Chapter 26: Could Miracles Happen?

346 10 12
                                    

CHAPTER 26

[Could Miracles Happen?]

Aish. Kakauwi ko lang galing dun sa groupings namin. Nakakapagod talaga! Ginabi na kami, yun tuloy, natrapik na ako. Ok lang naman 'yun, atleast natapos namin yung project diba?

Sayang talagaaaa! Buong araw ko na sana kasama si Randel eh, kaso pumunta-punta pa kasi siya sa birthday ni Hannah. Tsk2.

Hmp, bitter ba? Ahahaha, pagbigyan ko na nga siya, birthday naman ni Hannah eh. Kasoooo, alam ko namang may mangyayari sa pagitan nina Randel at Charizze doon. Yun ang habol ko dun! >//<

Nagkabalikan na kaya sila? Ganon-ganon nalang?

Sigurado nga akong may pictures silang dalawa niyan e, kahit stolen ba naman. Eh kaya ko bang tignan yun??

Well... atleast ako, kahit papano, may souvenir ako ngayong araw! Hihihihi.

*flashback*

Dumating ako sa school kaninang umaga, andun na si Randel. Duh, atat na atat ba naman yun makalayas na sa picture-taking namin sa Luneta, eh nasa school pa nga lang kami! Excited kuya???

Inabot niya agad sakin yung pambayad doon sa mga materials namin. 500 pesos binigay niya. Waw. Sobra-sobra na nga yun para sa scrapbook eh! Well... mayaman naman siya. Alangan namang tanggihan namin ang grasya, eh andyan na. Hahaha.

Pagkatapos nun, wala na, hanggang pasulyap-sulyap nalang ako sa kanya. Si JM nalang ang kinausap niya habang naghihintay sa iba pa naming kagrupo. Buti nga hindi niya ako napapansing wagas kung makatitig! Ahaha, pacute-cute lang me. Hihihihi. Shemaaaay, ang gwapo-gwapo pa naman niya ngayon! Hindi ko maiwasang tumitig sa kanya. Lels, ang lande talagaaa.

Nung kumpleto na kami, nagjeep na kami papuntang Luneta. Isang sakay lang naman 'yun eh, keribels naman namin. As usual, katabi ni Randel si JM sa jeep. Hiwalay silang dalawa samin eh. Oh yessss, sila lang yung lalaki sa grupo namin eh. Ayos ng count-off diba? Wawa naman sila. Haha. Habang eto parin akong wagas kung makatitig sa kanya. What do you expect?

Pagdating namin sa Luneta, takbo agad kami doon sa may parang monument ni Rizal. Gusto kasi naming doon talaga kami pagpapapicture, para Pinoy na Pinoy talaga ang dating! Buti nga wala pa masyadong tao eh, kundi baka napagkalaman kaming mga dayong baliw. Nakakahiya naman!

Nagpapicture na agad kami doon kay kuya guard na nagbabantay doon. Camera ko pa ang gamit. Uy, hindi yung mga sundalong nakabantay kay Rizal dun ha! Ang kapal naman ng mga mukha namin kung ganon. Mga tatlong shot yung pinagplanuhan namin eh. Dalawang formal, tapos syempre hindi mawawala yung wacky!

Yung unang formal, katabi ko si Janelle... tapos nakaupo si JM at Randel, habang kaming mga babae, nakatayo.

*click*

Yung pangalawang formal, change position daw sabi nila! Hindi ko alam saan ako pepwesto. Bahala na, doon nalang din ako pwesto ko kanina. Si Janelle parin sana ang katabi ko, kaso hindi ko nalang namalayang tumabi na pala sakin si Randel sa picture! Si Janelle tuloy, napunta sa likod nalang namin ni Randel.

Omaygassssh! Dumadami ang pisngi ko. :""""""""""""">

Yeeeeeeeees! First picture namin 'to ni Randel na magkasama. Dapat maganda ako dito! :">

*click*

Wacky naman! Hindi na kami nagpalit ng pwesto. Sheesh, hindi talaga ako marunong mag-wacky, nag-pogi sign nalang ako. Ahahaha, pogi naman talaga ako eh. CHOOOOS.

*click*

Tapoooooos, ayoko na,wala na eh. Aalis na si Randel. >//<

Yung picture lang naman yung habol niya sa Luneta eh... tapos magnana-nine na rin kasi. Sasakay na siya ng jeep papunta sa bahay ng isang katropa nila Charizze. Malapit lang naman bahay nun sa school, sakto lang siya makakarating dun.

Forever YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon