Dedicated sa kanya sa pag gawa niya ng bagong cover ng ASKB :) Salamat, i appreciate it

--

UPDATE PO

read and enjoy.

----------------

Chapter 52

----------------

*krrrriiiiiing*

Nagising ako. tinignan ko muna kung anong oras na bago ko sagutin yung telepono. 3 ng madaling araw. Tss. Sino ba yang natawag na yan. Hindi ba nila alam tulog pa mga tao ng bubulabog na agad sila. Grrr. sarap sarap ng tulog ko eh.

Lumabas na ako ng kwarto ko at sinagot yung telepono.

" Hello, ano ba! Ang aga! aga! " naiinis kong sabi. Wala pa kasi ako sa wisyo. Inaantok pa ko eh.

" Alisha " natauhan ako ng marinig ko yung boses na yun. Alam ko kung kanino yun.

" Da-daniel? " sabi ko.

" Sorry kung ngayon ako tumawag, kakadating ko lang kasi dito sa airport. Gusto ko na kasi marinig yang boses mo eh. I miss you bhess " gusto ko ng sumigaw sa sobrang tuwa pero pinipigilan ko lang at baka magising sina kuya at mapagalitan ako.

" I miss you more. Bakit mo naman ako iniwan ng di man lang nagsasabi. Iyak tuloy ako ng iyak " paliwanag ko.

" Sorry, alam ko namang hindi ka kasi papayag. Pero i'm doing this for you. Dahil mahal kita. i want us to be together until when we grow old " sabi niya.

" I love you Daniel, pagaling ka ha " sabi ko.

" Yes, I love you more. SIge, hinihintay na ako ni Danica eh. She's with me kasi. " ewan ko pagkasabi niya nun binaba ko na agad yung phone.

She's with Danica? Hmmm. Selos ba tong nararamdaman ko? Ex sila, at Ex fiance din diba? Hmmm. Magkasama sila, while ako andito lang. Pero I should stop thinking about this things. Mali kasi eh. Kailangan may trust ako sa kanya. that's what a good girlfriend do.

After nun, bumalik na ulit ako sa kwarto at natulog.

~

" Alisha, gising. kakain na " kaya minulat ko na agad ang mga mata ko. 

" toby naman eh, gusto ko pa matulog " sabi ko kahit nakaupo na ako. Antok na antok talaga ako.

" Tumawag kanina si Daniel, mga 7. Tulog ka pa kasi eh kaya sabi niya mamayang gabi na lang daw siya tatawag " -Toby

Ang Sikat kong Bestfriend [Fin]Basahin ang storyang ito ng LIBRE!