Chapter 7: Bestfriend's Kiss

10 0 0

MH Chapter 7: Bestfriend's kiss

Thalia's POV

*Creeekkk*

Luh, ano ba ang ingay! Nakapikit parin ang mga mata ko, nakahiga parin ako sa kama ni Friend, eh sa pagod ako eh.

*Creeek* tap*tap*

Napag isipan ko ng buksan ang mga mata ko, kanina ko pa kasi akong may naririnig na kakaiba dito sa kwarto eh. Nung binuksan ko ang isa kong mata, madilim na pala, siguro mga 6 ng hapon na.

May kung anong nangangalaykay sa may study table ni friend.

iiiiiihhhhhh, puro naka itim baka—baka m—ulto.

Patay na, katapusan ko na talaga! Dahan dahan akong umalis sa kama. Kailangan kong makalabas dito. Eh wala akong makita eh, ang dilim.

Malapit na ako sa pinto, konti nalang.

*Creeek*

Lumingon siya sa akin!!!!!

"Kyaaaaaaaaaahhhhh Tita!!!" Kinapa-kapa ko ang pinto pero hindi ko talaga mahanap ang doorknob.

Lumingon ako pabalik sa naka itim, papalapit ng papalapit sya sa akin.

Wala na akong nagawa, handa na akong mamatay. Umupo na ako sa sahig habang nakapikit ang mga mata ko. Lord take me na! Ayoko na! Nakakatak—

*Blaaaaggggg*

Ibinuka ko yung mga mata ko, at may naaanigan ako na liwanag, langit na ba ito? Patay na ba ako?

*Slap*

"Aa—ray, sakit nun ah." Nasa harapan ko na si Friend at si Tita.

" Iha, bakit sumigaw ka? Ano bang nangyari?" Sunod sunod na tanong ni tita sakin.

"Hoy, babaita? Gumising ka nga sa realidad? Ano bang nangyari sayo, bakit sigaw  ka ng sigaw? At tsaka bakit na lock yung pinto ng kwarto ko?" Ano na to? Question and answer portion ng isang pageant?

Nakatulala lang ako, parang isang iglap lang nawala yung naka itim, at biglang pumasok si Friend at tita.

" Halika ka na nga iha, punta tayo sa sala, bibigyan kita ng tubig" pag aya sa akin ni tita.

" Ma, ako na bahala kay Thalia." Saway niya sa mama niya, at tumingin ulit sakin. " Halika ka na babaita" inalalayan niya akong makatayo at pati sa pag baba sa hagdan patungo sa sala. Natulala na naman ako, hindi dahil sa nangyari kanina, kundi dahil sa pag tawag nya sa sariling pangalan ko. Yeeieiiihhh kinikilig naman ako (≧▽≦) parang may sumasabog na confetti sa utak ko.

Nakaupo ako sa sofa ngayon,habang si friend naman ay pumunta sa kusina para kunin ako ng maiinon. Habang nagmamasid ako sa paligid.

"So you're Ms. Thalia" lumingon ako sa nagsalita. Katabi ko siya ngayon pero hindi ko napansin kanina na may umupo. Tumingin lang ako sakanya. " Nice meeting you Ms. Thalia, I'm the P.A of Ms. Ali" inilahad nya ang kamay nya sakin, para makipag shake hands.
Pero tiningnan ko lang din ito.

" Tigiltigilan mo nga yang pagiging formal mo Claire, nakakasuka. Hindi naman sya nagtatanong. Tabi ka nga dyan" biglang dumating si friend na may dalang pagkain at tubig. Tumayo na din yung P.A ni friend at nagkibikit balikat.

"Claire, paki tawagan nga si Ian, sabihin mo na puntahan dito si Drake at sya na ang magpasyal sa kanya." Utos ni friend sa P.A niya. Tinawagan naman din niya kaagad si yung si Ian. Teka nga nakalimutan ko, sino ba si Ian?

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!