Chapter 7: Magkaiba Kami

15 1 0

Alexandra's POV

"Bilisan mo nga jan Daniel!. Ang bagal mo!." sigaw ko kay Daniel. Ang tagal ba naman magbihis. Ayaw nya talaga siguro nung floral. Hahaha. Sinadya ko yun, para magmukha syang matandang ewan. Hahaha. Kalimitan kase matanda nagamit ng floral shirt. Nakakatawa sya, hindi naman talaga halatang si Daniel Padilla sya kapag nakasuot sya ng normal clothes nya. Napaka uto-uto nito para maniwala sa akin. Hahaha.

"Hoy Daniel natabunan ka na ba jan ng floral shir-" napatigil ako nang bigla syang lumabas ng kwarto nya. "Pangit ba?. Hindi na ba ako makikilala nito?. Okay lang sa akin ang floral shirt?." tanong nya sa akin. Anak naman ng pitongput pitong puting tupa!. Bakit ba napakagwapo nito?. Ang goal ko dito magmukha syang pangit at matanda. Bakit ganito ang kinalabasan?. Lalo syang pumogi ehh. O gutom lang to kaya mukha syang pogi sa paningin ko?. Psh.

"A-ayos na yan. Tara na. Gutom na ako ehh. Ang tagal mo, daig mo pa ang babae sa tagal mong magbihis." sabi ko sa kanya biglang iwas ng tingin. Ugh!. Gutom na nga talaga ako!. Kung ano-ano na nakikita ko ehh!. Sinuot nya na yung shades at cap nya na pang summer. Yun kase yung pinili ko. Akala ko kase papanget sya kapag yun pinasuot ko, lalo lang pala syang pumogi nagsayang lang ako ng effort para papangitin sya. -.-

Pumasok kami sa isang resto malapit sa bahay na nirentahan namin. Umorder na kami.

"Ano nga pa lang trabaho mo dun sa pinagtatrabahuhan mo?." tanong sa akin ni Daniel. "Taga encode ako ng mga documents sa office, parang secretary." tumango lang sya. Biglang dumating yung order namin kaya naman kumain na muna kami. Tahimik nga namin kumain, mukhang gutom na gutom na din si Daniel kaya hindi ako chinichika. :)

"Uhm, DJ na lang itawag mo sa akin tutal close na naman tayo ehh." bigla nyang sabi out of the blue moon. Psh. "Ayoko, mas gusto ko ang Daniel, para ano pa at yan ang itatawag ko sayo?. Para maalala mo si Kathryn?. DJ... (imitate Kathryn's voice)

"Hindi naman sa ganun, pero sige kung gusto mong Daniel lang itawag mo sa akin wala namang problema." sabi nya nang nakangiti habang iniinom yung iced tea nya.

Kita ko sa mga mata nya na nasaktan sya. Hindi ko naman sinasadya, ayoko lang na iexpect nya na gagayahin ko yung mahal nya for his own benefit. Kaya nga sya tumakas sa mundo nya para makalimutan yung si Kathryn db?. Bakit ko naman gagawin yung mga nakasanayan nang gawin ni Kathryn sa kanya kagaya ng pagtawag sa kanya ng DJ. Hell no!.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos nyang sabihin yun. Natapos na din kami kumain at bumalik sa bahay. Inaantok ako kaya tutulog ako. "U-uhm, tutulog ka na ba?." tanong ni Daniel. Duh?. Obvious ba ehh papunta na akong kwarto?.

"Oo. Iidlip lang ako. Mamaya tayo mamasyal, alam kong napagod ka sa pagdadrive kanina at ako naman napagod sa kakaupo sa kotse kaya tutulog muna ako." sabi ko nang walang gana. Ano ba naman kase to. -.-

"S-sige. Mamaya na lang ha. Pati y-yung kanina, hindi ko naman sinabi na gayahin mo si Kath na tawagin akong DJ. Sorry ha. Yun kase talaga ang tawag sa akin ng nga kaclose ko ehh. Sa palagay ko naman close na tayo db?." tanong nya sa akin na medyo kinakabahan.

"Okay lang, ayoko kase na parang ginagawa mo akong ibang tao para sa benefit mo. Wag mo hanapin sa katauhan ko si Kathryn kasi magkaiba kami, magkaibang magkaiba kami Daniel. Yun lang naman, oo naman, medyo close na tayo. Geh na, iidlip na muna ako" sabi ko sa kanya nang nakangiti. Naging OA din naman talaga ako kanina kaya pinatawad ko na. Kawawa naman kase ehh. Broken hearted na nga aawayin ko pa. May konsensya din naman ako kahit papano, naramdaman ko din naman yung nararamdaman nya ngayon kaya naiintindihan ko sya.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!