Chapter 11: Boyfriend Nya Ako

13 1 0

Alexandra's POV

Okay, nandito kami sa pool ngayon ni Daniel. Nandito lang kami sa bahay dahil may liwanag pa. Saka pool naman tong nirentahan ni Daniel. Ohh sosyal db?!. At oo nakikipag-asaran na sa akin si Daniel. Galing db?!. Dati sobrang boring nya tapos ngayon nakikisakay na sya kapag inaasar ko sya. Tss. Ayos to. Mukhang magiging magulo to.

"Aray ko naman!. Kanina ka pa ha Daniel!." sigaw ko sa kanya. Pano ba naman water canon ball daw yung ginagawa nya sa akin. Sinasabog nya sa mukha ko yung tubig. Bait nya noh?! Psh.

"Suko ka na Xandra?." sabi nya na nakasmirk. Bwiset!. Maalam pala to ng smirk. At ang pogi nya kapag nakaganun sya. -.-

"Oo talo na ako. Suko na ako ok?." Sabi ko sa kanya na akmang aahon na sa pool. Pagod na kase ako noh. Umahon na din sya tapos hinigit ako at binuhat pang kasal.

"A-ano ba Daniel!. Acccckkkk!." yun, tumalon kami sa pool habang buhat nya ako. Bait nya talaga noh?!. Sobra!. "Hahaha!. Ang saya yun Xandra. Gawin ulit natin. Hahaha!." tawa sya ng tawa. Ngayon ko lang sya nakitang ganyan ang tawa. Sure natawa sya dati, pero ngayon ko lang sya nakitang tumawa na ganito kacarefree.

"A.YO.KO NA." sabi ko sa seryosong boses. Tapos sya tawa pa din ng tawa. Kase naman pano kung sa pagtalin namin mahubadan ako ng two piece ko. Hindi nya man lang yun naisip. -.-

Umahon na ako at sumunod naman sya. Magdidilim na saka nagugutom na ako. "Oy Padilla maligo at magbihis ka na, ako na lalabas para magorder ng pagkain." sabi ko sa kanya habang binabalot ko ng towel ang buhok ko.

"Sasamahan na kita, padilim na ohh. Baka kung mapano ka. Madaming lasing ngayon." sabi nya sa akin ng may pagaalala sa tono nya. Okay.. Concerned sya sa akin kasi.. Alexandra wag na umasa. Tour guide ka nya kaya concerned yan. Wala nang ibang reason!.

"O sige. Dalian mo ha!. Kapag nauna ako sayong matapos iiwanan kita dito at lalabas ako magisa. Konsensya mo na kung may makasalubong akong lasing tapos may mangyaring masama sa akin!." sigaw ko sa kanya at sya naman, tatawa-tawa lang.

Pagkalabas ko ng kwarto nasa living room na sya nagaantay. "Wow ha, talagang ayaw mo maiwan ha.". biro ko sa kanya. "Oo naman, wala na nga akong girlfriend, mawawalan pa ba ako ng tour guide?. Di na ata ako makakapayag nun." sabi nya sa akin nang nakangiti. Ako naman di ko alam sasabihin ko kaya ang tangi kong nasabi ay "Korni mo.Tara. Gutom na ako." sabay lakad papuntang pinto.

Pinigilan nya akong buksan yung pinto, instead sya ang nagbukas. Psh, pagentleman effect. Hahaha. Pumunta kami sa isang resto na medyo malayo-layo sa bahay.

Nakarating na kami sa resto, nagorder na din kami, ipapatake out na lang namin since madaming tao sa resto. "Pupunta lang akong CR Xandra." sabi sa akin ni Daniel. Tumango lang ako, inayos nya lang cap nya tapos pumunta nang CR.

May bumunggo sa akin sa likod kaya lumingin ako. Shit. Hindi pwede to. Bakit sila nandito?!. "Alex." Sabi ni Terrence. "Rence." sabi ko naman. Para akong binuhusan ng malamig na tubig. Almost 1 year ko na din syang di nakikita.

"How are you?. Bakit ka nandito?. On vacation ka?" tanong nya sa akin. "Ok lang naman. Yeah, bakasyon ko." sabi ko nang walang.gana. Ugh!. Bakit ngayon ko pa sya nakita?!. Bakit ang tagal ng order namin para makaalis na ako dito!.

"Sweetie." may biglang lumapit kay Rence na babae. "Alex?!. Wow, hi. Ang tagal nating di nagkita." sabi nung babae. Psh. Talagang ayokong makita kayo. Psh. "Yeah, hi Gwen. Long time." sabi ko na with no emotion. Psh.

"Are you with someone or alone?." tanong ni Rence sa akin. Bakit ba hindi ako makatingin ng deretso sa kanya?!. I hate this!. >.<

"Actually I'm with my-" nabigla ako nang biglang may humawak ng bewang ko at biglang may humalik sa pisngi ko. Naamoy ko yung pabango nya kaya hindi ako pwedeng magkamali. Sya nga to.

"Sorry babe, ang daming tao sa CR kaya ngayon lang ako. Oh, my mga kausap ka pala." sabi nya biglang baling kina Rence at Gwen. "I'm Daniel, Xandra's boyfriend. Nice to meet you." sabi ni Daniel. Kinuha naman ni Rence ang kamay ni Daniel na may pagtataka sa mukha, ganun din si Gwen.

"I'm Terrence. Rence na lang. Friend ako ni Alex. And this is my girlfriend Gwen. You look familiar by the way" sabi ni Rence. Ngumiti lang naman si Gwen. Ugh!. Feeling ko dudugo tenga ko twing nariring ko na girlfriend nya si Gwen. >.<

"Oo nga, siguro dahil ordinaryo ang mukha ko pati madami akong kamukha kaya parang pamilyar" pabirong sabi naman ni Daniel. Di nya a alam .a baka makahalata sina Rence at Gwen?!. Ugh!. Padilla!. Tense na tense ako dito na baka makilala ka tapos ikaw mukhabg chill lang jan at nakipagchikahan ka pa!.

"So, may boyfriend ka na pala Alex?." tanong sa akin ni Rence. Nabigla ako sa tanong nya. Ano bang dapat kong sabihin?. Oo?. O hindi?. Ugh!. Sa tono nya kase parang nanghihinayang sya!. "A-ahh oo, boyfriend ko sya." bigla ko na lang nasabi. Hindi ako makapag-isip ng maayos!.

(Ma'm eto na po ang order nyo. Salamat po)- crew sa resto

Saved by the bell!. Sa wakas makakaalis na kami. Para akong sinisilaban twing kaharap ko sila!. "Ahh sige Rence, Gwen alis na kami. Nice seeing you again" ngumiti ako ng pilit, sabi ko na parang nagmamadali. Alexandra wag kang pa-obvious.

"Sige, nice seeing you too Alex and nice meeting you Daniel." sabi ni Rence.Tumango at ngumiti lang naman si Daniel. Naglakad na kami ni Daniel na hawak yung kamay ko.

Hindi ako nagsasalita buong dinner namin, mukhang gets naman ni Daniel yung mood ko kaya hindi rin sya nagsasalita. Mamaya ko na ikukwento sa kanya kung bakit naging ganun reaksyon ko kanina. -.-

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!