Chapter 6: Disguise

20 1 0

Daniel's POV

Nasa may Batangas na kami. Drive lang ako mg drive habang si Xandra kinukutingting mga cd dito sa sasakyan.

"Ano ba to, puro The Beattles naman mga cd dito. Wala bang bago man lang?. Puro luma ehh. Psh." reklamo ni Xandra.

"Ganyan talaga mga trip naming.mga cd. Favorite band namin kase namin yan." sabi ko naman. Tumango lang sya. Namayani ang katahimikan sa kotse.

"Dala mo ba phone at laptop mo?." sabi ni Xandra. "Oo yung phone ko nasa akin, yung isa kong laptop nanjan sa likod ng kotse. Bakit?." tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka naman. Hoholdapin nya kaya ako?. May sweldo na naman sya db?.

"May tracker ba yang phone mo at laptop mo?. Pahiram ako, i-off natin para hindi tayo matrace ng mama mo o kaya ni Kathryn, kung hinahanap ka nya." walang gana nyang sagot sa akin. Aray ko naman, parang sinabi nya na din na hindi ako hinahanap ni Kathryn ahh -.-

Ibinigay ko naman yung phone ko at kinuha nya sa backseat yung laptop. Agad nyang ini-off ang tracker. Matalino pala tong babaeng to. Hindi ko man lang naisip yun ehh. -.-

"May mga dala ka na bang damit?." tanong nya pa sa akin. "W-wala ehh. Bumili na lang tayo doon sa pupuntahan natin." sabi ko naman. "Ako pipili ng mga isusuot mo. Nakikita ko dito sa mga internet na white, black, o gray shirt ang malimit mong suotin. Dapat ibahin natin ang style mo para hindi ka makilala." sagot nya sa akin na nakatingin pa din sa laptop ko.

"Nagconcert ka sa Araneta?. 2 beses pa?. 0___0" tanong nya na gulat na gulat. "Bakit di ko alam?." dagdag nya pa. "Di ko alam sayo. Masyado ka sigurong busy sa buhay mo kaya hindi ka updated sa nga nangyayari sa paligid mo." saad ko sa kanya. Nakakapagtaka nga naman kase talaga, imposibleng hindi nya ako kilala. Artista ako at sikat ako, bakit hindi nya ako kilala?. Ganun ba sya kaignoranter para hindi nya malaman ang mga ganung bagay?.

"Oo, abala nga ako sa buhay ko saka wala akong pakelam sa buhay nang may buhay. Nahired lang naman ako bilang tour guide mo ehh kaya ako nandito. Wala akong pakelam sa buhay ng iba, buhay ko nga pinoproblema ko na ehh tapos mamomoroblema pa ako ng buhay ng iba?. Masyadong nakakapagod yun." sabi nya.

Hindi na lang ako umimik. Tama naman sinabi nya, hindi dapat pinoproblema ang buhay ng iba. Tss. Masyadong matalino si Xandra para kausapin.

Makalipas ang dalawang oras nasa Laguna na kami. Nandito kami sa La Grande Resort. Maganda ang place at napaka peaceful. Nirentahan namin ang isang parang style ng bahay dito. Malaki naman at may dalawang kwarto. Magsisimula na ako magrelax. Inaayos ko ang hihigaan ko kase plano ko iidlip muna ako bago mamasyal.

Pahiga na ako nang may biglang pumasok sa kwarto ko. "Hoy Padilla. Mamimili tayo ng susuotin natin, bumagon ka jan. Mamaya ka na matulog." sabi ni Xandra biglang sara ng pintuan. Inaantok ako ehh. Pwede naman mamaya na lang. -.- Tumayo na ako at baka iwanan pa ako nun at hindi pa ako makabili ng damit ko. Hindi naman ako pwede umalis ng magisa dito baka mahalata ako ng ibang tao.

Sinuot ko na yung cap at shades ko. Meron din palang mga bilihan dito sa. resort ng mga damit, pasalubong, ect.

Kinuha nya yung mga may print na shirt at meron ding mga floral. "T-teks Xandra. Floral?. Bakit may ganyan?." tanong ko sa kanya. Hindi naman kase ako nag-gaganyan ehh. -.- "Db hindi ganito mga isinusuot mo?. Kailangan nga natin ibahin style mo. Kung yung mga sinusuot mo dati ang bibilhin natin may posibilidad na mabuko ka. May mga tao din dito kahit tahimik. May mga nagbabakasyon din dito, baka makilala ka." bulong nya sa akin habang tumitingin pa ng mga floral na shirt. -.-

"Ehh kasi, pangbading naman ang mga yan ehh. -.-" bulong ko sa kanya. "Ibig sabihin bading si Mayor Atienza kase nagfofloral sya na damit?. Saka si Billy Crawford at Jhong Hilario?. Isusumbong kita kapag nakapunta akong showtime. Sasabihin ko kay Billy at Jhong na bading sila kase bakafloral silang damit, sasabihin ko sabi mo." nakasmirk nya na sabi. Babae ba talaga tong si Xandra?. Bakit nakasmirk?!.

"O-oo na. Isusuot ko na yan. May magagawa pa ba ako?." sabi ko na defeated ang tono.

Nakapamili na din sya ng mga isusuot nya, pati nga shades nakabili na din sya. May pinili din syang swim wear nya. Yung high waisted ata yun. Basta di ko na lang pinansin. Binayaran ko na yung napamili namin tapos bumalik dun sa bahay na nirentahan namin.

"Di pa ba tayo kakain?. Di ka oa ba magluluto" tanong o sa kanya. Aba lagpas alas dose na. Nagenjoy ata sya sa pamimili ehh.

"Hindi na ako nagluluto ehh. Hindi na ako marunong." biglang iwas ng tingin na sabi nya. "So, di ka na marunong?. Pero dati marunong ka?." tanong ko na parang nagtataka.

"O-oo, kinalimutan ko na magluto." walang gana nyang sabi. Pwede ba yun?!. Kalimutan ang pagluluto?!. "Sa inyo mama mo ang nagluluto kaya hindi ka na marunong ngayon?. Ganun ba?." tanong ko sa kanya.

"Wala na akong nga magulang, patay na sila ehh. Mag-isa lang ako sa bahay at nabili na lang ng pagkain sa karinderya." sabi nya habang tintiningnan nya mga pinamili namin. "Ahh ganun ba, sorry kung mausisa ako. Ako ba di mo tatanungin kung marunong akong magluto?." tanong ko pa sa kanya. Para kaseng ako lang ang interesado sa buhay nya. Parang hindi sya nagtatanong tungkol sa akin. -.-

"Alam kong nagluluto yung nanay mo at may cook kayo. Artista ka, kalimitan ganun." sabi nya sa akin na nakataas ang kilay. Grabe, matalino talaga sya. -.-

"Sige, sa labas na lang tayo kumain. May mga kainan tayong nadaanan kanina db?." sabi ko kay Xandra. "Sige, teka lang magbibihis lang ako, magbihis ka na din para hindi ka makilala. Daniel na Daniel yang suot mo ehh." sabi nya sa akin sabay hagis ng floral na shirt.

Ako naman talaga si Daniel ehh. Pero ngayon, hindi bilang isang artista. Lalabas ako bilang isang ordinaryong tao, sana wala makakilala sa akin.

You Found Me (On hold)Basahin ang storyang ito ng LIBRE!