ako pero wala akong tigil sa pagtakbo. Hindi ko alam kung paano ko nakayang takbuhin mula sa bahay hanggang dito sa eskwelahan namin. Feeling ko kasi mas malilate ako kapag nakisabay pa ako sa step sister ko, iba kasi ang eskwelahan niya sa pinapasukan ko, malayo dito kaya hindi na lang ako nakisabay alam ko naman na mas uunahin nila si Jahne mahal nila 'yon ee.

Waaaaaa! Puno na ata ng paltos yung paa ko sa kakatakbo. Kainis naman late na ako! Hindi ba pwedeng yung school na lang yung lumapit sa akin? Nakakapagod kaya!

"Naku Ma'am! Late na kayo. Bilisan niyo baka maabutan kayo ng President" biglang sambit ng guard na nadaanan ko sa may gate namin. Late na nga ako ginatungan pa ni Manong yung kaba ko.

Tsk! Barilin ko kaya ngayon yang president na 'yan? Araw-araw akong binibwes*t niyan e. Umakyat na agad ako papunta sa third floor ng makita kong nasa building na ako ng Tourism Management. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo ko pag dating ko sa may corridor ng second floor, lumingon lingon din ako sa paligid kasi dito madalas tumambay yung panget na president ng SSG. Pinag aagawan ng mga babae sa school e panget naman. Kahit gaano pa siya kagwapo I just really don't like him.

Mas binilisan ko pa ang takbo ko ng mapansing wala na talagang kahit isang estudyante sa labas.

Naramdaman kong tumatagaktak na ang pawis ko sa likod, mukha lalo na sa may bandang leeg ko. Huhu! I feel so mabaho na.

Tumigil muna ako sa pagtakbo para magpunas ng pawis. You don't have to be nervous Kein, kayang kaya mo naman lusutan yung gong g*ng na President e.

Inilabas ko ang panyo ko mula sa pocket ng palda ko. Akmang ipupunas ko na ito sa leeg ko ng may marahas na taong humawak sa balikat ko. Ang ayoko talaga yung hinahawakan ako ng walang permiso.

"Hey, My favorite student" sambit ng baritonong boses. I almost rolled my eyes. Ito na siya, ang panira ng araw ko. "Your late...." Humarap ako sa kanya at nagkunwaring nanlaki ang mga mata na para bang nagulat talaga "as usual. Now, give me a new valid reason" tinaasan ako ng kilay kumag at binaliwala ang kunwaring gulat reaction ko "Ayoko na nong laging rason mo. I want new" sinamahan pa nito ng isang nakakalokong tawa kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam niya kasing ayokong naririnig ang nakakairitang tawa niya pero lagi naman siyang humahalakhak sa harap ko. Pambwes*t lang

"Mr. President slash panira ng araw. Nalate ako kasi tinakbo ko ang daan" I give him a fake smile at nagpunas na ng pawis.

Kumunot ang noo niya na para bang hindi kapani-paniwala ang rason ko. Pasabugin ko kaya ang mukha niya baka sakaling mag sink in sa utak niya na hindi ako nagsisinungaling. San ko naman kaya nakuha ang ganito karaming pawis kung hindi ako nagsasabi ng totoo di'ba?

"Uh-huh. And then?" Nag taas siya ng kilay "Tatakbuhin mo pala sana maaga ka para hindi ka nalate" sambit niya

Bastos ka pala e!!

Sisinghalan ko sana siya ng mapagtantong tama siya. Tch! Ba't di'ko naisip 'yon? Hayy ewan! Late na ako.

"Aalis na ako. Late na ako e hehe" hindi ako marunong magpacute pero nitry ko pa rin nagbabakasakali lang naman e Haha!

Tumalikod ako sa kanya at napag isipang maglakad na lang ng magsalita ulit siya.

"I'm not done yet" napapikit ako doon. May mga araw rin kasing hindi ko siya mauto. Baka heartbroken ngayon o nalan ng daddy niya na bakla siya kaya ganyan kasungit ngayon.

"I have more important things to do, Ricci!" Humarap ako sa kanya at pinandilatan ko siya ng mga mata "Late na sabi ako e!"

Tumawa lang ang unggoy. Uminit lalo ang ulo ko. Kahit gwapo siya inis na inis ako sa kanya ,bakit? Kasi tuwing naaabutan niya akong late bubwes*tin lang niya ako hanggang sa matapos talaga ang first subject. Ganyan niya kagustong inisin ako araw-araw. May saltik ata sa ulo kaya yung magandang ako ang napagdidiskitahan.

Snow White And The Seven KnightsWhere stories live. Discover now