Prologue

310 12 2
                                    




Prologue

Sabi nila mahina ang puso ng tao.

Even a stone heart can be shattered into pieces. Kahit ano pa ang tigas nito, kahit ano pa ang ilag mo, maari ka pa ring masaktan. Ang puso ay marupok. It is fragile. People have slippery hands. It might fall and break.

"Meliz!"

I giggled when I heard my Nanny's voice, looking for me. Lumabas ako ng bahay nang hindi nagpapaalam. Kabilin-bilinan kasi ng aking mga magulang na bantayan ako nang maigi ngunit lagi akong tumatakas. I just want to experience the things that I've never experienced since I was a kid. I just want to play... and feel my freedom.

"Dios mio! Lagot tayo kay Ma'am! Baka nahimatay na 'yon sa tabi!" she cried.

I have a heart disease. I am home-schooled because of my condition. I'm never an introvert but I had no choice. Bawal ako ma-stress. I can't do heavy works, that's why I need some assistance which I actually hate sometimes because I can do it on my own.

"Wala ata siya rito, Ate. Baka nasa kabilang park."

"Pumunta na tayo roon! Natataranta na ako! Kapag naabutan ni Ma'am na wala si Meliz, tayo ang mawawalan ng trabaho!"

For once, I wanted to feel that I'm free. For once, gusto kong maging normal na bata; 'yong nakakalaro ako at walang limitasyon sa lahat dahil wala akong sakit... but is that possible? Of course, no. My heart is weak. I must do everything with limitations or else... I'll lose my life.

Lumabas ako sa aking pinagtataguan. I looked at the kids, playing and having fun together. I'm jealous of them. Wala akong kaibigan simula noon. My cousins are not here. They live far away from us. I am left with the choice of playing alone with my dolls and toys.

"Watch out!"

My eyes widened when I saw a bicycle, approaching my distance. I cover myself using my hands even though I know that it's a useless protection. Mariin akong napapikit dahil alam ko kung gaano kalakas ang magiging impact niyon sa akin ngunit ilang minuto na ang lumipas, wala pa ring bike na bumabangga sa akin.

Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata. I saw the boy, lying on the floor. Mabilis siyang dinaluhan ng kan'yang mga kaibigan at nag-aalala nila itong tiningnan.

Ginapangan ako ng kaba sa aking dibdib nang makita ko ang natamo niyang mga galos.

"Ayos ka lang, Sheal?"

"I'm fine. Nabangga ko ba 'yong bata?"

"Hindi, hindi..."

I froze in my position. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. I want to run away from them and be a coward this time. Sa itsura pa lang nila, sila 'yong tipong nang-aabang ng gugulpihin sa gate.

"Sino ba 'yon? Resbakan ka ba namin?"

Mas lalong nanlamig ang aking buong katawan. Apat silang mga lalaki. They look older than me. I'm alone, so I can't defend myself.

Kahit na natatakot, mas pinili ko na lamang na lapitan sila. They are still busy checking our their friend. Nag-uusap sila roon at tinatanong siya kung ano ba ang nangyari.

"May nakaharang kasi na babae kanina. Hindi niya ako marinig tapos tatanga-tanga pa! Hindi pa umalis nang makita niya ako!" kuwento niya.

Illusion Beyond Imagination (Architect Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon