Patama Ni Author

151 1 0
                                                  

^____________________^

All rights reserved. No parts of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, electronic or mechanical, including photocopying, recording, or by any information storage and retrieval system, without the prior permission of the author.

*~

Snow White And The Seven Knights written by. DEV-IL

T_____T
Tagalog Story


Marami na akong nabasang Love stories na malungkot ang ending. Wala nga kasing forever. Bakit laging sinasabi sa dulo ng istorya ang salitang? 'Happy Ending'?. Dahil hindi lahat ng love story na nababasa niyo ay Happy Ending. Kaya nga may Ending kasi may katapusan, gaya ng kay Romeo and Juliet at sila Anakin and Amidala Skywalker sa Star Wars. Bakit ganon yung ibang tao 'no? Nakakaiyak na nga pinapanood pa 'rin. Parang sa totoong buhay din 'yan, Sinasaktan na nga pinagpapatuloy pa rin, Yung totoo masokista ka 'no? You have to let go, dahil kung hindi, para ka lang tanga na humihila ng pinto na dapat tinutulak pala.

May mga taong mahilig maghanap ng partner na Maganda/Gwapo, Sexy, Maputi, Matangkad, Mapupula ang labi etc. Hoy! Mamahalin ang hinahanap mo hindi isang picture frame na ipang didisplay mo lang at ipapabulok sa kwarto!

May mga tao ding nagsasabing Walang Taong Paasa, Kung Walang Taong Umaasa, Eh g*go ka pala e! Ano sapakan na lang oh! Hindi naman kasi sila Aasa kung kayong mga PAASA walang pinapakitang motibo! Nagawa mo pang magtext ng Hi baby, Good Morning. Eat your breakfast na don't skip your meal, see you later muah :* Kala niya sa kanya lang sinend group message pala! Kung hindi ka ba naman t*nga sana nilagyan mo ng 'GM' sa baba or nag hashtag ka ng pangalan nong taong tinutukoy mo! para malinaw, unggoy ka!

At ito last na, may mga tao din kasing alam ng may karelasyon yung gusto nila pinagsisiksikan pa rin ang sarili nila, hindi ka pala naligo sana nagpahilod ka! nangangati ka e! Naninira ka na nga ng relasyon naging desperada ka pa! Maawa ka naman sa sarili mo mas deserve mo ang ibang tao kesa ipagtulakan mo ang sarili mo sa taong hindi ka naman gusto.

Shattap na ako, madulas ang dila ng author ^+^ last na 'yan Pramis lasang Kamatis. Character's profile is on next chapter.

Snow White And The Seven KnightsWhere stories live. Discover now