Banat (batch 14)

543 8 4

Sa mga nagbabasa, kung meron man, ipinagbibili ko po ang gumagawa nito, naka bidding status po, comment lang kayo sa baba, the higher the price, sa kanya mapupunta, nakakaaliw po siya, promise, nakaka in-love! Wahahahahahah! Boom! - Peace CCS! Jowk lang

ABA MATINDE (Part VII)

May 16, 2014

Banat # 105

Nakapikit pa lang, nag-iisip na.

Bumubuo ng mga kataga.

Iyong mababasa pagmulat ng mata.

Magpapasaya sa iyong umaga.

Mapangiti kahit gahibla.

Di man ganun kaganda.

Di ko hangad iyong paghanga.

Pangako ko, di ba?
Hangga't matalas ang memorya

Di titigil kahit paulit-ulit o nakakaumay na.

Parang kape mo na makailang besespa.

Pag-inom ay masarap sa bawat timpla.

Maamoy lang ang aroma ay nakakasigla na.

ABA MATINDE (Part VIII)

Banat # 106

May 17, 2014

Pabaling-baling sa higaan.

Naaalala ang nakaraan.

Nang ikaw naging kaibigan.

Mga unang napag-usapan.

Puro kabaliwan.

Di ko lubos maisip ito kahahantungan.

Lumalim na samahan.

Damdamin naapektuhan.

Ako'y sa iyo nahulog ng walang laban.

Nagbigay sa akin ng kasiyahan.

Kahit alam ko hanggang pangarap ka lamang.

Di maaangkin kailanman.

Kahit ganun man.

Kahit sa ganito lang.

Maiparamdam iyong kahalagahan.

Isa lang ang kahilingan.

Kahit ano pa mapagdaanan.

Ako'y hayaan mo lang.

Pangarapin ka kahit sa malayuan.

May 19, 2014

Banat # 107

Nangangarap, nag-iilusyon.

Na sana nandito ka ngayon.

Katabi nanonood ng telebisyon.

Walang inhibisyon.

Nais ka makarelasyon.

Kahit mahirap ang misyon.

Lahat gagawin mag-oorasyon.

Binisitahin lahat ng poon.

Tatawid sa alambre, kakain ng apoy kahit ano pa iyon.

Kahit ibala pa sa kanyon.

May 20, 2014

Banat # 108

ABA MATINDE (pa din) 

Meron akong nami-miss.

Utak naglo-loading ng mabilis.

Kung puwede ko lang siyang i-kiss.

Sa damdamin naiinis.

Di maiwasang ma-depress.

Sa gabi puyat eyebags ko ang witness

. Pagmamahal ko sa kanya to the highest.

Mas matayog pa sa Mt. Everest.

Siya nagbibigay sa akin ng happiness.

Sana makatabi sa altar with that wedding dress.

Napapakanta I Do ng 98 degrees.

Yes na Yes. 'coz she's all I wanted and cherished.

Pag di siya napasaakin di bale na maging loveless.

Pagtangi ko sa kanya ay endless.

Pagkat siya ang dabest.

I have to wear sunglasses.

Kasi nakakasilaw skin niyang flawless.

Ang lahat ay boom panes.

BanatBasahin ang storyang ito ng LIBRE!