Chapter 5

114 35 8
                                                  


"Ate Ria, Saan ko po ito ibibigay? "

"Ah, ako na po miss. " mabilis na tumayo si Ate Ria para kunin ang hawak kong papel. Mabilis ko rin naman s'ya pinigilan.

"Ako na po. " malaki ang pagkakangiti ko sakanya.

"Sa financial department po Miss." halata sakanyang kinakabahan at pagaalinlangan kung sasabihin ba sa akin o hindi. So... I give her a big smile.

"Thank you!" pagpapasalamat ko at tinahak na ang daan papunta sa financial department.

Nandito ako ngayon sa company namin. I'm on my training. Sabi kasi ni Dad, habang bakasyon ko daw. Why not try to explor the company. Binara ko pa nga s'ya non eh, pero pabiro lang ah!

Sabi ko hindi naman ako explorer.

He want me to read about the company, bisitahin ang mga facilities. Sa ngayon 'yan palang, hindi pa ako pinapapunta sa mga sites, sa mga meeting or pinapagawa na kung ano ano. Hanggang pagbabasa at pagoobserba pa lang naman ang pinapagawa sa akin.

Nang maihatid ko ang financial report sa department nito ay muli akong bumalik sa office ko. Yes, may mini office rin ako dito, katabi ng office ng secretary, sa labas lang naman ng office ni daddy. Muli na namang napatayo si Ria, tila inaabangan ang pagpasok ko.

"Bakit? " tanong ko.

"Po? "

Lumapit ako sakanya. "Ikaw talaga Ate Ria! Sabing wag ka nang mahihiya sa akin eh! Chill lang po!" pagbibiro ko. Hanggang ngayon kasi, ewan ko ba lagi na lang s'yang nahihiya sa akin o di kaya ilag sa akin. Madalas nga ay kinakabahan, kala mo'y ano mang oras kakainin ko s'ya.

"Asan po pala si Daddy? " pagiiba ko ng tanong. Nakikita ko kasing naiilang na naman s'ya. Mas matanda lang naman si Ate Ria sa akin ng kaunti pero mas ako pa ang masyado n'ya ginagalang.

"Ah, pinapasabi po ng daddy mo, libutin mo daw po ang ulit ang marketing department, then magreport ka raw sakanyan kapag tapos n'ya makipagmeeting. "

"May meeting s'ya? " nagtatakang tanong ko. Wala naman akong nabalitaang may meeting si daddy ngayon ah,

"Biglaang meeting po. " sagot nito.

"Tungkol saan? " curious na tanong ko. Anong oras na ah late na ata para sa meeting today. Halos mangunot ang nuo ko sa pagiisip.

"Ah, hindi ko po alam miss-" mabilis akong tumikhim kaya nahinto s'ya sa pagsasalita n'ya.

"Ania na lang kasi. " naka pout na wika ko.

"Ania. " paguulit nito. " Dumating po kasi si Maam Beatrix. May meeting na naman po ata silang dalawa. " napataas ang kilay ko dahil sa huling sinabi nito. Bakit may meeting na dalawa lang sila? Ah! Never mind na nga lang. Baka naman may importante silang paguusapan.

"I see. Sige po Ate. Punta na po ako sa marketing department!" masiglang pagpapaalam ko.

Katulad ng bilin sa akin. Nilibot ko ang Marketing department. Inilibot ko ito at halos lahat ng ginagawa nila pinagmamasdan ko. Nagtitake down notes rin ako, at madalas na magtanong tanong. Marami naman na akong nalaman at may kunti rin akong alam dahil sa course ko kaya hindi na ako medyo nahirapan. 

"Si Daddy?" tanong ko kay Ate Ria ng muling makapasok. Bumalik na kasi ako sa office ng sa tingin ko marami na akong nalaman para sa hapong to. Napabaling sa akin si Ate Ria at muling napatayo. Napailing na lang tuloy ako. Hindi ko talaga bet maging boss.

"Miss nasa loob pa po. " sagot nitong naiilang.

What?! Anong meeting yan!? Inabot ng apat na oras??? Tapos silang dalawa lang? Ugh! Meeting ba talaga?

Ania's StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon