x28: Honesty

200K 2.4K 280

sya^ -si-Chie!! masarap daw toh basahin paulit-ulit? paulit-ulit? paulit-ulit? hehe chos!! thanks for reading PB.. :))

- - - - - -

x28: Honesty 




[CJ's PoV] 


How will I make up with her? 


How will I make up with her? 


HOW THE HELL WILL I MAKE UP WITH RACHEL?? 


Kanina ko pa yan tinatanong sa sarili ko simula nang pumasok si Rachel sa work nya. 


I've decided to tell her the truth. Everything. But I doubt that she will listen to my further explanation. Kanina nga lang nang umpisahan ko nang umamin, tinalikuran na nya ko agad. Nasaktan ko na sya agad. Ngayon, bibigyan nya pa kaya ko ng chance na makapag-explain? Magagawa kaya nya kong patawarin? 


Oh damn.. 


I was spacing out the whole afternoon, mula nang sunduin ko si Andy sa school nya hanggang sa hiramin sya ni Adrian. 


Ah, wait, HINIRAM NI ADRIAN SI ANDY?? 


Shit. Sa sobrang abala ko kakaisip ng solusyon sa problema ko kay Rachel, hindi ko namalayang napa-sige ako ni Adrian nang hiramin nya ang bata. Ugh. 


Kaya pala ang tahimik ng bahay ni Rachel ngayon.. Wala si Andy. 


Patuloy lang ako sa pamumroblema, hanggang sa napagplanuhan ko na magluto lang ng dinner. 


Dinner for Rachel..kaya nagluto ako ng pasta. 


Doon naubos ang oras ko. Sa pagluluto at pag-aayos ng table. 


Until it was already seven in the evening. I know Rachel will be home anytime now. 


Sa living room ako naghintay. Umupo ako pero tumayo rin ako after a few minutes then naglakad. Sa huli, napaupo na lang ulit ako. 


Sana lang.. Sana hindi pa muna uwuwi si Andy. Sana pakinggan ako ni Rachel. 


Maya-maya, dumating na nga sya. 


Napatayo ako bigla nang makita ko sya. "RACHEL.." 


She just looked at me, blankly, sadly, habang dahan-dahan nyang sinara ang pintuan. I saw her eyes starting to get teary. 


Nilayo nya ang tingin nya sakin at kita kong pa-simple syang nag-sigh. 


"A-Andy's with Adrian.." I started. "S--" 


"Alam ko.." mahina nyang sagot nang di nakatingin sakin. "Tinext ako ni Adrian about dun.." 


"Ah.. Ganun ba.. C'mon, kain ka na ng dinner." nilapitan ko sya and I escorted her to the dining room. 


Di naman sya tumanggi. Di naman sya umiwas. Magkatabi kaming naglakad pero there was an immeasurable distance between us. 


Kinuha ko ang bag nya, nilagay yun sa ibabaw ng isang table roon at inasikaso ko sya sa pag-kain. 


Magkaharap kaming pumwesto dito sa mesa. Tahimik lang kami sa upuan namin. Natutulala sya at hindi naman nya kinakain ang hinanda ko. She was just playing it with a fork. 


"Mhie.." tawag ko sakanya. 


"S-Sorry.." her voice was broken. Binitawan nya ang fork sa mesa sabay tayo. "W-Wala akong gana kumain eh.. Akyat muna ko.. E-Excuse me.." 


Papaalis na sya but I swiftly stood up from my seat and pulled her wrist, making her face me. 


"C-CJ.. Please.." Why is she begging? And what for? 


"NO.. PLEASE RACHEL, I WANT YOU TO LISTEN TO ME.. PLEASE.." I tightened my hold on her wrist. 


She reacted like she got defeated, that she had no other choice but to listen to me. 


Para syang nanghina. Napasandal na medyo napaupo na lang sya sa gilid ng dining table. 


"F-Fine.. Let me hear your..your explanation.." she sadly said that with her gaze fixed on the floor.


"I.." simula ko ulit. From her wrist, pinadulas ko ang hawak ko pababa sa kamay nya. "I love you Rachel.." 


Napatingin na sya sakin. But her eyes were still sad. Those eyes looked like they're QUESTIONING my statement. 


"Really Rachel. I really love you." sagot ko sa tanong na nabasa ko sa mga mata nya. 


"T-Then.." her voice was still broken, her eyes still teary. "Then why..why did you kiss another girl??" 


"No Rachel. I didn't kiss her. SHE KISSED ME. And my mistake there was that I LET HER KISS ME." I strongly cleared my side. 


"But it was still a kiss.. On your lips.." 


"AND it was just an acting. It wasn't like I got interested to her. Diba sabi ko naman kanina? Na tinulungan ko lang sya to dump the sicko who was hitting on her?" 


"O-OO.. Acting nga.. T-Tapos nun, nagpakalasing kayo. Now, tell me, what else happened after that?? Did you.. Did you.." she bit her lower lip. She was about to break down. 


But before it happens, lumapit na ko sa kanya, wrapped my arms around her shoulders and hugged her very tight. 


Alam ko.. Alam ko kung anong iniisip nya. 




[RACHELLYN's PoV] 


"O-OO.. Acting nga.. T-Tapos nun, nagpakalasing kayo. Now, tell me, what else happened after that??" ito na. Masakit pero itatanong ko na. "Did you.. Did you.." 


Pero sa sobrang sakit ng nararamdaman ko sa bawat salitang binibitiwan ko, hindi ko na magawang ituloy ang gusto kong itanong. 


Gusto ko na lang umiyak. 


Pero bago pa ko tuluyang maiyak, niyakap na ko ni CJ. 


He wrapped his arms around my shoulders, tightly hugging me while I let myself bury my face on his right shoulder. 


Tamang-tama.. Ganitong comfort ang kailangan ko ngayon sakanya eh.. 


But thinking that CJ is also the one who's making me feel very bad right now, parang gusto ko na sya itulak palayo. Pero gusto ko rin talaga syang yakapin. Pero..ayy di ko na alam.. Ang gulo at ang sakit sa puso. Napa-iyak na lang tuloy ako. 


"I didn't sleep with her, Rachel." H-Huh? Di ko pa nga yun natatanong eh sumagot na sya? "You're thinking about it, right?" 


Sa gulat ko eh napahinto ako sa pag-iyak. 


"Oo, umarte kami na may relasyon kami but we didn't go that far, I swear." medyo lumayo sya para matitigan nya ko sa mga mata. "I wouldn't let that happen anyway. Syempre, iniisip din kita habang kasama ko sya." 


"T-TALAGA..??" para lang akong batang inosente. 


Ngumiti sya sakin sabay pahid sa mga luha ko. "Talaga. Bakit ko naman gagawin yun sa babaeng di ko mahal?" 


"P-Pero..nag-inuman nga kayo diba? At nalasing kayo.. Paano kung.." 


Medyo natawa sya. "Nalasing nga kami. Ay, oo ako, nalasing, pero sya? Ewan ko. Para kasing walang epekto ang alcohol sakanya. But, I assure you, wala talagang nangyari kahit nalasing kami--or AKO. Tanda ko pa nga yung mga pinag-usapan namin eh." 


Tsk. Sinipon na ko. Sniff na ko nang sniff. "Eh ano nga bang mga pinag-usapan nyo? At bakit ka nga ba nagpunta dun? Binalak mo ba uminom mag-isa? B-Bakit naman?" 


He sighed, facing me closer and locking me in between his arms na ni-lean nya dito sa table na inuupuan ko. 


We are very close. Halos maduling na nga ko sa sobrang lapit nya but I like this. I love how we stare at each other this close. 


Then nagsimula na syang magpaliwanag.. 


"First.. Nagawa kong umamin at magpaliwanag sayo ngayon dahil sa mga pinag-usapan namin..dahil sa mga advice na binigay nya sakin. Isa na dun is..dapat maging honest daw ako sayo. So right now, I'm being honest and I'll be honest." 


Titigan pa rin kami..walang sumusuko samin. 


"Second.. Nagpunta ako sa bar para uminom mag-isa kasi..masama ang loob ko. Then there I accidentally met her na syang napagsabihan ko ng sama ng loob ko. Sumama ang loob ko dahil sa mga nangyayari sa inyo ni Adrian.. Nagseselos ako, naiinis ako, natatakot ako..natatakot ako na baka iwan mo ko dahil sakanya.." 


That surprised me.. All this while, I thought na okay lang sakanya ang lahat nang nangyayari samin ni Adrian but then now.. 


"I, I'm really sorry about that Mhie. I know, I was being too unreasonable. Pinipilit ko naman intindihin na kailangan nyong maging malapit para sa anak nyo eh pero di ko lang talaga mapigilan na maramdaman yun.. Ewan ko ba.. Naiinis na nga rin ako sa sarili ko.." 


I feel guilty. Natural lang na maramdaman nya yun diba? Dahil girlfriend nya ko. Tapos ako, na girlfriend nya, ay nagiging malapit ulit di lang basta sa isang EX-BOYFRIEND kundi sa..sa tatay ng anak ko. 


I cupped both of his cheeks with my eyes still fixed on his. "Ako pala ang dapat na nagsosorry sayo eh.. 'Cause I was so dense..so unfair.." 


Yes I was so unfair. Hinahayaan nga nya kong mapalapit sa tatay ng anak ko pero umabuso ako. Hindi ko man lang inisip ang posibleng nararamdaman nya sa mga ginagawa ko.. 


"Well I was unfair too." hinawakan ni CJ ang sang kamay ko na nasa mukha nya. "Di ako agad naging open sayo and I've even done something I shouldn't have..like deleting Adrian's text message on your phone.." 


"H-HAA??? Nag..Nagbura ka ng text ni Adrian??? Sa phone ko???" na-estatwa ako dun. Di ko expected na magagawa yun ni CJ! 


He pouted, slightly nodding. "I DID.. Pero isa lang naman yun.. That time kasi, gusto kita protektahan kasi nga lagi ka na lang nyang nasasaktan. But as time passed by, I realized that it was not the right way to protect you, that it was something VERY WRONG for me to do. So, sorry talaga Rachel.. Please..forgive me.." 


I sighed, keeping my hold on his cheeks. 


Di naman nya kailangang magmakaawa na patawarin ko sya.. 


After all, he has done so many good things to me and to my baby, much more than those mistakes that he has committed.. 


"I promise too, na hindi na ko ulit magiging ganun kabait sa ibang babae." parang bata naman tong si CJ kung magpromise.. "Di ko na hahayaang may humalik saking iba bukod sayo. Di na rin ako babalik dun sa bar na yun para hindi ko na makita ulit si Apple." 


"APPLE??" inulit ko ang pangalang binanggit nya. 


"Yeah, Apple.. Yung babaeng humalik sakin.." 


"Ang cute naman ng name nya.. Maganda ba sya? Sexy?" curious kong tanong. CURIOUS LANG AH! WALANG MALISYA YUN O PAGDUDUDA! 


He chuckled at my question. "HONESTLY? Yes? Maganda sya at sexy.." 


"Psh.." = 3= Pero feeling ko may malisya ang sagot nya.. 


"Hey Mhie??" natatawa pa rin sya. "Maganda't sexy nga sya pero ano naman? She couldn't attract me the same way as how you can attract me. Kahit simple ka pa compared to her, mas malakas pa rin ang appeal mo para sakin." 


"WEHH?!" >//3//< Hinatak ko ang pisngi nya! Psh. Pinapakilig ako na ewan eh. "Pero, promise mo ah.. Di ka na babalik sa bar na yun.. Ayoko nang magkita kayo ulit kasi..ayy basta.." T3T 


"Yes Mhie. I promise you that. Pero ah, thankful ako sakanya. Kung di dahil sa advice nya, malamang hanggang ngayon naglilihim pa rin ako sayo.." 


I stopped from pulling his cheeks. Pinalupot ko na lang ang mga braso ko sa leeg nya. "Ako rin siguro, dapat maging thankful sakanya.." 


"Hm.. Siguro nga.." He smiled, leaning much and much closer to me. "Ngayon Mhie, okay na tayo ah?" 


I nodded. "Pero.. Ano nang kailangan kong gawin para di ka magselos kay Adrian?" 


He just paused. 


"CJ, mahal kita..di kita kayang iwan tulad ng ikinatatakot mo at ayaw ko ring nasasaktan ka dahil samin ni Adrian kaya sabihin mo..ano bang dapat kong gawin??" 


"Nothing much.." nakangiting sagot nya na nagpa-lito sakin. "Just say that you love me and..that's all." 


"EH? Y-Yun lang?" nagulat ako. Iba kasi ang inaasahan kong magiging sagot nya. 


"Oo, yun lang. Isang 'I love you' mo lang, mabilis nang mawawala yung selos ko.." 


"SERYOSO KA??" di pa rin talaga ko makapaniwala! Akala ko hihilingin nya na bawasan ko ang pagiging malapit ko kay Adrian pero nagkamali ko. 


"Ahuh.. I AM SERIOUS.." bulong nya sabay dampi ng mga labi nya sa pisngi ko. "I love you Rachel.." 


Napangiti ako. I feel so lucky that a very understanding guy like CJ is loving me this much. 


I turned my head to face him. "I love you too, CJ." 


He smiled back at me then slowly pressed his lips against mine. 


We kissed, gently and sweetly. Ang sarap nga lang talaga nang ganito, lalo na pag may problema kaming naaayos. 


But this kiss..this kiss feels kinda different. I do love it but there is something wrong with it. Di ko nga lang alam kung ano ba yun.. 


We just kept on kissing in spite of that thought. I held on his shoulders and allowed him to deepen our kiss. 


*dingdong-dingdong!* 


We heard it but that didn't stop us from kissing. Patuloy lang ako sa pagsagot sa bawat galaw ng mga labi ni CJ. 


*dingdong-dingdong-dingdong-dingdong-dingdong!* 


Woah. WAS THAT 5 CONSECUTIVE DOORBELLS?! 


Huminto na tuloy kami ni CJ at natawa kami pero ganun pa rin ang pwesto namin sa mesa. 


"Malamang sina Andy at Adrian na yun.." sabi ko. 


Tumango sya nang nakapout. "Puntahan mo na.. Invite mo na ring kumain dito si..si Adrian.." 


Nase-sense ko na.. Nagseselos na toh ulit! 


"Dhie.. I love you." sabi ko sabay bigay ng smack sa lips nya. 


Natawa sya. "I know, I know. And I love you too. Tuloy na lang natin mamya ang halikan natin." sabi nya sabay pinch sa ilong ko. 


EH TEKA! Di pa pala tapos ang paghahalikan namin?! O///O 


"Hurry Mhie. Wag mo paghintayin nang matagal ang mag-ama dun." inalalayan nya kong tumayo mula sa mesa. Hay naman. 


"Opo.. Ito na po." =//3//= 




[ADRIAN's PoV] 


Ang tagal naman. Kainis na ah. 


Ilang minuto na ko nandito na buhat-buhat ang tulog kong anak at ilang beses na ko nagdoorbell pero wala man lang sumasagot?! Bakit wala eh nandito si CJ?! Nandito nga sa labas yung kotse nya oh! 


Magdo-doorbell na sana ko ulit nang nagbukas na ang pinto. Si Chelle ang lumabas. 


Nandito na pala sya. So, magkasama pala sila ni CJ sa loob ng bahay.. 


"SORRY! Natagalan ako lumabas! Hehe.." nagmadali syang pagbuksan kami ng gate. 


At nakangiti sya ah.. 


'Makuntento ka na lang sa relasyon nyo ngayon. Kasi kita mo naman. MASAYA NA SYA DIBA?' 


Argh.. Bigla namang umepal sa utak ko ang sinabing yun ni Ate Hazel.. 


"Hala! Tulog na ang baby ko.." naka-pout na bati ni Chelle. Kinuha nya si Andy mula sakin. 


"Sobrang napagod kanina eh.. Kaya ayan, nakatulog na sya on the way.." paliwanag ko. 


"Ikaw rin Adrian, mukhang pagod. Pinagod ka nito noh? Hehehe" ^3^ 


Tanungin ko na kaya sya ngayon? Sabihin ko na kaya sakanya na mahal ko sya at gusto kong mabuo na ang pamilya namin? 


'Ikaw, bahala ka. Pag pinilit mo yun, panigurado..may masasaktan lang sa inyo..ulit..' 


TSK! SI ATE HAZEL NAMAN KASI! Bakit ba kontra sakin ang payo nya?! 


"Adrian." tawag sakin ni Chelle. "Tara kain tayo ng dinner sa loob." ^3^ 


Dinner.. Sa loob ng bahay nya.. Kung saan nandun si CJ.. Si CJ na nagpapasaya sakanya.. 


'Makuntento ka na lang sa relasyon nyo ngayon.' 


'MASAYA NA SYA DIBA?' 


'Panigurado..may masasaktan lang sa inyo..ulit..' 


"Adrian..." tawag ulit ni Chelle. Mukha syang nag-aalala. "Ayos ka lang ba? Natulala ka na?" 


"Ahh oo. Ayos lang ako. Ano, kasi, nalimutan ko pala sa bahay yung ano..yung damit at towel ni Andy. Dalhin ko na lang pag napa-laundry ko na ah?" 


"Okay.." ngumiti sya ulit. "Tara na sa loob?" 


"Ha? Bakit?" pagtataka ko. 


"Anong bakit? Niyaya kitang magdinner diba?" O.o 


"Ay. Oo nga pala! Hehe! Ehh hindi na, salamat na lang. Kumain na kami ni Andy kanina eh." Pero si Andy lang talaga ang kumain kanina, ako hindi pa. =___= 


"Psh.." nagpout na naman si Chelle. Pero ngumiti rin sya agad. 


Ang ngiti nya.. 


Ayoko nang mawala ang ngiti nyang yan.. 


At para di na yun mawala, para di na sya masaktan ulit...hindi ko na dapat ipilit ang gusto kong mangyari samin.. 


Tama nga si Ate Hazel. Dapat makuntento na lang ako. 


"Uwi na ko." paalam ko sakanya pero lumapit pa ko muna sakanila at hinalikan si Andy sa noo. "Bye." 


"Sige.. Ingat ka sa pagdrive ah??" 


Ngumiti ako at nag-nod kay Chelle. "Goodnight." 


"Goodnight din." :)) 


Tumalikod na ko at nagtungo sa kotse ko. 


Bago ko sumakay roon, nilingunan ko pa ang bahay ni Chelle. 


Nandun pa pala sila sa labas. Nakakatuwa sila tignan, niwe-wave kasi ni Chelle yung kamay ni Andy eh tulog na nga yun. Pasaway lang na nanay eh noh. 


Sumakay na ko ng kotse. Nakita kong pumasok na rin ng bahay sina Chelle pagkasakay ko. 


Hayy.. 


Sana dumating pa rin yung time na iisang bahay lang ang inuuwian namin. Yung di na ko umaalis tulad ngayon. Yung tipong pag-uwi ko eh sila ang makakasama ko. 


AHHH HAHAHAHA TAKTE.. ANG DRAMA KO! HINDI BAGAY SAKIN! HAHAHAHA-hayy.. 


Mukha akong tanga. Ngayon naman tumatango-tango ako mag-isa dito. Hahaha taena talaga.. 


Huminga na lang ako nang malalim. Tatanggapin ko na lang din toh. Ito ang consequence ng mga katangahan ko noon kaya sige.. Sige lang.. 


'Hayaan mo na lang na mangyari ang mga dapat na mangyari basta ikaw, gawin mo lang kung anong dapat mong gawin.' 


Ganun na nga lang siguro.. 


Gagawin ko na lang ang kung anong dapat kong gawin, bilang ama ni Andy at bahala na.. Bahala na kung ano na ang mga dapat na mangyari sa buhay ko..sa buhay namin nina Chelle.. 




xxxxxx TBC~ 

tss..sowrie sa mga maka-Adrian!! ehe XDD woooh! half-through na tong PB.!! Yey!! Hahaha waaa shemms.. 'HALF'-through pa lang pala ko.. TQT 

AT TATLONG READERS NA!! Haha!! I mean, SALAMAT SO MUCH NA! SA NAGREAD AT MAGVOVOTE & COMMENT!! v^_____~v

Playboy's Baby (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!