1 ~ The Boss

497K 16.6K 21.3K
                                    

Chapter One

PABALIK na sana si Karen at ang mga kasama niya sa Manila ng biglang masira ang van na sinasakyan nila papunta sa paliparan. Isang linggo lang ang nilagi nila sa Bayan ng San Isidro upang magbigay medikal sa mga taong nakaranas at inabot ng pinsala dahil sa giyera sa kabilang Syudad.

She is a registered nurse and currently working in Banchero's Medical Center in Manila. Kasama sa trabaho niya ang mag-volunteer sa tuwing may Medical Mission na ginaganap ang Banchero's Foundation. Ang Bayan ng San Isidro ang napili ng may-ari ng Hospital at Foundation na bigyan ng tulong kaya naroon sila.

"Magliwaliw muna kayo riyan. Aayusin ko lang muna itong van." Ani sa kanila ng driver bago inumpisahang kumpunuhin ang sasakyan.

Ang mga kasama niya ay nagkanya-kanya nang mahahanap ng matatambayan pansamantala habang siya ay naglakad-lakad naman. Mag-a-alas dyes na ng gabi, malamig ang hangin, amoy niya ang tubig dagat. Naglakad pa siya hanggang sa matanaw niya na ang malawak na karagatan.

Wala siyang balak magtungo do'n ngunit may dalawang pigura na nagtulak sa mga paa niya na alamin kung ano iyon.

"Fucking wake up Colton!" Napaigtad siya sa galit na boses na iyon ng isang lalaking nakapaluhod sa buhanginan, tapos may lalaking nakahandusay sa harap nito. "Colton!" He was giving him CPR.

Nagmamadali na lumapit siya dito at nakialam na. Bagamat tila naalarma ang lalaki sa presensya niya ay wala na siyang pakialam. Lumuhod siya sa buhanginan.

"Ilang minuto na siyang walang malay?" She asked the man.

"One to two minutes."

Mabilis na inihilig niya ang gilid ng mukha sa dibdib ng lalaki upang marinig ang tibok ng puso nito kung tumitibok pa kasabay ng marahan na paghawak niya sa palapulsuhan, dinama ang pulso. Pumipintig pa iyon.

"He's unconscious." She declared.

Sinubukan niyang i-revive ang lalaking nakasuot ng overall black rush guard ngunit walang response mula dito sa ginawa niyang CPR. Tila ibang hangin ang nais ng katawan ng lalaki.

Territorial Men 1: Colton Altaraza (Published under LIB Bare)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon