Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
HIS POV.
Busy ako sa napakaraming trabahong binigay sakin ni boss Nick. Grave naman kasi ‘yon magpatrabaho parang papatayin na ko eh. Haysst!
Narinig ko naman may kumatok pero di ko na lang pinansin. Busy pa ako sa pag-re-review ng mga reports.
Narinig kong nagsimula siya lumakad papunta sa ‘kin.
"Uhm...sir? Hello po!” masigla niyang bati. Nag-angat naman ako ng tingin ngunit agad ding natigilan. Namilog ang mata ko sa gulat.
Napakurap-kurap ako habang hindi inaalis ang tingin sa babaeng nasa harap ko.
Pinagmasdan ko siya.
Is this real? Why can I see my dead sister on her? It as if she came back to life again and now standing in front of me.
Bahagya namang nangunot ang noo niya marahil sa naging asal ko. She walks towards me.
“Uhm... ilalapag ko na lang po rito ‘yong documents sir,” naiilang na sabi niya.
Hindi naman ako sumagot, ni tumango man lang. Nanatili akong nakatitig sa kaniya, nakatulala. Hindi ko tuloy namalayan na nailapag na niya lahat ng papel sa desk ko.
“Alis na po ako sir,” nakangiti at magalang na sabi niya.
Napakurap-kurap naman ako at doon pa pang natauhan. I was about to stop her from leaving ngunit nasa pintuan na siya at tuluyan nang nakalabas.
Nahilamos ko tuloy ang palad ko sa mukha ko at inis na sinabunutan ng sarili.
Damn it!
Makailang ulit kong inalala ang mukha niya.ang mga nakangiti niyang mga mata kaparehas ng sa babaeng yun.halos lahat magkaparehas sila!posible kayang nabuhay pa siya dahil sa aksidenteng yun?hindi ko alam kung ano bang paniniwalaan ko.naguguluhan na ako.paanong magkamukhang magkamukha sila ng kapatid kong si nirvanna?
4 years ago.bumabyahe kami papuntang bakasyon.masaya pa kami nun ng kapatid kong si nirvanna.she's 15 year old teenager kaya bantay sarado siya sakin.but hindi ko inakalang iyon na pala ang last destination namin.
Naaksidente ang minamaneho ni dad. Hindi ko alam ang mga nangyari.basta nagising na lang ako na nasa hospital at puno ng sugat.nang tinanong ko naman si mom kung nasan si dad. ang sagot lang sakin ni mom magpahinga na ako.Alam ko na agad na wala na si dad pero hindi ko inakala na pati yung kapatid ko namatay sa aksidente.
Sinisisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng kapatid ko.pero paulit ulit saking sinasabi ni mom na walang may gusto ng nangyari kaya unti unti ko ring natanggap ang pagkawala ng nakababata kong kapatid.
Bumalik ako sa realidad.ang babaeng yun.May posibilidad bang siya ang kapatid kong si nirvanna?wala kaseng nahanap na katawan nun sa aksidente.I don't know but ang sabi ng mga pulis patay na ang kapatid ko.ayoko mang paniwalaan ay unti unti kong natanggap na wala na nga siya.