Meeting the Parents /Ch.2

4.1K 213 28

UNLUCKY CUPID

MEETING THE PARENTS

Ch.2

After a day of preparations, nandito na kami sa NAIA. Kasama si Louie at si kuya Kev. Pero di kasama sa flight si kuya ha. Ihahatid lang ako. Naiwan naman sa bahay sina mom at dad, syempre maraming aasikasuhin pa.

"Kath, tatandaan mo pasalubong ko ha?" biro ni kuya.

"Ay ewan ko sayo kuya. Parang pupunta lang dun saglit eh."

"Kahit na ba! Buti ka pa eh."

"Sus. Oo na."

Niyakap ko na si kuya nang sandali bago kami pumasok. At nang makapasok na nga kami, nandito na naman yung kaba ko. Hindi kaba dahil sasakay ng plane, o aalis ng bansa. I've done that already. Pero in eighteen hours and so, nasa LA na ulit ako. Meeting his parents! Halaaa!

Nag-check in na nga kami. Two hours before our flight pa. Natulog muna naman ako kahit nakaupo lang. Nakakaantok eh. Nahihiya pa nga ako kay Louie. First time naming nagkakilala. English speaking din si kuya. Mygahd! Dudugo na talaga ilong ko nito eh. Ang pinagkaiba lang nila, hindi siya nakakaintindi ng Tagalog.

"Hey Kath, sleep here." sabi ni Kenneth sabay tapik sa chest niya. Umiling lang ako at tumungo ulit.

Naramdaman ko namang inangat niya ako at siya nagayos ng presto ko. Niyakap ko nalang din siya sa sobrang antok.

Matapos ang ilang oras eh nagboard na kami papuntang Malaysia. Wala kasing straight flight from Philippines to Los Angeles diba. So napakatagal nito. Nakaupo nga lang pero nakakapagod pa rin.

Nagearphones nalang ako. And oo nga pala, kumpleto ko na ang songs ni Jake Flynn. Suppportive girlfriend na ba ang approach? Haha!

"What are you listening to?" tanong ni Kenneth.

"W-wala. Layo ka nga!" tinulak ko pa siya. Ewan ko! Nahihiya kasi ako. Songs niya yung pinapakinggan ko. Knowing na ayaw kong pinapakinggan 'to dahil ayoko kay Flynn dati.

"Oh come on. Let me hear."

"Wala ngaaa." nai-off ko na yung iPod ko at itinago. "Matulog ka na nga lang."

Nagpout naman ang loko at naglagay na nga ng blind fold. Edi ako naman eh naglabas nalang ulit ng earphones at nag-sound trip.

After hours eh kumain muna kami sa Kuala Lumpur Intl. Airport. Then nagcheck-in ulit hanggang sa tawagin na ang flight namin to LA. Eighteen hours pa naman 'to. Grabe! Kaya 'to! Aja!

"This is going to be hell Katherine," sabi niya sakin nang nakapag-take off na ang eroplano.

"I know." sagot ko na lang.

"But I'll make it heaven for you." kumindat pa siya sabay kuha sa kamay ko and he intertwined it with his.

Natawa nalang ako nang mahina. Hindi ako marunong magreply sa mga ganyan! Nac-carried away kasi! :">

"Edi ganito pala ka-hassle ang transpo mo, Kenneth? Wag ka na kayang bumalik sa Pinas?" biro ko.

"You just gave me an idea. So fine, I won't go back in Phil." simple niyang sagot.

"Ha? Joke lang yun!"

"Because if I won't come back, you'd be stuck in LA with me. You would be all mine." nagsmirk oa siya.

"Che! Edi lilipad ako pauwi."

Tumawa siya. "I'm kidding."

AFTER HOURS AND HOURS...

Unlucky Cupid: She Goes To LAWhere stories live. Discover now