Chapter 6: Wet Market

13 1 0

MH Chapter 6: Wet Market




Alizah's POV

"Ma may pupuntahan ako ngayon, ako na ang magluluto mamayang dinner" hindi na kumuntra si mama sa gusto ko. Narito kami sa dining kumakain ng breakfast, kakagising lang din ni babaita.

"Sama ako friend, wala naman akong magawa dito sa bahay, at isa pa para mag bonding tayo"

"Oo nga anak, isama mo nalang si Thalia" pag sang ayon ni mama.

Pagkatapos kong maligo sumunod na din si Thalia sakin. Tumingin ako sa salamin kung okay lang ba ang suot ko. Nakasuot ako ng sleeveless, jeans, vans authentic shoes, glasses at headphones. Ang buhok ko naman ay messy bun. Okay na siguro to, ano bang paki nila? Tsk, talagang hindi ko lang gusto ma expose yung identity ko

"Babaita, bilisan mo diyan, alam kong mabagal kang magbihis"

"Oo na, patapos na po"


Dumiretso na ako sa garage at pinaandar ang Audi ko, tiningnan ko kung may gasgas ba, halos inikot ko lahat ng exterior nito, pero wala naman.

Binuksan ko na ang garage para ilabas ang Audi ko. Pinark ko ito sa harap ng gate namin.

10 minutes passed

*Beeeeeppp*beeeeeppp


Ang tagal naman ni babaita. Kanina pa ako kakahintay dito sa kotse. Bubuksan ko na sana ang pintuan, ng biglang pumasok si babaita sa backseat.

"Dito ka nga sa shot gun seat" lumabas naman kaagad siya at lumipat sa shot gun seat.


Tahimik lang akong nag drive, papunta sa pupuntahan namin. Tiningnan ko suot niya.
Papalit palit ako ng tingin sa suot niya at sa daan.

Naka dress siya, tapos naka heels maybe 3 inch, at nag dala ng pouch bag. Ano to? Hindi ko alam ang sinusuot niya, bakit yan? Kung alam niya lang sana kung saan kami pupunta.


Malapit na kami, naghanap ako kung saan may bakanteng parking area, yung walang ka tao tao.

"Wait pupunta tayo diyan?" Turo niya sa palengke sa kabilang side ng kalsada.

"Oo, saan pa ba ako bibili ng ingredients para mamayang dinner?"

"Bakit dito pa? Meron namang supermarket sa mall. "

"Gusto ko dito kasi gusto ko presko ang bibilhin ko, at tsaka bakit ka nag rereklamo? Hindi naman ikaw ang magluluto ah?"

Wala na siyang magawa, at sumunod na sa akin, habang tumatawid kami sa kalsada, nakakapit sa akin si babaita, parang takot tumawid.

Uuna kami sa mga nagtitinda ng karne. Dahil basa ang sahig dito sa mga nagtitinda ng karne at isda, padahan-dahang lumakad si babaita, tatalsik kasi ang tubig kapag mabilis kang maglakad og tumakbo.

Chill lang akong naglalakad habang siya naman nasa likod ko ika ng ika. Dadaan na kami sa may isdaan, konti nalang malapit na kami sa nagtitinda ng karne.


"Kyaaaaahhh!!!!"

Napalingun ako ng biglang may sumigaw.

"Get it off, get it off!" Nandidiri na sabi ni babaita.

"Ma'am kalma lang po" pagpapatahan ng tindero kay babaita habang nahihirapan siya kuhain ang isda na sumablay sa damit ni babaita.

Aba malay ko ba na gusto siya ng mga isda. Buhay pa siguro ang isda kaya tumalon ito at nasabit kay babaita— ay este sa damit niya pala ang sumablay ang buntot ng isda.

Mafia HeiressBasahin ang storyang ito ng LIBRE!