Clair's POV

"Fvck This Life! Ang sakit sobra ang mapaglaruan! Akala mo kung sino siyang gwapong paglaruan ang isang katulad ko!? Akala mo ang talitalino niya! Arrrggghhh! I hate him!" Hindi ako yan ah =_=

"Tama ka jan! Akala mo yang mga lalaki ang gagaling manbola! Hindi mo alam yung sadyang paasa lang talaga." mas lalong hindi ako yan

"Akala mo napaka galing nila sa lahat ng bagay. Umiyak ka na lahat lahat wala pa rin sakanila kasi wala siyang pakeelam sa kahit anong nararamdaman mo. Wala silang paki kung meron man masaktan sayo. Tapos kapag nasaktan ka na sasabihin I Need Space? Teng Ene Naman Yan oh! Hampasin ko siya ng Keyboard para malaman niya kung ano ang SPACE! Or kaya sipain ko na lang siya papuntang Mars tutal maraming SPACE dun! Putchang Space yan oh!" Hindi rin ako yan. Hindi ko iiyakan ang mga lalaki. NEVER!

"Wala ka bang masasabi jan?" Hindi ako yan pero ako yung sinasabihan niya.

"Ano naman gusto nyong sabihin ko?" Yan, ako na yan.

"Advice naman jan. Bakit ka ganyan? Ang galing galing mong magbigay ng advice pero NBSB ka. Bitter ka pero hindi ka pa nagiging Broken. Ang swerte mo." sabi naman ng isa kong kaibigan na umiyak kanina.

"Hindi ako bitter. Sadyang matalino lang ako para hindi magpaloko jan sa Pagmamahal na yan." yan ako yan. Tsaka hindi ako swerte. I use only my brain kasi. I don't use my pathetic heart because I know that if one day I'll use it, everything will fall apart.

"Ewan ko sayo! Broken hearted kaming lahat dito pero ikaw easy easy lang."

"Hay, manahimik na nga kayo at magbasa na lang. Or kung ayaw nyo pa rin umalis na kayo sa pamamahay ko!"

Tumayo ako para kumuha ng tubig

"Saan ka pupunta?" tanong nila saaken

"Sa lugar kung saan wala kayo!" pagtataray ko sakanila

At nagtuloy pa sila sa paguusap nila about sa Love.

Kahit ganyan yang mga yan, mahalaga sila saken kasi sila yung tipong kaibigang hindi PLASTIC.

Ayokong pinaguusapan nila yan kasi, una sa lahat hindi ako makarelate. Tama rin kayo ng basa kanina. Yes, I give great advices to people. Pero I've never been in a relationship. I just say those words because it's the right thing to say. It also came from the mind not the heart. 'Cause i never use my heart, only my mind.

Papakilala pala muna ako. I'm Clair Jaxine Dela Vega. 16 years old. 4th year highschool at Granacian Accademy/Granacian University. Class 4-A ako. And I'm the Student Council President sa Buong Highschool and Gradeschool. Iba kasi yung sa college. Si Kuya Blaze kasi yung Student Council President sa College Level.

Si Kuya Blaze Clyde Granacian ang pinsan ko.

Etong school ay pagmamayari ng Mommy ko pero si Tita na yung nagmamanage pati na rin ang Kompanya. Middle Name ko ang Granacian.

Yung mga nagsasalita kanina mga Kaibigan ko yung mga yun. Hindi ko nga alam kung paano ko naging kaibigan yung mga yun.

Yung unang nagsalita ay si Chloe Hairyne Estrellar. We call her Ryne sometimes Chloe.

Yung pangalawa naman ay si Janelle Aubrey Brilliantes. We call her Aubrey

Yung pangatlo naman ay si Shanize Nathasha Park. We call Her Shan. (A/N: Her name is pronouced as Shanice hindi Shanize. Hehe ^_^V)

Yes, NBSB rin ako. No Boyfriend Since Birth. Mataas lang talaga bakod ko pagdating sa Love. I don't want to Love people. Hindi naman ako panget eh. I'm not bluffing when I say this, but mostly all of the people on our school has a thing for me and they want to make a move on me, but as always, I turn them down.

Are you, The One? (On-going)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!