Chapter 1.

13.9K 385 17


Chapter 1. First Day.

______

Maaga akong ginising ni yaya para pumasok at buti na lang hindi si kuya yong gumising sakin kasi ayoko.

"Ya?? Asan si mama??" Tanong ko kay yaya.

"Umalis may business meeting daw ehh" sabi naman ni yaya.

"Ahh sige po ya alis na po ako"

"Hindi mo ba hihintayin si ace??" Tanong sakin ni yaya.

"Nako hindi na po ya mag kakagulo lang po" sabi ko kaya napatawa naman si yaya.

Eh papanong hindi gumulo parati akong binubweset umagang umaga.

"Sige,pero sino ang mag hahatid sayo??"

"Mag lalakad na lang po ako ya don't worry" sabi ko at tumango naman si yaya kaya umalis na ako.

Pero nong hindi pa ako nakakalayo may narinig akong sumigaw galing sa kwarto ni kuya.

"Thaliaaaaaa!!!!!!"

Lagot hahaha patay ako nito tumakbo na ako ng mabilis baka mahabulan pa ako ni kuya ehh hahaha.

Natatawa ako sa ginawa ko kanina.

Flashback....

Maaga akong nagising kaya sinilip ko muna si kuya at nang makarating ako sa kwarto nya pumasok agad ako at tulog mantika pa sya kaya ng makakita ako ng pentelpen sinulatan ko yong kukha nya ng ongoy hahahaha kaya dali dali akong bumalik sa kwarto ko at kasabay naman non ang pag katok sakin ni yaya kaya like a normal narin ako.

End of flashback....

Dali dali akong tumakbo habang tawa parin ng tawa.

Ng makarating ako sa dito sa X-havier high school dali dali akong pumasok.

(A/N: X-havie high school kung saan sila nag aaral.)

Bigla namang may isang babaeng bumanga sakin kaya nahulog yong mga libro na dala ko.

"Tss..hindi man lang mag sosorry??" Sabi ko ng mahina.

Pinulot ko yong mga libro ko at pagkatapos ay tatayo na sana ako ng bigla...

*bugsh*

"F*CK!!! BAKIT HINDI KA TUMITINGIN SA DINA-DAANAN MO NERD NA PANGET!!!" Sigaw ng lalaking naka banga ko.

"Ehh ikaw kaya yong bumanga sakin!!"

"Anong ako???!"

Bigla namang nag bell kaya tumakbo na ako bahala ka dyan.

"HOY!!! PANGET!!! BUMALIK KA DITO BAKA HINDI MO KO NA KIKILALA!!!" Sigaw nya kaya huminto na muna ako at tinignan sya at galit na nga yong mukha nya.

When Miss. Nerdy Meet Four Badboys [BOOK 1 ]Read this story for FREE!