Ilang segundo pa ay may tinawagan ang dalaga.

"Hello, Viv? Are you busy?"

"Omg, Hello Shazzy! No, hindi naman ako busy. Why?"

"Wala naman. Can we talk? I mean, like the old times?"

"Sure, Shazzy! Where? Now na ba?"

"Oo sana Viv. Doon na lang sa dati naming bahay."

Lumipas ang mga oras, nagkita na ang dalawang mag-kaibigan at narating ang dating mansyon ng mga Lender.

Bumaba sila sa kanilang sasakyan at magka-hawak ng kamay na lumakad.

"Naalala ko kung paano tayo tumakbo rito galing sa school bus natin noong elementary pa lang tayo." wika ni Viv habang nakatingin sa mga natuyong dahon.

"Mga panahong ang gusto mo pa ay ang mga Seniors na istudyante na nadadaanan natin papasok at pauwi sa ibang school. 'Di ba?" napatawa silang dalawa.

"Aminado naman ako naman ako doon! Seniors ang mga gusto ko kasi ang tingin ko sa kanila noon ay super hot at matured!" lumakas lalo ang tawa nila sa sinabi ni Viv.

Nakapasok na sila nang tuluyan sa loob ng Mansyon. Tumambad sakanila ang maalikabok na mahabang hagdan. Halos wala na ang mga gamit rito at mukhang napabayaan na din.

Dinala sila ng kanilang paa sa likuran ng mansyon. Hindi pa tuluyang nabubuksan ang pinto ay amoy na agad ang sariwang hangin.

"Parang gubat na ang likuran niyo dito, Shazz." sambit ni Viv, "Pero ang ganda pa din."

Tuluyan silang lumabas at nakita nila na nandoon pa ang malaking duyan na simula noon ay naging tambayan na nila dalawa.

Umupo sila dito. "This place is so mezmerizing." pikit na wika ni Shaznae habang nakahiga sa duyan at inuugoy ng mahina ito

Katahimikan. Huni ng maliliit na ibon. Silip ng sinag ng araw. Mga naglalaglagang dahon mula sa mga matataas ng puno. Ugoy ng duyan.

"What happened, Shaz?"

Ngayon, silang dalawa naman ang nakapikit na. Ni hindi malaman ni Shaznae kung ano ang uunahin niya; ang luhang gustong umagos o ang mga kuwentong ni isa ay wala pang nakakaalam.

"I was so depressed that time. Na halos pati kayo nadamay, hindi ko na nagawang mag-paalam sa inyo." Sambit ni Shaznae. "... that time Viv, ang daming pumasok sa isip ko dahil sa mga nangyari. Nalaman ko na- na ampon ako at iyong nawala siya. Depresyon na 'yong tumuloy sa isip at puso ko. Hindi ko nagawang labanan lahat ng emosyon na mayroon ako noong oras na 'yon, Viv."

"You know, you always and forever have me by your side, Shazzy. Please do remember that."

Sinabay na ni Shaznae ang dalawa. Ang luhang gusto nang umagos at mga kuwentong gusto na niyang ilahad. "Pumunta ako noon sa Mall para bumili ng cake. Masaya kasi kaming pamilya noon, kasama si Mommy, Daddy, si Kuya at Si Ate- na kahit hindi ko talaga siya makasundo palagi. Inuunti unti ko nang kalimutan si Jordan noon, dahil alam ko naman at posible din kasi na hindi na talaga siya bumalik sa akin. Pinipilit ko ang maging masaya kahit gabi gabi akong nagtatanong kung bakit niya 'ko nagawang iwan at ipagpalit na lang. Gabi gabi akong umiiyak sa sakit para sa kaniya pero pag dating ng umaga ay pinipilit ko din na limutin na lang siya. Ipakita na magiging okay din ako hanggang sa isang umaga parang namanhid na lang ako at napagtanto ko na kailangan sa pamilya ko naman ituon ang atensyon ko- baka sa ganoong bagay ay malimutan ko siya."

Napadilat na ngayon ang dalagang si Viv para tignan ang kaibigan niya. Hindi na niya na rin'g magawang magpigil ng iyak sa nakikita niya. Umiiyak na naman siya.

Nanatiling nakatitig si Viv sa kaniyang kaibigan at nakatakip sa bibig upang ang ingay ng kaniyang iyak ay hindi gaano marinig.

"Until that day nga, pag uwi ko galing Mall... narinig ko si Ate. Saktong sakto siya, Viv. Sakto pagpasok ko dyan sa pinto. Ampon. Parang tumigil 'yong katawan ko at kusa na lang kinuha 'yong susi ng kotse. Hindi ko alam pero iyon agad ang naisip ko. Pinaandar ko ng mabilis- sobrang bilis! Hanggang sa pumasok na naman siya sa isip ko. Nagsabay sabay sila, Viv. Si Jordan, 'yong pang iiwan niya sa 'kin, 'yong narinig ko galing kay Ate, 'yong mga pangako, tawanan, at matatamis na nangyari sa amin ni Jordan. Halos lahat nagsi-bulungan sa utak ko. Hinampas ko 'yong manibela habang nakaandar hanggang sa naging blurry 'yong mata ko dahil sa mga luha. Hindi ko na na-kontrol 'yong kotse."

Agad na niyakap ni Viv ang kaibigan niya. "I'm sorry! Kaibigan mo 'ko pero noong mga panahon na kailangan mo 'ko, wala ako sa tabi mo." hagulgol ang tanging naririnig.

Hagulhol. Huni ng maliliit na ibon. Silip ng sinag ng araw. Mga naglalaglagang dahon mula sa mga matataas ng puno. Ugoy ng duyan. Iyak ng pusong nasaktan.

"Shazzy, I'm so sorry! Sana nandoon ako noong mga panahon na 'yon! Dapat sinabi mo sa 'kin. Dapat tinawagan mo 'ko noong mga gabing umiiyak ka! Dapat hindi kita iniwan sa kwartong alam kong ikukulong ka sa mga bisig ng nakaraan. I'm so sorry! I'm your best friend pero hindi kita natulungan sa ganyan."

"Nag-desisyon akong hanapin ang mga tunay kong magulang. Hindi naman ako nahirapan doon dahil malaki ang impluwensya ng Lender Corp kaya mabilis lang ang proseso. Hanggang sa heto nga, nagpalit na 'ko ng apelyido."

Kumalas sa yakap si Shaznae. Ngumiti ito at pinunasan ang luha ng dalaga, ganoon din ang ginawa niya sa kaibigan niya.

"Look, I'm already happy. I'm already a Mendoza. Professional Photographer and freelance model. Plus, nasa company din ako ng mga Mendoza."

Nagpunas pang muli si Viv, "Alam ko, you hate modeling! You changed. Big time."

"I changed because that is the only one thing left to get over." Ngumiti ang si Shaznae sa sinabi.

Napuno ng iyak at tawanan ang hapong iyon. Masaya ang dalaga at sa wakas ay nakausap na niya ang kaibigan niya.

Bago umuwi ng tuluyan ay nilibot nilang muli ang dating mansyon ng Lender. Mula sa kusina.

"Remember Manang? Ugh, nami-miss ko na ang mga luto niya, Shaz! Do you have contact pa ba kila Manang?"

"I'll ask Sandro kung paano makakuha ng info kay Manang. Wala na rin kasi akong balita sa kaniya."

"Baka nasa province na si Manang no? Why not we'll go there tapos doon tayo mag-vacation for One week or two?"

"Okay. Pag uwi ko, I'll talk to Sandro." parehas silang napapalakpak sa tuwa.

Umakyat sila hagdan. "Tamad na tamad tayo noon bumaba sa hagdan niyong 'to dati 'di ba, Shaz? Kaya nagpapadulas na lang tayo."

Paakyat na sila sa isang kwarto. Bago ito buksan ni Viv ay pinigilan na siya ng kaibigan niya. Tumango si Shaznae at siya ng ang magbu-bukas nito.

Tumunog na ang hawakan ng pinto, hudyat na handa na sa pagbukas ng pinto.

Unti unti na ang pagbukas, hanggang sa may natagpuan silang nakahiga sa lumang kama.

Nakalagay ang kamay nito sa oulo. Tumatama ang sinag ng araw na nagmumula sa sirang bintana ng silid na iyon sa taong nakahiga sa lumang kama. Ang sinag ng araw ang mas lalong nagpa-depina ng kakisigan na mayroon ang taong nakahiga roon.

**

⊙︿⊙

Between the two (Completed)Where stories live. Discover now